Sa loob ng isang malayo at tahimik na kuweba sa Rock Island, napuno ng pagkagulat ang mga mata ni Luo Feng.
"Siguradong nagmula iyon sa pinakamalakas na World Tree!" sabi niya.
Naramdaman ni Luo Feng ang desperasyon at pagdurusang dinanas ng tagamoshang katawan ni Luo Feng sa napakatinding pagatake na iyon. Para itong isang abot langit na nilalang na pumapatay ng isang langgam, at ang katawan niyang tagamosha ang naging langgam sa pagkakataong ito. Kaya siguradong nagmula iyon sa pinakamalakas na World Tree. Ito lang ang may kakayahang gumawa ng mga ganitong klase ng bagay.
"Inatake niya ako." Sabi ni Luo Feng "Kahit isa lang siyang knight, mayroon na siyang lakas na katumbas ng isang universe master dahil sa pagiging espesyal na organismo ng mga ito. Idagdag pa natin ang napakalaking sukat ng kaniyang katawan. Inatake nito ang katawan kong tagamosha."