Unduh Aplikasi
32.97% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 515: Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (6)

Bab 515: Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (6)

Editor: LiberReverieGroup

Ang Guardian grade Spirit Beast ay inilabas ang malalaking mga pangil nito!

"ROAR!"

Patay tayo!

Talagang patay tayo!

Talagang patay na patay tayo!

Ang lahat ay nagkagulo. Hindinila naisip na ang maliit na tupang iyon na sunod ng sunod kay Jun Wu Xie ay isang Guardian grade Spirit Beast! At ito ang parehong nakalaban nila!

"Sabihin mo nga… hindi ito totoo…" biglang nanghina ang mga binti ni Qiao Chu habang nakaakbay kay Hua Yao para manatiling nakatayo.

'Ang maliit na tupang iyon ay ang kaparehong Guardian grade Spirit Beast?'

'Pinagloloko ba tayo ng tadhana?'

'Talaga bang kanina laman ay nilalaro niya ang isang Guardian grade Spirit Beast?! At nanatili siyang isang buo pa rin hanggang ngayon…"

Ang higit na nagulat ay si Jun Wu Xie, pero hindi mababakas ang gulat sa kaniyang mukha. Nanatiling nakatitig lamang siya sa napakalaking Spirit Beast, at walang nakakaalam kung ano ang naiisip niya.

Ang pinakamiserable sa kanilang lahat ay ang itim na halimaw…

Dahil ito ang naatasang magpaalis sa maliit na tupa kanina, at ngayon ang malaki niyang katawan ay hindi maihahalintulad sa laki ng Guardian grade Spirit Beast.

Habnag nakatingin siya sa matulis nitong pangil na halos kasing laki na ng kaniyang katawan, parang mawawalan na ng ulirat ang itim na halimaw. Ano namang gulo ang kanilang kinasangkutan ngayon!

"Meow~" bumaba ang buntot ng itim na halimaw, bumalik sa maliit na itim na pusa ang anyo at mabilis na tumalon papunta sa balikat ni Jun Wu Xie para magtago.

"Meow…"

[Muntik na akong mamatay doon ah!]

"…" marahang tinapik ni Jun Wu Xie ang ulo ng maliit na itim na pusa.

Ngumisi ang ang Guardian grade Spirit Beast nang makita nito na bumalik sa maliit na itim na pusa ang itim na halimaw at mayabang na inangat ang ulo nito.

Pagkatapos, humiga ang napakalaking Spirit Beast sa lupa at tinitigan ng malalaking mata nito si Jun Wu Xie. Ang siyam nitong buntot ay masayang kumakawag hanggang sa pumaikot ito sa sariling katawan habang dahan-dahang bumabalik sa maliit na porma ang katawan nito, hanggang sa nakita na nila ang maliit na tupa.

"…" nakanganga si Qiao Chu dahil sa nasaksihan.

Ang mga mata naman ni Fei Yan ay tila platito ang laki habang malakas na lumunok.

Nagpalit ng mapait na ngiti si Hua Yao at Rong Ruo.

Si Fan Jin ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nito.

Tap, tap, tap.

Ang hindi nila inaasahang makapangyarihang tupa ay masayang inihahakbang ang maliliit nitong mga paa patungo kay Jun Wu Xie.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ni Jun Wu Xie. Hindi ito isang mababng antas na Spirit Beast. Isa itong Guardian grade Spirit Beast!

Maiintindihan nito ang kaniyang sinabi.

Lumapit pa lalo ang maliit na tupa, at naglakad paikot sa paa ni Jun Wu Xie. Ibinaba ang ulo nito at kumagat sa damo sa baba. Inangat nitong muli ang ulo habang ngumunguya.

"Meh~"

[Masarap ang mga damong nakapaligid sa iyo.]

[Meh, gusto ko iyon.]

Hindi maintindihan ni Jun Wu Xie ang sinabi nito, buti na lang, naintindihan ng maliit na itim na pusa ang sinabi nito at ipinarating kay jun Wu Xie.

Naintindihan na ngayon ni Jun Wu Xie kung bakit ang maliit na tupang iyon ay nakabuntot sa kaniya.

Ang kaniyang ring spirit ay isang plant spirit, at kahit hindi ramdam ng ibang tao, lahat ng halaman na nakapalibot sa kaniya ay mararamdaman ang kapangyarihan ni Little Lotus.

At ang Guardian grade Spirit Beast na ito, habang nakikipaglaban kay Jun Wu Xie noong nakaraan ay naamoy ang bango ng kaniyang plant spirit.

Naakit ito sa masarap na mga damo na hatid ng plant spirit ni Jun Wu Xie.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C515
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk