Unduh Aplikasi
52.68% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 823: Huwag mong Hilingin ang Iyong Kamatayan at Ika'y Maliligtas (6)

Bab 823: Huwag mong Hilingin ang Iyong Kamatayan at Ika'y Maliligtas (6)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi pa nakakabawi sa pagkakasuntok, agad nang hinawakan sa magkabilang pisngi ni Qiao Chu gamit ang isang kamay si Zhao Xun. Agad na namula ang kamay mukha ni Zhao Xun. 

"Huwag mong hayaang ulitin ko ulit ang tanong ko." Tumingin si Jun Wu Xie kay Zhao Xun. Nakakatakot ang mga titig nito. 

Binitawan ni Qiao Chu ang pisngi nito at napansin niyang lumipat iyon sa kaniyang leeg. Alam niyang konting pwersa lang ni Qiao Chu doon at magagawa nitong baliin ang kaniyang leeg. 

Hindi pa kailanman sumailalim sa ganitong sitwasyon si Zhao Xun. Siya ay isang disipulo ng isang ordinaryong academy. Ngayon lang siya nakaramdam na animo'y nasa bingit siya ng kamatayan! 

Naghuhumindik ang kaniyang takot habang nakatingin kay Jun Xie na nakaupo sa upuang nasa kaniyang harap. Ang pagkamuhi niya dito ay agad na napalitan ng takot. Kailanman hindi niya inakalang ang batang nakasandal sa Crown Prince at tinuturing ng lahat ng mga disipulo sa iba't-ibang academy na mayabang ay walang awa at tuso! 

"Ikaw...anong kailangan mo sa akin? Ang lugar na ito ay puno ng mga disipulo ng Hua Wan Academy, 'wag mong sabihing mangangahas ka talagang patayin ako dito? Kung gagawin mo 'yan, mas lalala lang ang sitwasyon mo bukas!" Nanlalamig ang buong katawan ni Zhao Xun dahil sa takot ngunit hindi pa rin siya nangahas na sabihin ang totoo. Kung sasabihin niya dito ang totoo, makakaligtas nga siya, ngunit hindi sa Panginoon. 

"Pwedeng-pwede mo akong subukan." Nagkibit-balikat si Jun Wu Xie. Hindi ito natinag sa huling sinabi ni Zhao Xun. 

Magsasalita pa sana si Zhao Xun ngunit naubusan na ng pasensya si Jun Wu Xie. Tumango ito kay Qiao Chu at agad namang humigpit ang hawak ni Qiao Chu sa kaniyang leeg! 

Ilang sandali lang at nagkukulay berde na ang mukha ni Zhao Xun! Sinubukan nitong tanggalin ang kamay ni Qiao Chu sa kaniyang leeg ngunit hindi ito nagtagumpay. 

"Kung hindi dahil sa pakay namin sa'yo kanina ka pa patay." Malamig na saad ni Jun Wu Xie. Hindi pa siya kumikilos noong una dahil hindi siya sigurado sa kung ano ang sasapitin ni Lei Chen sa Emperor. Ngunit hindi ibig sabihin non ay mananatili lang siyang tahimik at hayaang gamitin siya. 

Kung malakas ang loob nitong paglaruan siya, dapat itong maghanda sa kamatayang naghihintay dito! 

Nangingitim na ang mukha ni Zhao Xun. Nanlalaki ang mga mata nito at mahigpit na nakahawak ang mga kamay nito sa manggas ng damit ni Qiao Chu. 

"Bitawan mo siya." Saad ni Jun Wu Xie nang mapansin niyang halos mamatay na ito. 

Agad naman itong binitawan ni Qiao Chu. 

Hinahabol ni Zhao Xun ang kaniyang hininga habang nakadapa sa sahig. Umuubo rin ito gawa ng mahigpit na pagkakasakal. Nag-unahan ang mga luha sa kaniyang mga mata dahil sa kaniyang naramdaman kanina. Nahirapan itong tingalain ang lalaking nasa upuan. Alam niyang sa susunod na iwasan niyang sagutin ang tanong nito, ay hindi ito magdadalawang isip na ipapatay siya kay Qioa Chu! 

"Hin...hindi...ko siya kilala...Lumapit siya sakin pagkatapos ng draw lots. Inu---tusan niya akong talikuran ang laban bukas at inutusan niya rin akong ipagkalat na kagagawan ito lahat ng Crown Prince...Hindi ko talaga alam kung sino siya! Totoo ang lahat ng sinabi ko! Umiiyak si Zhao Xun habang sinasabi iyon. 


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C823
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk