Pagkatapos walang awang patayin ni Marvin ang lahat ng nasa unang barko, ang Hellhound at ang Wind Fairy ay natapos na rin sa kanilang barko.
Ang kanyang alaga at servant ay tig-isa ng barkong inatake.
Binigyan lang sila ni Marvin ng simpleng utos. Dispatyahin ang kalaban!
Maganda pa ang naging kapalaran ng bakong inatake ng Wind Fairy. Lumakas na ang Wind Fairy at mahusay na nitong namamanipula ang hangin.
Malumanay itong lumipad papunta sa barko at nagbuga ng hangin na nakapagpataob sa barko!
Magaan ang barko kaya naman hindi matatag ang balanse nito, wala itong laman dahil ditto dapat ilalagay ang mga nanakawin nila. Napasigaw sa hinagpis ang mga pirating nilipag nang malayo dahil sa bugso ng hangin na dinala ng Wind Fairy!
Kahit na karamihan ng mga piratang humampas sa tubig ay namatay, kung ikukumpara sa mga piratang pinatay ng Wind Fairy. Maituturing pa silang swerte.
…
Isang mababang pag-tahol ang lumabas sa Hellhound.
Maamo ito pagdating kay Marvin, pero hindi pa rin nawawala ang tunay na katauhan nito bilang nilalang ng Hell!
Pagkatapos niyang lunukin ang avatar ng Shadow Prince at Divinity nito, malaki ang itinaas ng lakas ng Hellhound. Ganap at malaki na ang ulo nito sa gitna. Makikita rin ang isang umbok sa kaliwang balikat nito dahil nagsisimula nang tumubo ang ikalawang ulo nito.
Kahit na hindi pa 4th rank ang Hellhound na ito, higit pa sa sapat ang lakas nito para dispatyahin ang isang grupo ng mga pirata!
Walang habas nitong inatake ang barko, pinira-piraso niya ang mga kawawa at takot na mga pirata!
Bawat kagat nito ay humihigop ng dugo sa mga taong ito.
At ang pinakanakakatakot pa dito, ang kanilang kaluluwa ay lalamunin din ng Hellhound!
Noong mga oras na iyon, para bang napapalibutan ng anino ng death god ang buong barko.
…
Mas maswerte naman ang ika-apat na barko.
Mabait si Aragon, kahit pinatulong siya ni Marvin sa pagdidispatya ng mga ito, hindi niya binuhos ang kanyang lakas.
Malakas na kapangyarihan ang kayang ipamalas ng isang Strom Swordsman sa karagatan.
Pagkatapos mapugutan ng ulo ang Captain ng barko pati na ang ilang mga pinuno dito, agad na sumuko ang iba pang mga pirata.
Hindi pinatay ni Aragon ang mga ito, sa halip ay iginapos niya lang.
Agad naman sumunod ang mga pirata.
Dahil nakita nila ang kinahinatnan ng tatlong iba pang mga barko.
…
Sa Sword Harbor 1. Ang lahat ay nanatiling tahimik.
Kahit na alam nilang makapangyarihan si Marvin, hindi nila inakalang tatapusin nito ang apat na barko sa isang iglap!
Walang pang sampung minute ang lumipas nang madispatya na ang mga pirata sa dalawang barko, tumaob ang isa, at maigapos ang mga tauhan sa panghuling barko.
Sa pagsapit ng gabi, tila mga host ship na palutang-lutang sa karagatan ang apat na barko.
Hindi naman nagulat si Marvin sa kung paano hinarap ni Aragon ang mga ito. Sa katunayan, sinadya niyang pakilusin si Aragon.
Kung namatay ang lahat ng pirata, sinong magkakalat ng balita tungkol sa White River Valley?
Isa pa, kahit na gustong maglabas ng galit ni MArvin, pinlano naman niya ito nang maigi.
Magandang oportunidad ang Black Sails Fleet, oportunidad para kumalap ng impormasyon sa Dark Phoenix. Kaya ayaw niya itong palampasin.
Kahit na makapangyarihan ang Dark Phoenix, maingat ito sa pagharap sa publiko. Siguradong hindi niya isisiwalat ang kanyang tunay na pagkakakilanlan hanggang sa tamang oras. Kaya naman, maagang pinlano ni Marvin ito.
Siguradong hindi na siya magpapadalos-dalos sa pagkakataong ito.
"Tara na. Maswerte ang mga taong ito."
"Sa susunod na may mga piratang magtangkang atakihin ang barko ng White River Valley, dudurugin ko sila, pati na ang headquarters nila!"
Sa unang tingin tila kay Aragon sinasabi ni Marvin ang mga ito, pero sa katunayan isa itong babala sa mga natirang pirata.
Sigurado siyang ipararating ng mga ito ang mga sinabi niya sa Pirate King na si Pietrus.
Sa pagkakakilala niya sa Dark Phoenix, maaaring pabayaan niya ito o magdeklara ng digmaan.
'Nakay Hathaway pa ngayon ang atensyon niya, kaya hindi siya kikilos laban sa akin. At isa pa, marami akong kakamping Legend, kung direkta siyang kumilos, maisisiwalat ang tunay na katauhan na isang malaking problema para sa kanya.'
'Ang pinakamaganda niyang gawin ay kung gagamitin niya ang Pirate King Pietrus para patayin ako.'
'Nasa harap mo na ang pain, sigurado akong kakagatin mo 'to.' Isip-isip ni Marvin.
…
Bumalik na ang dalawang lalaki sa Sword Harbor 1 at agad na inutos ni Marvin kay Roberts na magtungo sa Bass Harbor.
Habang siya naman ay may sariling lakad.
Kahit na nag-aalala sina Anna at Aragon sa binabalak ni Marvin, pagkatapos nitong ipakita ang kakayahan ng Crown ng Sea Emperor, napanatag na sila.
Sa gitna ng tahimik na gabi, naglayag ang Sword Harbor 1 patungo sa Bass Harbor.
Si Marvin naman ay mag-isang lumusong sa tubig.
Hindi na ang mga barko ng pirata ang punterya niya,
Lumusong siya sa dagat at agad na ginamit ang [Eye of the Sea].
At tulad ng inaasahan, may mga aninong umaaligid sa ilalim ng dagat.
May ngiting gumuhit sa mukha ni Marvin.
May grupo ng mga Sea Elf!
Mabilis at palihim naman siyang dinala ng Sea Emperor's Crown pababa at hindi nagtagal nakarating na siya sa tabi ng mga ito.
Ginamit niya ang Sea Emperor's Crown para makipag-usap sa mga ito.
Hindi nagtagal, sinundan ni Marvin ang mga ito papunta sa isang kweba sa ilalim ng dagat.
Paglipas ng ilang sandali, may ilaw na nagliwanag sa kanyang harapan.
Nawala ang presyur ng tubig at isang masaganang lugar ang bumungad sa harap niya.
…
"Bata, inilayo mo sa akin ang lalaki ko pero ang lakas pa rin ng loob mong humarap sa akin?"
Isang malumanay at galit na boses ang narinig niya kasabay ng pilit niyang pangiti habang papasok ng palasyo.
May ilang tao sa palasyo, pero lahat sila ay mga babaeng Sea Elf.
At nakaupo sa dulo ay isang dalaga at magandang Sea Elf, ang Sea Elven Queen na nakilala na ni Marvin noon!
Alam naman ng lahat na Matriarchy ang mga Sea Elf at mas bukas ito sa mga bagay-bagay paero may mali!!
Sinong naglayo sa iyo ng lalaki mo?
Naubo si Marvin at Sumagot, "Sariling desisyon 'yon ni Ivan, kamahalan. Wala pong kinalaman sa akin 'yon, hindi ba?"
Ang Sea Elven Queen na malinaw na nagmmaktol tungkol dito ay tiningnan si Marvin nang may sama ng loob. "Eh bakit ka naparito sa pagkakataon ito?"
"Nagsinungaling ka sa akin tungkol sa pagbibigay mo sa akin ng pinakamahalagang kayamanan ng Sea Race.."
"Paano nakuha ng isang taong gaya mo ang pinakamahalagang kayaman ng mga Sea Race?"
Bigla namang nilabas ni Marvin ang Sea Emperor's Crown.
Sa isang iglap nabuhayan ang buong palasyo!
"Ang Sea Emperor's Crown!"
"Iyon nga ang Sea Emperor's Crown!"
"Baliw ba ang taong 'yon? Basta-basta na lang niya nilabas? Hindi ba siya nag-aalala na aagawin natin 'yon sa kanya?"
"Hindi, mukhang ibibigay niya sa atin 'yon… Sandali, tuso ang mga tao, siguradong may pinaplano siya."
Nagpatuloy na mag-usap ang mga Sea Elf. Hindi lang si Marvin ang nairita, pati ang Sea Elven Queen na nasa trono ay sumimangot.
"Manahimik!"
Agad na natahimik ang bulwagan.
Tinitigan ng Sea Elven Queen si Marvin. "Anong kailangan mo?"
"Makipag-alyansa," direktang sagot ni Marvin. "Baka magkaroon ako ng digmaan laban sa mga kaaway ko sa karagatan sa hinaharap, kaya kailangan ko ang tulong niyo."
"Alyansa?" Ngumiti ang Sea Elven Queen. "Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa pinakamahalagang kayamanan ng Sea Race."
"Kung maipapakasal mo ko kay Ivan, kahit ilang digmaan pa 'yan, tutulungan kita!"