"Mayroong bakas ng Soul aura dito!"
Ang mga unang dumating sa pinagtataguan ni Zhao Feng ay ang mga bantay sa labas ng Meng City.
Napakaraming sundalo ang nagtipo-tipon sa gubat. Ang mga pinuno ng mga grupong ito ay mga normal na Emperors kaya imposibleng mahanap nila si Zhao Feng nang sinuri ang paligid gamit ang kanilang Divine Senses.
Hu~
Si Zhao Feng ay lumukso sa gubat at isang pulang kidlat ang kumislap sa paligid ng kanyang katawan. Siya ay mas lumaki; tila isa siyang metal na bundok ng kidlat nang magpakawala ng alon ng kidlat sa bawat direksyon.
Weng~~ Boom! Boom!
Halos libo-libong mga sundalo ang nasa Origin Core Realm pa lamang. Imposibleng maharangan nila ang kidlat ni Zhao Feng. Ang alon ng mga sundalong non-human ay bumagsak sa lupa at ang ibang non-humans ay naramdamang tila sila'y natigil sa putik. Nahihirapan din silang huminga.