"Isang napakakisig na lalaki!" gilalas ng magandang dilag nang makita ang napakagwapong
lalaki.
Ang binata na nakaupo sa kaniyang tabi ay sumimangot ng makita nito ang tinitingnan ng
dalaga at makita ang makisig na lalaking nakaupo sa isang sulok.
"Isang katulad lamang ng taong iyon ang makakakuha ng iyong atensyon Ling Yue?"
mababakas sa boses ng binata ang pagseselos ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay tila
baliwala lamang iyon.
Sinulyapan ni Qi Ling Yue ang binata at tinaasan ito ng kilay at nayayamot na sinabi: "Walang
mali sa mga mata ko. Hindi mo ba nakikita na lahat ng mga kababaihan dito ay nakatingin sa
lalaking iyon?"
Lumabi ang binatilyo at lumingon sa ibang direksyon at nakita ang isang binibini. Ang
binibining iyon ay tuwid ang likod na nakupo sa kaniyang upuan at medyo nakataas ang baba.
Ang mukha ng babaeng iyon kung ikukumpara sa magandang mukha ni Qu Ling Yue ay mas
dominante na tila matatakot ang mga tao lapitan siya.
"Hindi man lang siya sinulyapan ng ating Senior Fu. Sinong nagsabi na ang lalaking iyon ay
makisig?" sagot ng binata.
Umirap si Qu Ling Yue sa binata at siya tumayo at humakbang patungo kay Fu Xian na tahimik
na nakaupo sa isang tabi. "Senior Fu maari mo bang sulyapan ang lalaking iyon at sabhin mo sa
akin kung ito ay napakakisig?"
Itinaas ni Fu Xuan ang kaniyang mga mata at nilingon ang direksyon kung saan nakaturo ang
daliri ni Qu Ling Yue. Ang isang sulyap na iyon ay nagdulot ng munting alon sa kaniyang
kalmadong mga mata na para bang may isang bagay na nagpatalon sa kaniyang puso!
"Hindi ba't talagang makisig siya?" hindi naiwasan na sabi ni Qu Ling Yue ng walang siyang
nakuha na sagot.
Nakahuma si Fu Xian matapos ang ilang sandali at marahan na tumango.
Bakas ang tagumpay sa mukha na lumingon si Qu Ling Yue sa binata na nakupo sa isang sulok
at galit na galit.
"Hindi ko naisip na may nabubuhay sa mundong ito na kasing kisig ng lalaking iyon. Senior Fu,
sabihin mo sa akin kung ikukumpara mo ang lalaking iyon sa Grand Adviser na si Wen Yu na
alam ng lahat na pinaka magandang lalaki sa Yan Country, sino ang mas makisig?" hindi
pinansin ni Qu Ling Yue ang binata at tahasan na nagtanong kay Fu Xuan na may mataas na
pamantayan sa kagandahan.
Ibubukas pa lamang ni Fu Xuan ang kaniyang bibig upang sumagot ng biglang magbukas ang
pintuan ng pribadong silid.
Nakita nila ang isang makisig na binata na may magandang kasuotan, nakangiti ito na nakatayo
sa may pintuan. Kahit ang mga mata nito ay tila nakangiti.
"Ang Grand Adviser ay hindi nais na pinag-uusapan ang tungkol sa kaniyang hitsura alam niyo
ba iyon? Kung ang iyong mga sinabi Qu Ling Yue ay marinig ng Grand Adviser ay siguradong
hindi niya iyon ikatutuwa." Nakangiti na naglakad papasok ang makisig na binata,
nagniningning ang kaniyang mga mata ng masilayan si Fu Xuan.
"Kamahalan!" nagmadaling lumuhod ang kabataan ng makita ang binata.
Ang binata na biglang pumasok sa silid ay walang iba kundu ang Crown Prince ng Yan Country
na si Lei Chen!
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Qu Ling Yue ngunit walang pagkataranta ng irapan niya si
Lei Chen at sinabi: "Sigurado ako na ang Kamahalan ay hindi sasabhin sa Grand Adviser lahat
ng sinabi ko kanina tama?"
Ngumisi si Lei Chen at tumango.
"Natural. Hindi ko nais malaman ng Grand Adviser na ang kaniyang hitsura ay ikinukumpara ng
aking munting disipulo sa ibang lalaki dahil sigurado akong sisisihin niya ako na hindi ko
tinuturuan ng maayos ang aking mga disipulo."
Pilya na ngumisi si Qu Ling Yue sa kaniya.
Lahat sa Yan Country ay alam na ang Crown Prince na si Lei Chen ay dating mag-aaral ng War
Banner Academy at ang tatlong kabataan na nasa loob ng pribadong silid ay miyembro ng
grupo na kumakatan sa War Banner Academy para sa Spirit Battle Tournament sa taon na
iyon. Natapos ng Crown Prince ang kaniyang pag-aaral at nagbalik ilang taon na din ang
nakalipas at kahit hindi na siya bahagi ng War Banner Academy ay nagpupunta pa rin siya
doon taun-taon upang magbigay respeto sa dati niyang mga Masters at iyon ang dahilan kung
bakit kilalang-kilala niya si Qu Ling Yue at ang iba pa mula sa War Banner Academy.
Naging tanyag si Lei Chen sa mga katulad niyang disipulo sapagkat tuwing naroon siya ay hindi
siya umaasta na isang prinsipe.
At ang mga kilos ni Lei Chen ay nagpapakita ng kagandahang asal at reespeto para sa kaniyang
mga guro na naging dahilan upang makakuha siya ng suporta sa malaking bahagi ng Yan
Country.