Sa pamamagitan ng pagaaral ni Luo Feng kung paano gisingin at irecover si Heavy Arrow, nagkaroon siya ng maganda at masamang balita.
Ang magandang balita ay kahit na nasa emperor limit ang lakas ni Heavy Arrow, ang level ng emperor limit ay nagagawa sa pamamagitan ng mga body amplification techniques na nakapagpalakas sa kaniyang katawan sa loob ng isang saglit. Hindi pa rin nagbabagi ang pangkalahatang enerhiya sa kaniyang katawan, kagaya na lang kung paano gamitin ng golden horned beast ang Deities of the world.
Pero ang rason sa likod ng pagtaas na ito ng lakas at ang pagliit ng katawan ay ang mas siksik na mga muscles nito at iba pa.
Natural na ginamit ng comatose na si Heavy Arrow ang kaniyang amplification technique, ang kaniyang katawan ngayon nasa pangkaraniwang undying na lamang na nasa tuktok ng emperor level.
Kaya ang pagrerecover kay Heavy Arrow o sa isang undying na nasa tuktok ng emperor level ay walang pagkakaiba.