Unduh Aplikasi
97.27% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 715: Target! Astral Sea!

Bab 715: Target! Astral Sea!

Editor: LiberReverieGroup

Tulad ng Arborea, ang Dream Land ay isang Secondary Plane.

Masasabing sa kasalukuyang lakas ni Marvin ay hindi na dapat siya makakapasok sa Secondary Plane.

Pero mayroong pambihirang nilalang sa kanyang tabi.

Ang Eternal Time Dragon.

Kakaunti lang ang kaalaman tungkol sa mga Eternal Time Dragon, pero hindi kailangan pagdudahan ang kanilang malakas na mga abilidad.

Kahit ang isang batang Dragon na si Tiramisu ay kayang sampalin ang War God sa harap ng iba pang mga God ng Universe.

Ang pagpasok sa Secondary Plane sa pamamagitan ng pagsasamantala sa puwang sa Spatial Law ay maliit na bagay lang para kay Tiramisu.

Pinag-usapan muna ng Plundering Duo ang kanilang plano.

Ginamit ni Tiramosu ang kanyang makapangyarihang Time Ability para ma-kontrol ang mga koneksyon ng Secondary Plane.

Sa ganoong paraan. maaantala niya ang pagdiskubre sa sitwasyon. Bukod na lang kung direktang mag-imbestiga ang Dream God sa kanyang plane, pero kung hindi, kahit siya ay hindi mapapansin ang pagbaboy sa kanyang teritoryo.

Tungkol naman sa mga naninirahan sa kalupaang ito, literal na wala silang magagawa. Tinanggal ng Dream God ang kanilang mga kaluluwa kaya lahat sila ay kontrolado nito ang pag-iisip.

Nakaramdam naman ng awa si Marvin sa mga taong ito. Pero ang lahat ng mga naninirahan dito ay basta na lang sinugod sina Marvin at Tiramisu nang lumitaw ang mga ito, hindi nila maaaring hindi pansinin ang mga ito.

Kung tutuusin, kung gusto mong maging bayani ng isang mundo, kailangan mong maging halimaw sa isa pang mundo.

Dahil dito, hindi na nagpigil si Marvin.

Naghiwalay silang dalawa ay nagsimulang maghasik ng kaguluhan sa buong Dream Land!

Malapit na sa isang Plane Guardian ang kasalukuyang lakas ni Marvin. At binibigyan naman siya ng sapat na lakas ng Sodom's Blades para dispatyahin ang mga Legend ng Feinan.

At sa mga Secondary Plane, ang pinakamakapangyarihang Cleric ay nasa level 18 lang.

Walang hirap na pinatay ni Marvin ang mga ito nang lumapit ito sa kanya.

Hiniwa lang sila ni Marvin na parang mga gulay.

Iba naman ang sitwasyon para kay Tiramisu na naghahanap ng mga bagay na mayroong Divine Fragment.

Iba ang pinupunterya niya. Si Marvin ay patungo sa pusod ng Plane, patungo sa Divine Source Pool kung saan nakaimbak ang Faith Power na nalilikha ng plane na ito. Habang si Tiramisu naman ay nangalap ng mga Holy Tools at mga Artifact sa mga Temple.

Ang paglitaw ng dalawa ay isang bangungot para sa mga tao ng Dream Land.

Ang buong plane ay nagulat sa lakas ng dalawang Thief na ito.

Sinubukan nilang tawagan ang kanilang God pero walang sumasagot sa kanila. Ang hindi nila alam, dahil sa Time Magic ni Tiramisu, mahuhuli sa pagdating at matatagalan bago matanggap ng Dream God ang mga pangalangin na ito!

Humigit-kumulang anim na oras ang tinagal ng kanilang paglimas sa plane na ito.

At noong napagtanto na ng Dream God na mayroong mali at nagtungo siya sa plane kasama ang napakaraming mga Angel at Divine Servant, nahigop n ani Marvin ang malaking bahagi ng Divine Source!

Ang halaga ng Divine Source na nakuha niya ay katumbas ng nakuha niya mula sa Black Dragon noong huli.

Kung ang kalidad naman nito ang pag-uusapa, malinaw na mas maganda ang kalidad ng sa Dream God!

Sa kabila nito, nanghihinayang pa rin na tiningnan ni Marvin ang natitirang 2/3 nito.

Mas mabuti sana kung maaari niyang makuha ang lahat. Dahil ngayon pa lang, labis na ang paglaki ng advanced False Divine Vessel sa kanyang katawan.

Dahil sa nakamit niyang Divine source, lalong lumakas ang mga Domain na mayroon siya.

Tulad ng sinabi ni Tiramisu, sa suporta ng False Divine Vessel, ang kanyang pisikal na kakayahan ay lalakas nang sobra. Naramdaman niya rin na muling tataas ang level ng kanyang Ruler of the Night Class.

Sa kasamaang palad, dahil wala na ang System niya, hindi makikita ni Marvin ang eksaktong data kung kelan ito mangyayari o ano ang epekto nito.

Subalit, isang bagay ang nasisiguro niya. Ang kanyang anim na Attribute ay umabot na sa God Realms!

Kaunti na lang at maaabot na niya ang Plane Guardian level!

Pero pinigilan siya ni Tiramisu sa pagkuha pa ng karagdagang Divine Source dahil dumating na ang galit na Dream God.

Nakikita nila ang isang malaking lagusan bumubukas sa Dream Land!

Ang lagusan na ito ang nagkokonekta sa Dream God Realm at sa Secondary Plane na ito. Tanging sa pamamagitan lang nito makakapasok ang makapangyarihang Divine Vessel nito sa plane na ito. Pero malaking halaga ng Divine Power ang kailangan para magamit ito kaya hindi ito basta-basta ginagamit ng mga God.

Sa pagkakataon na ito, labis na ginalit nina Marvin at Tiramisu ang Dream God!

Sariwa pa sa kanyang isip ang eksena ng pagbagsak ng Secondary Plane ng Black Dragon God. Kung hindi mapipigilan ang dalawang ito, maaaring mas malala pa ang mangyari!

Hindi nagtagal, tuluyan nang bumukas ang lagusan at isang galit at mapagmataas na boses ang narinig mula sa kalangitan. "Ang lakas ng loob niyong gawin ang gusto niyo sa mundo ko!"

"Tanggapin niyo ang paghuhukom ko! Sa ngalan ko bilang Dream Weaver, inuutusan ko kayon habang-buhay na malubog sa pananaginip!"

Sa Secondary Plane, hindi mabilang na mga taga-sunod na nagtakbuhan sa takot ay labis na natuwa sa pagdating ng kanilang God.

Sa wakas ay nasagot na ang kanilang mga panalangin. Sa wakas ay dumating na ang God na papatay sa mga nanghihimasok.

Pero noong oras na iyon, biglang tumigil si Tiramisu sa tabi ni Marvin.

Tumatawa itong nagsalita, "Salamat sa pagbubukas ng daan."

"Tungkol naman sa Dream Cycle mo… malaking halaga ng Divine Power ang kailangan niyan, at kakailanganin mo ng hindi bababa sa apat na daang taon para maipon mo ang lahat ng iyon… Mas lalakas pa ako sa mga susunod na araw."

"Mapanganib ang panahon na ito para sa mga mahihinang God."

Hindi malakas ang boses ni Tiramisu, pero nayanig ang naglalagablab na puso ng Dream God dahil dito!

'Totoo ang sinasabi niya! Pinahiya ng Dragon na iyon kahit ang War God. Kung kikilos ako ngayon, baka hindi ko sila kayanin.'

'Nandyan pa ang halimaw na si Marvin…'

Tila nagdadalawang-isip ang Dream God.

Pero sa isang iglap, kinuha ni Tiramisu si Marvin at lumipad!

Sa pagkakataon na ito, mabilis ang paglipad nito, lumusot ito sa lagusan na pinaghirapan buksan ng Dream God!

Nabigla ang Dream God!

Ang lakas ng loob ng dalawang ito na pasukin ang Astral Sea?

Ito ba ang plano nila talaga? Ang pilitin siyang magbukas ng isang lagusan na patungo sa Astral Sea?

Ang unang naisip gawin ng Dream God ay hanapin ang Gods' Assembly at ipaalam sa kanila na mayroong mga taga-labas sa Astral Sea. Lalo pa at isa itong seryosong bagay.

Pero nang makita nito ang kaguluhang ginawa ng dalawa sa Dream Land, ibang emosyon ang nabuo sa kanyang isipan.

Dahil nakapasok na ng Astral Sea sina Marvin at ang Dragon, ano bang kinalaman niya dito?

Alam niya ang impormasyon na ito pero hindi niya ito kailangan ipamahagi.

Ano bang pakielam niya kung mayroong mangyari sa ibang mga God?

Habang nag-iisip siya, sa huli ay pinili niyang manahimik at bumalik sa Dream Temple.

Gusto niyang makita kung ano ang gagawin ng dalawang ito!


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C715
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk