Ngumiti si Song Tingyu habang pinapanood niyang umalis si Zhao Feng. Puno ng kumpiyansa ang kanyang puso.
Subalit nang patawid na si Zhao Feng sa may pinto, isang makapal na lilang enerhiya ang siyang nagsimulang umangat mula sa kanyang katawan, at ang Heaven Earth Yuan Qi sa kwarto ay pumalibot sa kanya.
"Ito ay…"
Hindi makapagsalita si Song Tingyu. Nang suriin niya ang enerhiya ni Zhao Feng ngayon, sigurado siya na 10% lamang ng kanyang Blue Spirit energy ang naisalin sa Violet Spirit energy.
Subalit ang konsentrasyon ng violet energy na inilalabas ni Zhao Feng ay nagpapatunay na halos 30%, hindi, 40% na ang naisalin.
Kumakapal ang lilang enerhiya, at nilamon nito ang paligid ni Zhao Feng kagaya ng isang hamog. Naging malabo at hindi maipaliwanag ang kanyang katawan, at ang pagtingin rito ay nagdadala ng pakiramdam na tila ba nawawala ang isang tao sa pag-iisip.