Unduh Aplikasi
26.24% King of Gods (Tagalog) / Chapter 416: Isang Palaso para Maselyuhan ang Resulta

Bab 416: Isang Palaso para Maselyuhan ang Resulta

Editor: LiberReverieGroup

"…. Parang sinasabi na mayroong katangi-tanging kayamanan ang nasa bantay-saradong bayan. Milyong mga hukbo ang hindi makakayang makapagpatumba ng bayang iyon, ngunit ang isang master thief ay maaaring makuha ang kayamanan ng hindi man lang masusugatan.

Nang sabihin ito ni Zhao Feng, ang mga mata ng lahat ay nagsiilawan.

Isang makulay na ilaw ang kumislap sa mga mata ni Ye Yanyu nang tumingin siya kay Zhao Feng na may halong kasiyahan at pagpupuri.

Ang olano ni Zhao Feng ay 'di gaanong matalino, ngunit ang kaniyang chain of thought y hinayaan silang makuha ang resulta kapalit ang maliit na halaga.

Ang Towering Tree Yao ay isang malakas na depensa at kahit na ang lahat ng mga henyo ng tatlong Secta na narito, ay mahihirapan ding matalo ang Tiwering Tree Yao at iyon pa ay magreresulta sa mas maraming pagkatalo.

Gayon pa man, kung ang puntirya lamang ay ang Tree Yao Essence Fruit, hindi na nila kakailanganin na patayin ang Towering Tree Yao.

"Hmph, ang battle power ng Towering Tree Yao ay maikukumpara sa Origin Core Realm. Sino naman ang matapang na gagawa nito? Sino ng kukuha ng prutas sa harap ng mata nito? Ano ang pagkakaiba sa pagitan nito at pagpapadala ng isa sa kanilang kamatayan?"

Patawang sabi ni Yu Luo.

Ang battle power ng Towering Tree Yao ay nakakatakot at walang sinuman ang paniguradong makakakuha nito.

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng, walang pag-aalinlangan sa sarili. Kahit na delikado ang kaniyang iniisip , ito'y samoung beses na mas madali kaysa sa pag-atake sa Towering Tree Yao.

Siya ay hindi gusto ni Yu Luo at tamad na nagpaliwanag si Zhao Feng.

Maaari itong maging posible. Kahit na ang battle power ng Towering Tree Yaho ay halos nasa level na ng Origin Core Realm,ito'y hibdi makakagalaw dahil sa laki nito, ito rin ay hindi maingat. Kung hahayaan nating ang isang mabilis na henyo, mayroon tayong malaking tiyansa na magtagumpay." Ngiti at sang-ayon ni Ye Yanyu.

Tama iton, ang kahinaan bmng Towering Tree Yao ay ito ay malaki at hindi nag-iingat. Ito'y kulang sa liksi.

"Makakaya nating maabot ang pinal na resulta ng walang laban na magaganap sa pagitan ng Towering Tree Yao.

'Di kalaunan ang plano ni Zhao Feng ay kinumpirma na ng iba.

Ang mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay hindi mga nagpapigil.

Napagtanto lamang nila ito ng sila ay naglalaban na, kung saan si Zhao ay nanonood lamang mula sa puwesto ng mga manonood at madali di niyang nahanap ang problema.

Naniniwala si Zhao Feng na kung hindi niya ito iminungkahi, mahahanap ng tatlong sects ang tamang landas matapos makaranas ng pagkabigo.

Tunay nga, ang Moon Demon Palace ay hindi talaga umalis sa halip ay pinanood nila ang Towering Tree Yao.

"Sister Zhuang, ang Towering Tree Yao ay malaki, at ang mga taong tulad natin ay kasing laki lamang ng kulisap sa harap nito. Kung hahayaan natin ang isang henyo na may espesiyalisasyon sa bilis at liksi, maaari pa nating makuha ang Tree Yao Essence Fruit.

Suwestiyon ng isang payat na lalaki mula sa Moon Demon Palace.

"Maaari itong gumana. Kahit na mayroong tiyak na bilang ng kapahamakan na kasama dito, ngunit mas madali ito kaysa labanan ito ng mga-isa.

Tumango si Zhuang Wan'er sa kaniyang pagsang-ayon.

Sa loob ng kagubatan.

Matapos umalis ng tatlong Sects, isang ligtas sa distansiya nang sila ay magsimula muling magplano.

Ang limang True Lords ng tatlong Sects ay nagsimulang mag-usap.

"Ang tao na kukuha ng prutas ay dapat magmula sa True Lord Rank dahil doon lamang tayo magkakaroon ng malaking tiyansa. Paano kung ang bawat tatlong panig ay magbigay ng True Lord Rank na may espesiyalisasyon sa bilis at iba naman ay manggugulo sa kanila.

Mungkahi ni Zhuang Wan'er at ang limang True Lord Ranks naman ay sumang-ayon matapos pag-isipan ito.

Si Ye Yanyu ay isa mula sa Pure Moon Spiritual Sect. Ang kaniyang lakas at cultivation ay nasa top tier.

Si Chi Gui ay isa mula sa Black Cliff Palace. Kahit na hindi siya kasing lakas ni Mo Yu, siya ay mas mabilis.

Tanging si Zhuang Wan'er ang nanatili mula sa Moon Demon Palace at kahit na buhay ang True Lord na naka pulang kapa, siya ang sasama dahil ang kaniyang bilis ay mas mabilis pa kaysa kay Ye Yanyu.

Sou! Sou! Sou!

Ang tatlong True Lord Ranks ay kumislap mula sa himpapawid at naging mga imahe na nagtungo sa Towering Tree Yao.

Ang natirang dalawang True Lord Ranks at ang mga henyo ay nagsimula ng umatake mula sa labas na gilid para makuha ang atensiyon ng Towering Tree Yao.

Pwng Boom----

Iwinagayway ng Towering Tree Yao ang mga sanga nito at ginambala ang mundo, na nagdulot ng paglipad ng mga buhangin at mga bato kung saan-saan.

Gayon pa man, sa mga oras na iyon ay hindi lumaban sa Towering Tree Yao ang tatlong True Lords at sa halip ay ginamit ang kanilang bilis hanggang sa dulo.

Boom Boom Boom!

Ang tanging natatamaan ng mga sanga ng Towering Tree Yao ay ang mga imahe ng mga True Lord Ranks.

Ang eksenang ito ay tulad ng matipunong lalaki na sumusubok sa paghampas ng mga kulisap at mga lamok mula sa malapit.

Kahit na ito'y mukhang madali, ang mga puso ng mga henyo mula sa tatlong True Lord Rank ay kinabahan at sa bawat pag-iwas ay napupuno ng kapahamakan.

Sa oras na sila'y matamaan ng sanga, sila'y magmimistulang karne.

Ang mga henyong responsable sa pagkuha ng atensiyon ay nagsimula ng umupo.

"Ang plano ay madali lamang, ngunit ito'y mahirap na gamitin. Tanging ang mga nasa True Lord Rank lamang ang maaaring sumubok kung hindi, ang bugso ng hangin mula sa Towering Tree Yao ay hahanginin palayo sa iba."

Nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang sitwasiyon ng tatlong True Lord Ranks.

Kahit na naintindihan ni Zhao Feng ang taktika, hindi siya papayag na subukan ito.

Ang mga normal na True Spirit realm cultivators ay hindi nakayanan ang lakas ng hangin na mula sa Towering Tree Yao at kaya man nila, ang liksi at bilis nila ay mababawasan.

Tanging ang tatlong True Lord Ranks na may espesiyalisasyon sa bilis at liksi ang maaaring makasubok.

Mabagal na lumipas ang mga oras at ang nga henyo mula sa tatlong True Lord Rank ay nagsimulang pumasok sa kaloob-looban ng Towering Tree Yao.

Isang maliit na isandaang yarda sa mga oras na iyon ang tila sobrang haba. Isang panibagong hakbang ay nangangahulugang mas maraming mga sanga.

Gayon pa man, nang makalapit pa sila, ang mga atake ng Towering Tree Yao ay mas naging limitado dahil takot itong matamaan ang sarili nito.

"Halos malapit na tayo."

Kalmado lamang ang mga mata ni Ye Yanyu nang iwasan niya ang mga sanga.

Ang Tree Yao Essence Fruit ay dose-dosenang layo lamang mula sa kaniya, ngunit ang dose-dosenang layong ito ay protektado ng Towering Tree Yao, na nag-iiwan lamang ng kaunting pagitan mula dito.

Kinakailangan ni Ye Yanyu na mahanap ang tamang daanan para makuha ang Tree Yao Essence Fruit at makaalis ng ligtas.

"Sky Moon Nine Slashes!"

Isang maliwanag na sandata ang lumitaw sa kamay ni Yu Yanyu at sa isang 'weng', walo o siyam na kislap ng liwanag ng buwan ang lumabas paharap.

Shu Shu Shu---

Ang liwanag ng buwan ay napunta sa bawat isa at nagliwanag sa buong lugar.

Matapos ang pangatlo at pang-apat na hiwa, isang maliit na pagitan ang lumitaw sa mga maliliit na mga sanga, na hinayaan siya para makalapit sa Tree Yao Essence Fruit.

Miao Miao!

Sa parehong oras na iyon, ang munting pusang magnanakaw ay naglaho ng ito'y mabilis na pumunta sa Towering Tree Yao.

"Ang pusang ito ay kahanga-hanga!"

Sigaw ng mga henyo na nasa likod nito.

Ang sukat ng munting pusang magnanakaw ay napakaliit at ang mga sanga ng Towering Tree Yao ay hindi ito mapipigilan.

Pagdating sa liksi, mas magaling pa ito kaysa sa mga henyo ng tatlong True Lord Rank at ito'y madali lang na makakatalon sa pagitan ng mga sanga.

Shua!

Ang munting pusang magnanakaw ay nalampasan ang tatlong True Lord Ranks at lumitaw sa harap ng Tree Yao Essence Fruit at saka kinain ito.

Ang Tree Yao Essence Fruit ay kasing laki ng pakwan, at mas malaki pa sa munting pusang magnanakaw, ngunit ang munting pusang magnanakaw ay makakayang lunukin sa isang lagok.

Hindi na nagulat si Zhao Feng at Ye Yanyu dito.

"munting pusang magnanakaw, ibibigay ko sa iyo ang prutas ngunit kailangan mo akong tulungan na makakuha ng isa o dalawa pa."

Tumingin si Ye Yanyu sa panibagong target.

"Ang prutas ay tunay ngang nakain ng munting pusang magnanakaw."

Malinaw itong nakita ni Zhao Feng mula sa malayo. Ang munting pusang magnanakaw ay nasa yugto ng pagpapalakas nito at ang bilang ng mga kayamanan na nakain nito ay mas marami kaysa sa may-ari na si Zhao Feng.

"Hindi ko magagamit ang munting pusang magnanakaw sa mga oras na ito para hindi tumaas ang pagsususpetya ni Ye Yanyu."

Nagpasiyang iwan ni Zhao Feng ang grupo at nagtungo sa kaloob-looban ng Towering Tree Yao.

Sou!

"Siya'y naging isang guhit ng kidlat at saka ginamit ang tatlong Flowered Treasures Lotus at ang kaniyang bilis ay hindi kasing bagal kaysa sa tatlong True Lord Ranks.

"Bata, ano ang gusto mong mangyari?"

Ang mga ekspresiyon ng mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay nagbago nang makita nila ang aksiyon ni Zhao Feng.

Isa sa mga babae ay nais siyang pigilan ngunit siya'y hindi gaanong mabilis.

Walang sinabing kahit na ano si Zhao Feng sa kanila at mabilis na pumunta sa harap.

"Ang batang ito ay naghahanap ng kaniyang kamatayan."

Napangisi si Yu Luo.

"Brother Yu Luo, pigilan niyo siya!"

Isang babae sa malapit ang sapilitang kumausap kay Zhao Feng.

Malapit ng tanggihan ito ni Yu Luo ngunit patuloy parin niyang inisip ito, at saka tumango ang kaniyang ulo: "Sige na nga, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya at tutulunagn ko na rin si Ye Yanyu."

Sou!

Lumipad sa hangin Yu Luo na parang ililigtas niya si Zhao Feng ngunit hindi naman niya ginamit ang lahat ng kaniyang bilis.

"Tignan natin kung anong gagawin ng batang ito."

Nag-iisip si Yu Luo kung paani niya mapapatay si Zhao Feng at kung pumasok naman si Zhao Feng sa kaloob-looban ng Towering Tree Yao, paniguradong ito na ang magiging kamatayan niya.

"Alis, alis…."

Isang mapaglarong ngiti ang lumabas sa labi ni Yu Luo.

Gayon pa man, si Zhao Feng ay tumigil sa dulo ng opensang parte ng Towering Tree Yao at hindi na lumapit pa.

Shua!

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at ang kaniyang kaliwang mata ay tila nagliwanag sa buong mundo.

Sa sandaling iyon, nakita ni Zhao Feng ang bawat dahon at ang daanan at landas kung saan napunta ang Yuan Qi.

Nakita ni Zhao Feng ang bawat maliliit na detalye at ang lahat ng mga posibleng pagbabago ay kontrolado.

"Dahil sa tatlong True Lord Ranks na nanggugulo sa Towering Tree Yao, ito'y mas magiging madali para sa akin."

Isang silakbo ng kalmado at kumpiyansa sa sarili ang lumabas kay Zhao Feng.

Sou---

Ang Luohou Bow na nasa kamay ni Zhao Feng ay biglaang nagliwanag at agad siyang naglabas ng palaso.

Ang naging ruta ng pana ay nakontrol ng God's Spiritual Eye at perpekto at eksaktong-eksakto.

Sou---

Isang palaso ang kumislap sa langit na halos makita na ng mga mata at tumama sa pagitan ng mga sanga.

Bam!

Ang Luohou Arrow ay tumama sa sentro ng Towering Tree Yao.

Matapos ang pag-ikot-ikot nito, ang luohou Arrow ay nakalampas na sa kapahamakan. Nagmistulang maliit na papel na bangkang tumaob dahil sa ihip ng hangin.

Tok!

Ang Luohou Arrow at lumampas sa mga harang at nagsimulang dumilim ito ng mawala ang kapangyarihan nito.

Shu!

Ang pangalawang kidlat ay naglaho, ang Luohou Arrow ay perpektong tumama sa Tree Yao Essence Fruit ngunit hindi nito naapektuhan ang laman o enerhiya nito.

"Paano…. paano niya nagawa ito?

Napatunganga at nanlaki ang mga mata ng mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect kasama na si Yu Luo.

Kabanata 416: Isang Palaso para Maselyuhan ang Resulta

"Munting pusang magnanakaw, ibibigay ko sa iyo ang prutas ngunit kailangan mo akong tulungan na makakuha ng isa o dalawa pa."

Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C416
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk