Kinagabihan, parang naging mga blades ang hangin habang malakas na umiihip sa tila walang katapusang kagubatan, makikita namang nagtatago sa likod ng ligaw na damo ang isang malabong imahe ng tao.
Nagkapunit-punit na ang suot na robe ng kanyang katawan pero mararamdaman ang paglabas sa napakalakas na katawang may maputing balat ng kulay puting enerhiya. "Inhale!" Huminga nang malalim si Luo Feng habang nakaindian seat sa lupa. Makikita ang paglubog ng kanyang dibdib at paglaki ng kanyang tiyan na para bang isang lobo ang nasa loob nito. Matapos nito ay umangat ang lobong ito na ikinalubog ng kanyang tiyan habang lumalaki ang kanyang dibdib.
Matapos nito ay nahati ang napakalaking parang lobong bagay na iyon sa apat na bahagi, nagtungo ito sa dalawang braso at binti ni Luo Feng.
Masyado naging kakaiba ang mga parang lobong bagay na ito, na makikitang nakaumbok sa kanyang balat!