Unduh Aplikasi
32.84% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 513: Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (4)

Bab 513: Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (4)

Editor: LiberReverieGroup

Maagang nagising ng sumunod na araw sila Jun Wu Xie. Ang maliit na tupa ay mahimbing pa ding natutulog sa ilalim ng malaking puno at sumenyas si Jun Wu Xie na tumahimik sila. Si Qiao Chu at ang iba ay walang ingay na tumalon pababa at tumakbo palayo.

Ngunit hindi nagtagal, nagising ang maliit na tupa at ng tumingin ito sa taas, nanindig ang mga balahibo nito sa takot!

"MEH!"

[Saan sila pumunta?] 

"Bwah ha ha ha! Kung ayaw mong sumunod ang maliit na tupang iyon sa atin, itapon mo nalang sa malayo! Pero tahimik mo kaming pinaalis palayo! Ha ha ha! Hindi… masakit na ang aking tiyan… Hua… Tulungan mo ako…" Hindi mapigilan ni Qiao Chu ang kaniyang tawa habang sila ay naglalakbay sa masukal na kagubatan. Kayang kaya nilang hulihin ang mataas na antas ng mga Spirit Beast pero sa isang maliit na tupa, napilitan silang tahimik na tumakas mula dito. 

"Alis!" Sinipa ni Fei Yan si Qiao Chu na dudumihan dapat si Hua Yao ng "madumi nito kamay", pandidiri ang mababakas sa kaniyang mukha.

"Pero nagtataka talaga ako, bakit ayaw mong isama ang maliit na tupang iyon Little Xie? Mukha namang maamo iyon, hindi ba?" nagtatakang tanong ni Rong Ruo. Alam niya kung gaano kagusto ni Jun Wu Xie ang maliliit at mabalahibong hayop, hindi ba natutuwa si Jun Wu Xie na ang maliit na tupang iyon ay buntot ng buntot sa kaniya?

"Mamamatay ito." Saad ni Jun Wu Xie na nakakunot ang noo.

Nagulat si Rong Ruo, pero naintidihan niya kung ano ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie.

Kahit na mas mahaba ang buhay ng mga Spirit Beast sa mga normal na hayop, mas maiksi pa din ito kumpara sa tao. Ang mababang antas na Spirit Beast na katulad niyon ay aabot lamang sa sampung taon ang buhay kung kaya ayaw ni Jun Wu Xie na alagaan iyon dahil alam niyang isang araw ang maliit na tupang iyon ay mamamatay lang din at ayaw niyang masaktan ang puso niya sa mga bagay na alam niyang madaling mangyari.

Kung manatili ito sa kanya ng mahabang panahon, mapapalapit ito sa kaniya, kahit pa sa isang malamig na tao tulad ni Jun Wu Xie.

Kaya naman, kahit gaano niya pa kagusto ang maliliit at mabalahibong hayop, hindi niya hinahayaan ang sarili na mapalapit sa mga ito.

Maliban na lamang sa maliit na itim na pusa, dahil alam niya na habang buhay siya, nandiyan din ito para samahan siya hanggang sa huli.

Si Rolly ay isang makapangyarihan na ring spirit at hindi madaling mamatay sa normal na pamamaraan.

"Uhermm… mas matagal pa ang buhay ni Rolly kaysa sa akin! Gusto mo bang tawagin ko si Rolly para yakapin?" tanong ni Qiao Chu, na bigla na lamang sumulpot sa tabi ni Jun Wu Xie. Batid niya na sa kabila ng malamig na katangian ni Jun Wu Xie, ang mga binibitawan niyang mga salita ay nagsasabi ng mapait na katotohanan.

Sa kaniyang murang edad at dami ng pinagdaanan, pinipigilan niya ang kaniyang sarili na mapalapit sa mga bagay na mahal niya, ngunit hindi ba iyon nakakapagod?

Umiling si Jun Wu Xie kay Qiao Chu at ang tingin ng ibang kasamahan niya sa kaniya ay parang nagsasabing "Isa kang nakakaawang nilalang".

'May nasabi ba siyang mali?'

'Bakit ganoon sila makatingin?'

"Meow." Marahang ungol ng maliit na itim na pusa na nasa balikat ni Jun Wu Xie.

[Huwag mo nang isipin pa ang mga nasa isip ng mga normal na tao. Iiisipin pa din nila na ikaw ay nakakaawang nilalang na may masalimuot na kahapon, at tahimik mo lamang na pinipigilan ang iyong sarili.]

Umangat ng bahagya ang gilid ng labi ni Jun Wu Xie.

Kahit isang beses hindi niya naisip na isa siyang nakakaawang nilalang!

Pagkatapos niyang maipanganak muli, nakaramdam siya ng katahimikan na hindi niya naramdaman dati!

Ang maingay na pag-aasaran ay nagpatuloy habang naglalakbay sila upang maghanap ng mahuhuling Spirit Beast. Mabilis nilang nahuli ang Spirit Beast na may luha sa mga mata nito bago ito namatay.

Maya-maya, isang maliit na puting pigura ang nakakubli sa likod ng mga puno sa hindi kalayuan. Ang mga bilog nitong mga mata ay nangningning habang nakatitig it okay Jun Wu Xie na nakatayo sa tabi ni Fan Jin.

[Found Them! Meh`!] 


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C513
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk