Tumingin pataas si Luo Feng papunta kay Sky Wolf at nagreklamong "Oo, pinaglalaruan nga kita! Pero pinaglalaruan mo lang dina ko!"
"Paano kitang pinaglaruan?" sigaw ni Sky Wolf "Sumusunod ako sa naging usapan natin, sinusubukan ko lang kung authentic ba ang scanner na ibinigay mo sa akin o hindi! Pero nagawa mong sabihin na pinaglalaruan lang kita?"
"Iniisip mo bang ganoon na ako kamangmang para hayaan kang kumonekta sa virtual universe nang hindi ko hawak ang token? May utak pa rin naman ako kahit papaano." Ngiti ni Luo Feng "Sigurado akong nagpapadala ka na ng mensahe sa lahi ng demonyo habang kunwaring tinetest ang scanner na binigay ko."
Natigilan dito si Sky Wolf.