Binalot ng napakaraming makukulay na aurora ang buong Bauhinia Island habang pinapakita ng mga halo na nabubuo sa kanila ang mga misteryo ng origin law nang walang tigil sa kalangitan.
Ang Bauhinia Island ay tahanan ng mga palasyong nagmula sa iba't ibang mga lahi. Sa loob ng mga palasyong ito makikita ang napakaraming mga estatwa ng mga sinaunang espada. Nang biglang bumukas ang gate papasok sa palasyong ito. Dito na naglakad palabas ang isang imahaeng may mga matang kasing talas ng mga blade at isang marka ng pitong mga panlabang espada sa gitna ng kaniyang mga kilay, ang lalaking ito na nakasuot ng purple armor ay nagmukha ring isang espada na panlaban.
Sumigaw naman sa imahe ang dalawang mukhang mga chimpanzee na nilalang mula sa ibang lahi mula sa malayo.
"Seven Blade Emperor! May ginawang malaki si Blade River Emperor na nagmula sa lahi ng sangkatauhan."
"Seven Blade Emperor, hinamon niyo ba siya sa isang laban?"