Sa kasalukuyan, itinago ni Duan Ling Tian ang kaniyang tunay na itsura at nagbabalatkayo ng itsura ni Ling Tian upang makita si Zhao Deng.
"Imposible?" Walang emosyong sagot ni Duan Ling Tian nang marinig ang sinabi ni Zhao Deng, "Sa tingin mo ba ay imposibleng ako si Duan Ling Tian dahil lamang hindi mo napansin ang pagbabalatkayo sa aking mukha?"
Bago pa makasagot si Zhao Deng, nakita niya ang mga kalamnan sa mukha ni Duan Ling Tian ay nagsimulang magbago. Hindi nagtagal, isang bagong mukha ang lumitaw sa kaniyang harapan!
Kung hindi niya ito nasaksihan sa harapan ng mismo niyang mata, hindi siya maniniwalang mayroon palang ganito kahusay na paraan ng pagbabalatkayo sa mundo. Halatang ikinubli ni Duan Ling Tian ang kaniyang itsura, ngunit ang kaniyang Divine Consciousness ay hindi man lamang naramsaman ang pagkukubling ito.