Unduh Aplikasi
75.48% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1179: Kasabwat sa Krimen (4)

Bab 1179: Kasabwat sa Krimen (4)

Editor: LiberReverieGroup

Para sa Jun Family, ang Soul Calming Jade ay labis ang halaga, hindi dahil sa taglay nitong

halaga, kundi dahil may kinalaman kay Jun Gu…

Mula pa noong ang kabaong ni Jun Gu ay inilabas sa libingan nito, ang perpektong

pagkakapanatili ng kaniyang katawan ay ibinunyag sa ama at anak ng Jun Family, hindi

alintana kung si Jun Xian o Jung Qing man, sa puso nilang pareho, isang pag-asa ang

bumangon sa kanilang kalooban.

Baka…

Baka dumating ang isang araw na muling mabuhay si Jun Gu.

Hawak ang paniniwalang iyon, hinding-hindi nila ibibigay kahit kanino ang Soul Calming Jade!

"Hindi mahala kung ang Qing Yun Clan noon, o ang Condor Country sa kasalukuyan, kapwa

nila hinahangad na mapasakamay ang Soul Calming Jade. Grandfather, hindi ko ibibigay ang

Sould Calming Jade kahit kanino. Mayroon lamang isang bagay na hindi ko maintindihan at

nais kong tulungan mo ako na malinawan iyon Grandfather." seryosong tanong ni Jun Wu Xie

habang nakatingin kay Jun Xian.

"Sabihin mo sa akin." tumango si Jun Xian.

"Ang tanging alam ko ay ang Soul Jade ay narito na sa Qi Kingdom ng ang bansa ay naitatag.

Ngunit saan nagmula ang piraso ng jade?" Bakit nabunyag ang Soul Calming Jade sa mundo?

Ang isang bagay na ibinaon sa libingan ng Dark Emperor, bakit lumitaw sa Qi Kingdom? Hindi

iyon maintindihan ni Jun Wu Xie.

Huminga ng malalim si Jun Xian, wala sa sarili na napatingin sa malayo kasama ang kaniyang

mga alaala, lumipad pabalik sa maraming taon na nagdaan. Malalim ang kaniyan tingin at

matapos ang ilang saglit ng katahimikan, ay dahan-dahan niyang ibinuka ang bibig upang

magsalita:

"Nang taon na iyon, bago naitatag ang Qi Kingdom, ang mga alitan sa pagitan ng mga bansa ay

walang tigil. Malaking parte ng mga lupa ay hindi pinamumunuan at maraming mamamayan

ang nagdusa ng matindi sa ilalim ng kalupitan ng digmaan. Nang mga panahon na iyon, ako ay

isang hamak na mapusok na bata na nalalapit pa lang maging isang binata at nang makita ko

ang mga karaniwang mamamayan na nakulong sa pagdurusa at walang paraan upang

makagawa ng maayos na pamumuhay, dala ng aking kapusukan sa loob ng aking dibdib, ay

binuo ko ang Rui Lin Army kasama ang ilang mabuting kaibigan, ang bilang ng Rui Lin Army ay

dumami at ang dating Emperor ng Qi Kingdom, at ang Founding Emperor, ay hindi isang

hangal na lalaki. Siya ay lubusan din nahimok, itinakda niya sa kaniyang isip na gumawa ng

sarili niyang empire, upang pahintulutan ang mga inosenteng mamamayan ng isang lugar kung

saan ay malayo sila na maapektuhan ng walang tigil na digmaan."

"Ang aking hangarin at ang kaniyang mga ideya ay nagkataong magkapareho kaya nagsama

kami upang buuin ang isang piraso ng paraiso. Ang hukbo sa aming mga kamay ay lalong

lumakas bawat araw, pinangalagaan at hinasa ang aming lakas ng ilang taon. Nang sa wakas ay

lumaban kami sa aming unang umugong na labanan, isang binata ang nagpakita sa amin. Hindi

namin alam kung saan siya galing, o kung sino siya, ngunit ang napakagaling niyang

panlilinlang at kapangyarihan ay naging dahilan kay ako at ang Emperor noon ay humanga sa

kaniya ng lubusan. Dahil sa kaniyang mahusay na pamamaraan, kaya kahit na hindi pa kami

ganoon kalakas ay nagawa namin makuha ang aming unang siyudad, at iyon ang Imperial City

ng Qi Kingdom. Naniniwala kami na ang lalaki ay isang tagapagpala na pinadala ng Heavens

upang tulungan kami ngunit matapos namin mapagtagumpayan na makuha ang aming unang

siyudad, ang lalaking iyon ay lumisan. Bago siya umalis, ibinigay niya sa amin ang piraso ng

jade, ang sabi niya ay isa iyong regalo upang ipagdiwang ang aming pagkakaibigan. Matapos

niyon, ang aming hukbo ay tila hindi natatalo at ang Emperor noon at ako ay ipinalagay na

dahil iyon sa Soul Jade, inisip namin na nagdala iyon sa amin ng matinding suwerte at

samakatuwid, matapos ang pagkatatag sa kaharian, kinuha namin ang piraso ng jade at

inihayag iyon bilang isang mahalagang jade na pinangalagaan ang bansa."

Dahan-dahang tinapos ni Jun Xian ang kaniyang kuwento tungkol sa nakaraan at isang malalim

na buntong hininga ang dumagan sa kaniyang puso. Napakadakila at napakasigla ng lahat sa

mga taong iyon at sino ang mag-aakala na ang kasabihan na ang pagsama sa isang namumuno

ay kasing ganda ng pagsama sa isang tigre ay magiging totoo. Ang magagaliting asal ng

Emperor ay unti-unting tumulak kay Jun Xian at di kalaunan ay naging malamig at kung

titingnan ang dating hukbo ng Rui Lin Army sa mga taon na iyon, napagtanto niyang matapos

maranasan ang hindi mabilang na labanan, sa mga tao na sumunod sa kaniya sa simula pa

lamang, ay hindi na ganoon karami ang natitira.

[Ang puso niya, paanong hindi niya maramdaman ang sakit?]

Malalim na napabuntong-hininga si Jun Xian at itinaas ang kaniyang paningin upang tingnan si

Jun Wu Xie. "Iniisip mo ba na hanapin ang taong iyon?"

Tumango si Jun Wu Xie. [Ang Soul Claming Jade mismo ay hindi nagbibigay ng problema, kundi

ang binata na naghandog nito sa Qi Kingdom kaya hindi maiwasan na makaramdam ng mga

tao na maghinala sa kaniya.]

[Paanong nasa pagmamay-ari niya ang Soul Jade? At bakit niya ihahandog iyon sa iba ng

ganoon kadali lamang?]


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C1179
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk