"Hayaan mo silang maghintay. Alam kong matalino si Little Brother Jun. Sigurado akong hindi siya pupunta dito." Kampante ng sagot ni Lei Chen.
"Mukhang ang laki ng tiwala ng Mahal na Prinsipe sakin. Mukhang nabigo kita ngayon."
Biglang may isang boses ang Umalingawngaw galing sa kung likod ni Lei Chen.
Nagtatakang lumingon si Lei Chen sa kaniyang likuran. Nasalubong ng kaniyang tingin si Jun Xie na lumabas sa main hall. Hawak nito ang pares ng uniporme ng katulong.
"Ipagpaumanhin mong humiram ako ng damit ng walang paalam." Kalmadong saad ni Jun Xie habang naglalakad palapit kay Lei Chen. Ihinagis nito ang damit sa guwardiyang nasa tabi.
Nanlalaki ang mga mata ng guwardiyang nakatitig kay Jun Xie. Hindi ito makapaniwalang hindi niya man lang natunugan nag pagdating ng Jun Xie.
"Ikaw..." Tumitig din si Lei Chen kay Jun Xie. Nasa mukha pa rin nito ang pagtataka. Bigla niyang naalala ang mukha ng isang matandang lalaking nakita niya kanina. "Ang matandang lalaki kanina, ikaw ba 'yon?"
Tumango si Jun Wu Xie. "Alam kong maingat si Yuan Biao. Alam kong titignan niyang maigi ang mga kaedad ko."
Muling nagsalita si Lei Chen: "Pero hindi pumasok sa isip niyang magpapanggap ka bilang matandang kuba. Maging ako ay napaniwala mo!"
"Oo nga." Agad na sinara ng guwardiya ang pinto pagkalabas.
"Kailan ka dumating dito?" Tanong ni Lei Chen nang silang dalawa na lang ang natira.
"Bago dumating ang mga Imperial Guards." Pagkaalis na pagkaalis ni Jun Wu Xie ng Immortals' Loft, agad siyang nagtungo dito sa Crown Prince's Residence. Nauna lang ito dito ng ilang sandali.
'Tap tap tap.'
Nakarinig si Lei Chen ng mga maliliit na yabag. Kinabahan si Lei Chen at tinignan ang pinanggalingan ng tunog na iyon. Nakita niya ang isang matabang tupa na marahang naglalakad. Para namang hindi nakita ng tupa si Lei Chen. Dirediretso itong naglakad palapit kay Jun Xie.
"Sino to..." Gulong-gulo ang itsura ni Lei Chen habang nakatingin sa tupa. Nakatitig din ang tupa dito,
"Alaga ko." Saad ni Jun Wu Xie. Kinarga nito si Lord Meh Meh saka umupo sa upuang nasa tabi.
"Napakadelikado ng ginawa mong ito. Alam mong magpupunta sila dito para hanapin ka pero nagpunta ka pa rin." Salaysay ni Lei Chen habang nakatitig kay Jun Xie. Hindi nito akalain ang tapang ng loob nito.
"Naparito ako dahil may itatanong sana ako sa Mahal na Crown Prince." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie.
Saglit namang natigilan si Lei Chen bago muling nagsalita: "Itatanong mo ba kung bakit gusto kang ipapatay ng aking Papa?"
Sumagot si Jun Wu Xie: "Oo at hindi."
Muling naguluhan si Lei Chen sa sagot ni Jun Xie.
Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at pinakita ang singsing na nakasuot sa kaniyang daliri.
"Alam mo ba kung saan galing ito?"
Pagkakita ni Lei Chen sa singsing, biglang nag-alab ang kaniyang mga mata!
"Iyan ang Ring of Imperial Fire!" Nanginginig ang boses ni Lei Chen.
"Oh?" Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie.
"Masasabing ang Ring of Imperial Fire ay simbolo ng unang namumuno ng Fire Country. Tanging ang unang leader ng Fire Country ang mayroon niyan." Nagpatuloy sa pagtitig si Lei Chen kay Jun Xie. Nag-aalala pa rin ang mga titig nito.