Isang malaking hukay na mayroong diameter na 10,000km, ano ba ito?
Hindi rin ito halos mapupuno ng isang buwan kung itatapon mo iyon sa hukay na iyan!
Tumayo si Luo Feng sa tabi ng hukay habang nararamdaman ang paglabas ng isang kakaibang enerhiya mula sa loob nito. Masyadong sinauna, matindi at concentrated ang enerhiya na ito…
"Napakakapal ng killing aura na iyon." Tingin ni Luo Feng. Hindi niya nagawang makita ang dulo ng napakalaking hukay na ito. Hindi niya magawang makita ang gilid ng hukay na ito noong tumayo siya sa tuktok ng bundok na mayroong taas na 10,000m. Pero hindi niya naman ngayong makita ang ilalim nito kahit ano pang tingin ang kanyang gawin sa gilid nito, para itong isang walang katapusang hukay.