Matapos malaman ang lihim ng Earth, naging malinaw na para kay Luo Feng na ang Earth ay ginawang isang basket ng isang hindi mapapantayang nilalang para palakasin ang mga nilalang na nilagay niya rito matapos gumamit ng napakaraming enerhiya sa pagreremodel nito. Hindi na masusukat ang halaga nito at isa na rin itong bagay na hindi niya magagawang makontrol nang magisa.
Para itong isang kayamanang gustong makuha ng dalawang diyos, pero naunahan silang dalawa ng isang bata. Hindi lang ito isang problema kundi isang malaking trahedya! Walang pakialam ang dalawang diyos na ito sa pagkamatay ng nakakuhang bata rito. Dahil para sa Huge Axe Dojo at sa Virtual Universe Company, hindi pa nararapat matawag na langgam si Luo Feng kung ikukumpara sa mga ito.
"Maghintay lang kayo." isip ni Luo Feng.
…