Kamakailan lang, hindi lang ang buong Ming-Yue sector ang nakaalam sa pangalang Luo Feng, nakilala rin ang pangalang ito maging ng lahat ng residenteng nakatira sa paligid ng Lotus Pond park.
Ang Lotus Pond park ay makikita sa tabi ng Ming-Yue sector. Isa itong pampublikong parke.
Noong una, nakilala ni Luo Hua si Nan sa parkeng ito ng tiyansahan. Matao ang parkeng ito na isa ring lugar kung saan madalas na kumakalat ang balita. Dito rin kumakalat ang mga bagay-bagay na tungkol kay Luo Feng. Ang mga alamat tungkol kay Luo Feng….