Habang patuloy na lumalapit ang dalawang mga spaceship sa isa't isa.
"Luo Feng, huwag mong isugal ang iyong kaligtasan. Huwag kang mawala sa iyong sarili nang dahil sa kayamanang ito." Nagmamadaling sinabi ni Babata "Mga digmaan ito sa labas. Kaya kahit na makakuha ka pa ng mga kayamanan sa gitna ng mga panganib na ito, mula man sa makakalaban mo ngayon o sa automaton mong nakalaban noon, walang wala ang scanner na ginagamit mo sa kanila, kayas nasa disadvantaged kang posisyon! Kung susubukan mo pa ring harapin ang panganib…maaaring dito na ka rin mamatay."
Malinaw na naramdaman ni Luo Feng ang paglapit ng distansya.
56.39 milyong km…50…
Habang palapit ng palapit, palakas din ng palakas ang pagtawag. Kung hindi lang sapat ang lakas ng kanyang willpower, matagal na sigurong nagtatalon ang kanyang katawan at direktang sumugod papunta sa kayamanan.
"Alis!" Nagngitngit ang mga ngipin ni Luo Feng "Umalis na tayo ngayundin, magpunta tayo sa travel point."