Talagang napakaepektibo ang archaeological gravity room na ito kahit na mayroon lang napakakaunting pagkakataon ang bawat isang fighter na gumamit nito! At kada araw ay mayroon pa rin naman siyang dalawang oras para gumamit ng mga replica gravity room. Kahit na hanggang 3x lang ang kaya ng mga gravity room na ito ay puwede mo naman itong gamitin ng mas matagal na oras.
Kaya ang rate of improvement ni Luo Feng dito ay malinaw na mas mabilis kaysa sa kanyang rate of improvement sa Jiang-Nan City.
Si Luo Feng ay may fist strength na 11,500kg noong katapusan ng March.
Noong katapusan naman ng April, ang fist strength ni Luo Feng ay umabot ng 13,600 kg. Sa madaling salita ay tumaas ito ng hindi bababa sa 2,100kg na nagpapakitang mas mabilis ang kanyang improvement dito kaysa sa labas.