Matapos ang ilang sandali, umarte si Jun Wu Xie na parang nakalimutan kung ano ang
tinanong sa kaniya ng Lord ng Spirit Jade Palace at sa halip ay nagpatuloy na sinabi: "Bilang
pagpapakita ng katapatan sa ating pagtutulungan, may kailangan kang ibigay sa akin na isang
bagay."
Napataas ang kilay ng Spirit Jade Palace Lord. "Ano iyon?"
Tumugon si Jun Wu Xie: "Isang bagay na kakatawan na ako'y napili ng Spirit Jade Palace."
"Ano?" Nabigla ang Lord ng Spirit Jade Palace sa sinabi ni Jun Wu Xie. "Bata, hindi kaya
niloloko mo lang talaga ako? Nais mo matanggap dito sa aking Spirit Jade Palace? Hindi mo ba
alam ang kasalukuyang nangyayari sa labas sa mga miyembro ng Spirit Jade Palace?"
Sa halip ay sumagot si Jun Wu Xie: "Alam ko. Ngunit kailangan ko ng dahilan upang
mapahintulutan akong makapasok sa Cloud Brook Academy. At dahil hindi pwede na mula sa
Twelve Palaces, kung gayon ay tanging sa iyo lamang dapat manggaling."
Saludo ang Lord ng Spirit Jade Palace sa batang ito. [Hindi lamang ito nagpunta doon upang
makipagnegosasyon ng pakikipagtulungan, gumawa rin ito ng plano para sa mga kaganapan
na mangyayari pagkatapos!?]
"Hindi ka ba natatakot na sa oras na ilabas mo ang bagay na iyon, ang mga tauhan ng Twelve
Palaces ay hahanap ng dahilan upang patahimikim ka?"Natatawang tanong ng Spirit Jade
Palace Lord.
Kalmadong sumagot si Jun Wu Xie: "Kung ipapakilala ko ang aking sarili na isang miyembro na
ng Spirit Jade Palace sa sandaling iyon, maaring gawin nga nila iyan. Ngunit kung ako'y isang
kalahok lamang na nagpakita ng kagila-gilalas na resulta sa Battle of Deities Grand Meet at
hindi pa kailanman nakarating sa Spirit Jade Palace, ay natural lamang na susubukan nila
akong kunin sa kahit anong paraan. At kung malaman nila sa sandaling iyon na hindi talaga
iyon magagawa, hindi ba't papatayin pa rin nila ako?"
Kailangan lamang niya ng dahilan. Napakasimple lamang nito. Isang walang muwang na
kalahok lamang siya na napili. Paano niya malalaman ang dahilan kung bakit siya pinili ng Spirit
Jade Palace? Tama?
Agad naintindihan ng Lord ng Spirit Jade Palace ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie. [Bagaman ang
Spirit Jade Palace ay bumagsak, ngunit ang Battle of Deities Grand Meet ay umiral matagal na
panahon na. Ang Spirit Jade Palace ay naging bahagi ng Thirteen Palaces noon at natural
lamang na mayroon silang karapatan na mamili ng kandidatong may talento. Ang Battle of
Deities at Cloud Brook Academy ay hindi lamang ekslusibo na kontrolado ng Twelve Palaces sa
halip ang awtoridad doon ay pinagsasaluhan kasama ang Nine Temples. Bagaman ang Twelve
Palaces ay walang naisin na banggitin ang kahit ano tungkol sa Spirit Jade Academy, ang Nine
Temples ay magagalak na magdulot ng karagdagang kaguluhan para sa Twelve Palaces.]
[Ang Battle of Deities Grand Meet sa taong iyon ay desisyon lamang ng Twelve Palaces at
kapag dumating ang sandali na ang batang ito ay kakatwang idedeklara na siya ay pinili ng
Spirit Jade Palace, ay siguradong kukuha ito ng malaking atensyon. Anuman na alam ng
Twelve Palaces ay siguradong nalalaman din ng Nine Temples, sapagkat ang Mount Fu Yao ay
hindi isang lugar na lubusang hawak ng Twelve Palaces.]
[Isa pa, kung ang batang ito ay nagtataglay ng kamangha-manghang kakayahan, o kung ipakita
niya ang mahalagang spirit power niya sa harap ng lahat, ang mga tao mula sa Twelve Palaces
ay maglalaban, sa hanagarain na maitali ito sa kani-kanilang lugar.]
Ang katauhan niya na walang kaugnayan, samahan pa ng hindi sinasadyang tulong mula sa
Nine Temple, idagdag pa sa mabilis at matalinong isip ni Jun Wu Xie, maari ngang may
pagkakataon ito na magtagumpay!
At kung hindi ito magtagumpay, bago pa man makaalis si Jun Wu Xie sa Cloud Brook Academy,
bago pa man nito magawa na makatapak sa labas ng Mount Fu Yao, ang Twelve Palaces ay
hindi magdadalawang-isip na kunin ang buhay nito sa loob ng Mount Fu Yao.
Ngunit *ang isang sibat na isasaksak sa isang tao ay madaling iwasan habang ang isang
nakatagong paghagis ng sibat ay mahirap salagin… [Chinese idion, sariling paliwanag lamang]
"Ikaw ay pangahas." Natatawang saad ng Spirit Jade Palace Lord habang hinahatak ang isang
piraso ng blood jade sa kaniyang baywang, at hinagis iyon kay Jun Wu Xie.
"Tanggapinmo iyan upang ipakita ang aking katapatan sa ating pagtutulungan. Sa sandaling
ilabas mo iyan, ang mga tao sa Twelve Palaces ay siguradong makikila ang pinagmulan ng
bagay na iyan. Ngunit, kung sakaling ang hangad nila ay ang guluhin ka sa sandaling iyon,
huwag kang tatakbo dito upang umiyak sa aking harapan."
Pinagdaop ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay sa piraso ng blood jade na ang labas ay puno ng
inukit na bulaklak ng plum at itinago iyon sa kaniyang kasuotan.
"Ibabalik ko ito sa iyo." Malamig ang boses na saad ni Jun Wu Xie.
Subalit, sa halip ay walang gana na patagilid na humiga ang Spirit Jade Palace Lord sa
malambot na upuan, ang sulok ng kaniyang bibig ay bahagyang napataas at isang malamlam
na ngiti ang bumakas.
"Hindi na kailangan. Kunin mo iyan bilang isang regalo. Anumang bagay na nahawakan na ng
isang lalaki ay hindi ko gusto."
"..." Natahimik si Jun Wu Xie.
"Patawarin mo ako kung hindi na kita maihahatid palabas. Pakiusap." Ang Lord ng Spirit Jade
Palace ay nakapangalumbaba habang ang isang kamay ay nakaturo sa labasan, ang ibig sabihin
ay malinaw.
Bahagyang tumango si Jun Wu Xie at tumalikod na upang umalis.