Isang itim na disc ang lumipad sa ibabaw ng main continent. Nagtaas si Luo Feng ng dalawang baso ng wine sa loob ng control room nito."
"Night, Piercing Tiger."
"Kahit na gusto ko kayong iligtas pareho, wala naman akong kakayahan na gawin iyon." Mahinang sinabi ni Luo Feng "Isang demonyo ng kalawakan ang naging dahilan ng pagkamatay ng dalawan mga fighters, at ang malalakas lang ang nagagawang makaligtas dito. Hilingin na lang nating makita ko kayong muli sa hinaharap."
"Sinabi na sa akin noon ni True Yan at ng City leader sa Primal Chaos city noon na marami ang mga nagbabadyang panganib sa paligid. Kaya dapat lang na magingat nang husto ang isang nilalang. Mayroon ding huling bilin ang master ng planetang Yun Mo na si Hu Yan Bo kay Babata para sabihin sa akin bago ito mamatay, at iyon ay ang palaging pagrespeto sa kalawakan at ang pagiwas sa pagiging arogante." Buntong hininga ni Luo Feng "Nabuo ito mula sa kanilang karanasan."