Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan mauubos at tuluyang mawawala ang dark golden ball sa isipan ni Luo Feng kaya hindi na nag-isip pa ng husto si Luo Feng tungkol dito.
March 1st.
Thursday, ang araw kung kailan babalik sa Forsaken Land ang Fire Hammer Squad.
Sa 1st floor ng HR alliance market nagkita muli ang limang miyembro ng Fire Hammer Squad.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan Crazy? Dismayado ka ba dahil wala dito si Lady Xu Xin?" nagbiro si Wei Tie. Hindi nasabi ni Luo Feng na tinawagan na pala niya si Xu Xin kagabi at noong Chinese New Year kung saan nakipagusap siya ng napakatagal na oras at kumain kasama siya.
Crush ni Luo Feng si Xu Xin at nagugustuhan rin ni Xu Xin si Luo Feng.
Pero walang kahit sino sa kanila ang nagsalita tungkol dito.
Naga-aral pa si Xu Xin at mula siya sa makapangyarihang Xu family kaya hindi siya puwedeng pumasok sa isang relasyon ng basta-basta.