"Oras na para umalis master," isang boses na puno ng paggalang ang maririnig mula sa hagdanan sa ilalim ng balkonahe.
"Master?"
"Master?" Ilang magkakasunod na sigaw ang maririnig at tumakbo paakyat ang naghihinalang butler, tumingin siya sa paligid at nakita ang nakahandusay na hindi mapapantayang fighter na si Yan Hai na hindi na gumagalaw sa sahig ng balkonahe. Agad na nagbago ang kanyang itsura. "Ano pong problema master? Ano po ang nangyari sa inyo?" Tumakbo siya palapit at nagsquat sa tabi ni Yan Hai upang tingnan ang hininga at pulso nito.
"Patay na po kayo?"