Unduh Aplikasi
65.36% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1021: Puso ng Batang Babae (3)

Bab 1021: Puso ng Batang Babae (3)

Editor: LiberReverieGroup

Nang maramdaman ni Qu Ling Yue ang malamig na kamay ni Jun Xie sa kaniyang noo ay mas lalo siyang pinamulahan ng mukha!

"Ikaw…" Napansin naman ni Jun Wu Xie na mas lalong uminit ang noo ni Qu Ling Yue at kakapain na sana niya ang pulso nito ng biglang tumayo ang babae.

Pulang-pula ang mukha ni Qu Ling Yue na akala mo ay puputok ito anumang oras.

"A...ayos lang ako" Nauutal na saad ni Qu Ling Yue. Noong nakatayo malapit sa kaniya si Jun Wu Xie naramdaman niyang parang tatalon na ang kaniyang puso. 

Naguguluhan namang tumgin si Jun Wu Xie sa kakaibang reaksyon ni Qu Ling Yue. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari dito.

"Ahh...aalis na muna ako. Ka...kapag may kailangan ka pupuntahan kita…ay hindi...mali...hanapin mo na lang pala si Uncle Xiong." Buhol-buhol ang pananalita ni Qu Ling Yue sa sobrang nerbyos. Kaya naman napagdesisyunan niyang tumalikod na at nagmadaling lumabas ng silid na iyon.

Eksaktong papunta si Qing Yu kay Jun Xie nang kaniyang masalubong si Qu Ling Yue na nagmamadaling lumabas at nabunggo pa siya nito. Hindi na nagawang manghingi ng paumanhin ni Qing Yu nang yumukod si Qu Ling Yue sa kaniya at kumaripas ng takbo.

"Anong nangyari sa Young Miss?" Tanong ni Qing Yu kay Jun Xie habang nakatingin sa papalayo ng likod ni Qu Ling Yue.

Nagkibit-balikat naman si Jun Xie. Maging siya ay hindi alam kung anong nangyari dito.

Maayos pa si Qu Ling Yue nang siya ay dumating ngunit bigla na lang namula ang buong mukha nito saka tumakvbo.

Napakamot sa batok si Qing Yu. Hindi niya maisip kung ano talagang nangyari doon. Inilapag niya ang kaniyang hawak na imbitasyon sa mesa.

Umangat naman ang isang kilay ni Jun Wu Xie nang makita nito ang imbitasyong iyon. Kinuha niya ito at tinignan saka muling inilapag sa mesa.

"Dala ito ng mga taga-Icy Frost Clan." Nakasimangot na saad ni Qing Yu. Nang ibigay ito sa kaniya, sinabi ng taong iyon sa kaniya na ibigay ang imbitasyong ito kay Jun Xie.

"Bakit ka naman inimbitahan sa kaarawan ng babaeng iyon?" Habang papunta si Qing Yu Kay Jun Xie ay iniisip niya iyon ngunit wala pa rin siyang maisip na dahilan kung bakit. Ilang araw pa lang ba si Jun Xie sa Thousand Beast City? Tuwing kaarawan ni Qu Xin Rui, tanging ang mga Clan Chief at kanilang mga kinatawan ang imbitado. Bukod doon ay wala na.

Hindi nga makokonsiderang taga-Thousand Beast City si Jun Xie dahil bisita lamang ito dito. Kaya sa anong dahilan naman at iniimbitahan ito ni Qu Xin Rui?

Kalmadong sumagot si Jun Wu Xie: "Dahil wala na ang Devious Wyvern."

"Ano?" Ilang sandaling natigilan si Qing Yu.

Naaalala mo ba noong magpunta ako sa Spirit Beast Arena para sa paglalaban ni Lord Meh Meh at ng Devious Wyvern? Tanong ni Jun Wu Xie.

Agad namang Tumango si Qing Yu. Malamang natatandaan niya ang araw na iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang buo pa si Lord Meh Meh nang iuwi ito ni Jun Xie. Natatakot siyang iniinda pa ng tupa ang sakit kaya hindi niya iyon tinanong kay Jun Xie.

"Noong araw na iyon ay nilunok ng buo ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern." Sagot ni Jun Wu Xie. Kalmado pa rin ang itsura nito.

Bumagsak naman ang panga ni Qing Yu sa kaniyang narinig.

"Anong...sinabi mo? Lord Meh Meh? Si Lord Meh Meh ay nilunok ng buo...ang...ang Devious Wyvern?!" Hindi makapaniwala si Qing Yu sa kaniyang narinig. Nasaksihan ng kaniyang dalawang mga mata kung gaano kalaki ang Devious Wyvern. At para makain ng maliit na katawan ni Lord Meh Meh ang nilalang na iyon, kailangan muna iyong pira-pirasuhin bago malunok ng tupa!

Ngunit heto at kakasabi lang ni Jun Xie…

Nilunok ng buo ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C1021
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk