Noon sa Azure Flower Continent, sa loob ng isang madilim at kulay itim na tore sa mga kabundukan ng Canopy Great Country sa Northern Continent, mayroong isang tore na mayroong anim na sulak na luma at misteryoso. Mayroon itong apatnapu't siyam na mga palapag, at ito ay nababalutan ng isang hindi mailarawang kapangyarihan.
Ito ang mala-alamat na lugar ng Dao of Life sa Azure Flower Continent – ang Six Warlock Tower.
Sa pagkaktaong ito, isang elder ang nakatayo sa tugatog ng ika-49th na palapag at siya ay nakatingin sa alapaap. Ang elder ay mayroong itim na kapa, at ang kaniyang mga mata ay tila malamlam, subalit kagaya rin ito ng mga bituin na hindi masusukat at puno ng hustong edad at kaalaman.
Miao!
Ang atungal ng puso ay maririnig sa buong kapaligiran nang mayroong isang malaki at kulay pilak na itim na pusang tamad na humikab sa isang sulok.
"Sage, maghapon ka nang nakatayo rito."
Ilang mga tao ang nakatayo sa likuran ng Sasge. Ang pinakamalapit na mga tao ay isang magandang priest at isang elder na mayroong kulay puti at mahabang balbas.
"Qinxin, tiyak na hindi mo binigo ako at ang iyong nanay. Napagtagumpayan mo na ang pagbabago sa iyong kapalaran. Bihirang mayroong nakakagawa nito simula pa sa pinakaunang panahon," tila ba masaya ang Sage, at ang kaniyang mga mata ay parang nakatitig sa kalawakan patungo sa direksyon ng Fan Lun Ancient Sound Palace.
Weng~~
Isang kulay pilak na liwanag ang bilang umilaw sa ere sa itaas ng Six Warlock Divine Tower at binalot nito ang Sage.
Miao!
Sininok ang malaki at tamad na puso, at ito ay labis na umaasa.
"Qinxin!? Liu Qinxin!?" Ang mga ekspresyon ng babaeng priest, ng elder na mayroong puting balbas, at ang mga kasamahan nila ay labis na nagbago. Hindi ba't namatay na si Liu Qinxin sa inheritance? Inakala ng Sage na mas marami siyang kamalasang matatagpuan kaysa sa suwerte.
"Liu Qinxin… paano nangyari ito!?" Isang nakakatulalang maharlikang babae ang lumitaw sa ika-49th na palapag. Siya ay tinuturing na mayroong hindi mapapantayang ganda at mayroong kabigha-bighaning mukha. Ang kaniyang bawat ngiti ay kayang umakit sa mundo. Siya si Empress Qin, ang disciple ng Sage.
"Hindi ba't ang konglusyon ng Master ay namatay na si Liu Qin nakaraang lima o anim na taong pang nakalipas?" Pabago-pabago ang ekspresyon ni Empress Qin. Inakala ng Sage na mas maraming kamalasang natagpuan si Liu Qinxin kumpara sa suwerte, nangangahulugan na siya ay patay na.
"Master, hindi ba't sinabi mo na patay na si Liu Qinxin? Paano niya nagawang baguhin ang kaniyang kapalaran?" Magalang na tinanong ni Empress Qin.
Ang Sage ay mayroong tatlong babaeng disciples na nagsasanay ng Dao of Life, Dao of Charm, at ng Dao of Entertainment. Si Empress Qin na lamang ang tanging nabubuhay kahit na siya ang pinakahindi mahalaga sa tatlo. Unang napusuan ng Sage ang disciple na nagcultivate ng Dao of Life at ang disciple na nagcultivate ng Dao of Entertainment ang pumapangalawa. Sa kasamaang palad, ang dalawang iyon ay nagbayad ng malaking halaga upang baguhin ang kapalaran ni Liu Qinxin. Kaunti lamang ang nagawang tulong ni Empress Qin dito.
"Ang katapusan ay ang simula pa lamang; ang kamatayan ay nangangahulugan din na may buhay," paghanga at pagibig ang lumitaw sa mga mata ng Sage.
Ang mga ekspresyon ng mga taong nasa tore ay naging kakaiba. Napakabihira na makitang may ganitong ekspresyon ang Sage.
"Bagong buhay!? Maaari bang…?" Ang puso ng priest, ng elder na mayroong puting balbas, at ang iba pa nilang mga kasamahan ay lahat nanginig. Sa pagkakataong ito, lahat sila ay may kani-kaniyang hula.
"Matapos maintindihan ang Fan Lun Time, nakalagpas na siya sa mga hangganan ng buhay, at ang butong itinanim nakaraang pitong taon ay nagsisimula nang lumaki…" Ang ngiti sa mukha ng Sage ay mas nagliwanag, at isang maliit na bilang ng mga daoists na nagcultivate ng Dao of Life na nasa kaniyang likuran ay nagsimulang mag-isip.
"Qinxin, bakit ka nandirito ngayon?" Lumingon ang Sage. Wala na siyang sinabi pa tungkol kay Liu Qinxin.
"Master, muli na namang nabubuhay ang Scarlet Moon Demonic Religion, at ang kontinent ay nasa panganib. Sa kasamaang palad, ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch ay nasa seklusyon at pinaplanong makatungtong sa Void God Realm…" Sambit ni Empress Qin.
Nitong mga nakaraang taon, ang mga puwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nabubuhay muli at dahan-dahang pinapaguho ang kontinent. Kahit na mayroong tulong ng Sacred Alliance at ng Ten Great Clans, ang kanilang momentum ay hindi mapipigilan.
"Sage, kayang-kaya mong iligtas ang kontinent," sambit ng mga tao sa likuran niya, at pag-asa ang lumitaw sa mga mata ni Empress Qin.
Nagsimula nang paguhuin ng Scarlet Moon Demonic Religion ang Canopy Great Country, ginamit ng Iron Blood Religion ang pagkakataong ito upang tipunin ang mga puwersa ng great country at labanan nang magkasama ang Demonic Religion.
"Hindi mo kailangang mag-alala. Ang Azure Flower Continent ay isang lugar ng kapalaran," ngumiti ang Sage at bumalik sa seklusyon.
Bumuntong-hininga ang Empress Qin, at pagaalinlangan ang lumitaw sa kaniyang mukha.
Miao!
Ang malaking tamad na pusa ay mapaglarong tumingin sa kaniya at naglaho.
Noon sa Gan Sacred Island Zone, sa isang isla na ang sukat ay isa lamang sa limampu ng Eight Desolate Mountain, isang metal na barko ng Death ang nakalutang sa isang lawa, at ito ay nababalutan ng isang maitim na kulay lilang liwanag. Dalawang Death Guards ang nagbabantay sa harapan at sa likuran ng barko.
"Gan Sacred Island Zone… ang mga puwersang nagcucultivate ng Dao of Entertainment. Hindi ko inakalang nandito ito…" Ang anyo ng Death God ay lumitaw sa ulo ng barko. Sa tabi niya ay mayroong isang maliit na babang mayroong kulay puting mga mata.
Ang babaeng mayroong puting mata ay mabilis na lumalaki. Mayroong isang profound na kapangyarihang nagmumula sa kaniyang mga mata.
"Master, ang sect na may salitang 'Qin' dito ay ang lugar kung saan nagtatago ang pakay," sambit ng maliit na babaeng mayroong puting mata. Ngayon ay mas matangkad na siya at mayroong kakaibang aura.
"Isang sect na may salitang 'Qin'. Hehe, naalala ko ang isang luma at makapangyarihang sect na nagcucultivate ng Dao of Entertainment," ang ngiti sa mukha ng Emperor of Death ay mas lumamig.
Sky Sacred Qin Palace. Nagdulot ito upang makaalala siya ng ilang malalim na mga alaalang nakatago sa kaniyang isipan. Nagsimulang maalala ng Emperor of Death kung ano ang mga nangyari noon.
Ang buhay ng kahit sinong Emperor ay sapat mna upang makasulat ng isang nobela, kabilang na rito ang Emperor of Death. Hindi masiyadong naging madali ang kaniyang paglago; puno ito ng patusok at mga alon. Walang masiyadong nakakaalam na nagnakaw na siya ng dalawang katawan at nagcultivate ng paulit-ulit upang maabot ang mataas niyang kalagayan ngayon.
Ang unang beses na naging isa siyang Peak-tier King at muntik nang maging isang Emperor, bigla siyang sinugod ng ilang mga Emperors. Masiyadong maraming nainsultong tao ang Emperor of Death, at dahil nasa kaniya ang Eye of Death nangangahulugan ito na may malakas siyang potensyal. Nagkampihan ang mga Emperors at pinatay ang Emperor of Death, subalit nagawang makatakas ng kaniyang kaluluwa at magnakaw ng ibang katawan.
Ang ikalawang pagkakataon ay mas naging malas. Isang Mystic Light Realm Sacred Lord ang pumatay sa kaniya pagtapos na pagtapos niyang maging isang Emperor. Ang panahon na iyon ay mas mapanganib, at ang kaniyang kaluluwa ay halos tuluyan nang masira.
"Sa ikalawang beses na namatay ako, napatay ako ng isang Sacred Lord sa Floating Dream Sacred Land, at ang mga sects na nagcucultivate ng Dao of Entertainment ay tila tumulong sa kanila noon," naalala ng Emperor of Death ang matagal na niyang nalimot na alaalang ito. Sa wakas ay nagawa na niyang maabot ang kasalukuyang posisyon niya ngayon matapos dalawang beses na magcultivate, at sa nakakasindak na mga techniques ng death na mayroong siya ngayon, kahit ang mga Mystic Light Realm Sacred Lords ay hindi na maglalakas-loob na basta-basta siyang alipustahin.
"Sky Sacred Qin Palace… sabay natin silang tapusin," isang malamig na paglalayong pumatay ang lumitaw sa mga mata ng Emperor of Death. Matapos niyang sabihin ito, ang Emperor of Death ay biglang naglaho mula sa barko.
"Bakit…? Ang hinaharap ay nahaharangan ng isang misteryosong kapangyarihan," kinagat ng maliit na babaeng mayroong puting mga mata ang kaniyang labi habang mayroon siyang hawak na isang brush at sa wakas nagawa na niyang makapagpinta kahit papaano. Ang kaniyang artistic skills ay lumago na, at makikita ng isang tao na ang Emperor of Death ay may kaharap na isang batang may kulay lilang buhok sa larawan.
"Sa wakas ay magkikita na sila?" Tumingin ang dalawang Death Guards sa larawan.
Kasabay nito, sa loob ng ika-49th na palapag ng Fan Lun Ancient Sound Palace, ang mga ekspresyon sa grupo ay labis nagbago. Ang makinis na katawang napapalibutan ng liwanag ay nagpakawala ng isang misteryosong aura na tila ba nakakapagpalinis sa kaluluwa. Dahan-dahang naglaho ang katawan.
"Qinxin!" Sigaw ni Zhao Feng. Ang nakangiting Liu Qinxin sa kaniyang harapan ay nagsimula nang marahang maglaho sa ilalim ng liwanag.
Ang lahat ay nanonood nang nakanganga ang kanilang mga bibig, subalit wala pa rin silang magawa.
"Feng, sa iyong pagdating, mamamatay na ako ng walang pagsisisi," isang maliit na boses ang maririnig sa ika-49th na palapag, at isang phantom ang lumitaw mula sa bangkay, bumubuo ng isang babaeng nakakulay puting kasuotan.
Ding!
Isang sira-sira at lumang tansong barya ang lumitaw sa ilalim ng naglalahong katawan. "Qinxin… buhay ka pa ba oa pumanaw ka na? Humihinga ka pa ba?" Tumitig si Zhao Feng sa phantom ni Liu Qinxin. Ang Liu Qinxin na ito ay binuo sa pamamagitan ng Intent – malinaw na nakikita ito ni Zhao Feng.
"Feng, namatay ako upang makamit ang panibagong buhay. Dahil nakaabot ka sa lugar na ito, nangangahulugan na hindi pa napuputol ang ating koneksyon," nagpakita si Liu Qinxin ng kuntentong ngiti sa liwanag.
Weng~~
Nagsimulang magbago ang kaniyang katawan at ito ay nagdilim. Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng; ito lamang ay isang Intent na iniwan ni Liu Qinxin at binuo ng kapangyarihan ng Fan lun Ancient Sound Palace.
"Wala ng oras na natitira," naging seryoso ang ekspresyon ni Liu Qinxin. "Feng, makakatulong ang barya na ito upang malutasan mo ang paparating na panganib."
Whoosh!
Naging isang guhit ng liwanag si Liu Qinxin na sumanib sa tansong barya, at ang barya ay kuminang na mayroong isang misteryosong kintab ng bituin nang mapunta ito sa palad ni Zhao Feng.
"Feng, ito ang aking regalo para sa'yo… Magkita tayong muli sa susunod na buhay," isang mahinang boses ang naglaho sa ere, at ang aura ni Liu Qinxin ay tuluyan nang naglaho mula sa ika-49th na palapag.
Tinitigan ni Zhao Feng ang tansong barya.
"Isang paparating na panganib. Maaari bang may nahulaan na si Liu Qinxin na mangyayari?"
Isinanib ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan patungo sa barya, at ang kaniyang isipan ay nakapasok sa isang mundo ng mga bituin. Sa mundong ito, ang mga bituin, ang araw, at ang buwan ay umiikot sa isang paraan na tila mayroong mahika at gumawa ito ng hindi masusukat na kapangyarihan. Sa sumunod na sandali, iba't ibang klase ng mga comprehensions at Intents ang dumaloy sa kaniyang isipan.
"Ito ay…?"
Ang tunog ng isang qin ay tila maririnig sa kaniyang mga tainga. Ang tansong barya ay naglalaman ng isang kakaibang kapangyarihan ng Dao of Entertainment, at sumanib ito sa kaniyang kaluluwa.
Pakiramdam ni Zhao Feng na tila ba saglitang umangat ang kaniyang kaluluwa at ito ay nalinis.
Ang epekto ay higit pa sa sampung beses na mas malakas kaysa sa Illusion God Wine.