Unduh Aplikasi
12.78% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 94: Fortune Fairy

Bab 94: Fortune Fairy

Editor: LiberReverieGroup

"Wag kang kabahan, 'yan ang Night Monarch's blessing!" Paliwanag ni Sean!

Nakahinga ng maluwag si Kate at mausisang tiningnan ang kulay berdeng apoy na unti-unting sumasanib sa kanyang katawan.

Si Marvin naman, na katatapos lang sa kanyang advancement, ay tumayo at tiningnan si Kate.

Hindi niya alam kung anong makukuha nito.

Tinapik ni Sean ang balikat ni Marvin. "Isa ka nang ganap na Night Walker, bata."

"Wala namang masyadong tungkulin ang mga miyembro ng ating organisasyon. Basta ang tanging misyon mo ay patayin ang Crimson Patriarch ng Twin Snakes Cult."

"Pero sa ngayon, mahina ka pa. Magpalakas ka muna saka mo pahirapan ang buhay niya. At tungkol naman sa ibang miyembro, hindi tayo magtitipon-tipon kung hindi kinakailangan.

"Nasa sayo na kung ano ang susunod mong gagawin."

Tumgango si Marvin.

Malaki ang pasasalamat niya kay Sean. Binigyan siya ng pagkakataon nito upang mag-advance sa Night Walker at binigyan pa siya nito ng magic weapon!

At isang buong taon ng pag-sasanay biglang isang blacksmith na nagpatatag at nagpatibay sa kanyang pangangatawan.

Magpapasalamat n asana siya nang biglang sinabi nito na,"Hindi ito basta-basta isang dalaga."

"Tama lang ang pakikipagkaibigan mo sa kanya. Walang mawawala sayo at malaki pa ang maaari pa ang makuha mo mula sa pagkakaibigan niyo. Kailangan ng organisasyon natin ng mga ka-alyansang tulad niya."

Agad naman itong naunawaan ni Marvin.

Kaya nito hinayaang makatanggap si Kate ng Night Monarch's blessing dahil guston nitong kaibiganin ang isang makapangyarihang Sorcerer.

Hindi ganoon kalaki ang organisasyon ng mga Night Walker pero marami itong ka-alyansa. Halimbawa na lang ay ang Great Elven King ng Thousand Leaves Forest, na isa sa mga pinakatapat nitong ka-alyado.

Kailangan mapangalagaan ang mga relasyong ganito. Bilang dating pinuno, maingat na ginagawa ito ni Sean.

Kailangan ng maraming kaibigan at mga alyansa para mabuhay sa mundong ito.

Kaya naman tumango na lang si Marvin.

Paglipas ng ilang minute, tuluyan nang pumasok sa katawan ni Kate ang apoy. Kitang-kita ang tuwa sa kanyang mukha nang imulat nito ang kanyang mga mata.

"Salamat," tuwang-tuwang sabi ni Kate kay Sean. "Parang medyo naiintindihan ko na kung paano i-kontrol ang lakas ko."

Napahagikgik ang matanda. "Alam mo na 'yan simula pa lang. Binigyan ka lang ng Night Monarch's blessing ng gabay."

"At isa pa, kung gusto mong magpasalamat, dapat ay magpasalamat ka rin kay Marvin, dahil advancement ceremony niya ito."

"Siya naman ang tumawag sa will ng Night Monarch, kaya nabigyan ka rin ng blessing."

Hindi mapigilang matuwa ni Marvin nang marinig ang sinabi ng matanda.

Para sa matanda, si Marvin ang dapat na pasalamatan. At mukhang maraming nakuha si Kate mula sa Night Monarch's blessing.

At gaya ng inaasahan, nagdalawang-isip ito bago sinabing, "Mukhang hindi ko na kailangan ang amethyst rock."

"Babalik na ako sa amin, kailangan ni ate ang tulong ko. Pero ung gusto mo, pwede kang sumama para makita ang Rocky Mountain."

"Pero bago ako umalis, may ibibigay akong regalo sayo para makabawi."

Bigla siyang pabulong niyang binigkas ng isang incantation.

Napatingin ang matanda.

Isa ito summonging spell!

Narinig ni Marvin ang isang bahagi ng spell. Isa itong pet summoning incantation na madalas gamitin ng mga Sorcerer.

'Tinatawag ba niya ang alaga niya?'

Nagtataka si Marvin.

Di nagtagal, may lumitaw na isang magic circle sa harap ng tatlo. Biglang may lumabas mula dito!

Lumabas ang isang medyo matabang nilalang na kulay rosas ang balat. Nakakatuwa ang itsura nito. Mayroon ring itong dalawang kulay rosas na pakpak sa kanyang likod.

"Ding! Ding! Gising!"

Hawak ni Kate ang nilalang na lumabas mula sa magic circle. Tamad na tamad itong dumilat at nagkukunwaring natutulog.

Nagkatinginan si Sean at Marvin.

Bahagyang nahiya ang babae.

"Bata pa kasi si Ding kaya madalas siyang tulog…" Paliwanag niya.

Biglang namula ang mukha nito at kinurot ang pisngi nito, saka muling sinabing, "Ding, gising na!"

"Kapag hindi ka gumising hindi na kita bibigyan ng coconut jelly sa susunod!"

Mukhang gumana ang huling sinabi ni Kate. Pilit na iminulat ng maliit na nilalang ang kayang mga mata at sinubukang pagalawin ang kanyang mga pakpak.

At doon na nga nakita ni Marvin kung ano ito!

'Diyos ko!'

'Fortune Fairy ba 'yan? Hindi ba napakahirap makahanap ng ganyan?'

'Kahit na bata pa ito, masyado atang malakas ang swerte ni Kate."

Walang nasabi si Marvin.

Naintindihan na niya kung ano ang mayroon sa pagiging [Child of the Plane]. Dahil ipinanganak itong Fate Sorcerer na nasa ilalim ng pangangalaga ng Fate, natural lang na isang Fortune Fairy ang alaga nito.

Nagbago rin ang mukha ni Sean. Sapat na ang karanasan nito para makilala kung ano talaga si Ding!

Pambihirang nilalang ang Fortune Fairy. Walang binatbat ang mga wood fairy o kahit pa ang mga greater pagdating sa maalamat na nilalang na ito!

Sa kabuoan ng kasaysayan ng Feinan, kakaunti lang ang lumitaw na mga fortune fairy.

Kaya naman kakaunti lang rin ang nalalaman ng mga tao sa mga ito, pero si Marvin, kilala niya ang mga 'to. Sa katunayan, bahagi ng Fate Tablet ang mga Fortune Fairy!

Noong ikatlong era, maraming nilalang ang matagumpay na naging mga god, dahil nakatanggap ang mga ito ng piraso ng isa sa tatlong fate tablet. Pero nawala ang ilang piraso nito, o di kaya'y nagkaroon ng sarili pag-iisip at kamalayan at namuhay sa kasukalan ng Feinan.

Kahit ang mga god ay hindi magawang mahanap ang mga pirasong ito. Nabuhay ang ilang piraso nito at naging mga nilalang na hindi naaarok ng imahinasyon ng isang ordinaryong tao. Isa na dito ang mga Fortune Fairy.

Iba't iba ang mga uri ng god sa Feinan, minalas lang ang mga ito dahil nabuhay at naging mga nilalang na tulad ng fortune fairy ang ilang piraso ng fate tablet.

Kadalasang namumuhay ang mga ito sa kagubatan. Naghihintay na ma-summon at gawing alaga ng mga rare class, tulad ng mga Fate Sorcerer dahil siguro sa perception ng mga ito. Kaya naman nagiging alaga sila ng mga Fate Sorcerer.

"Halika, Ding, bigyan mo ng blessing ang taong 'to."

Kinurot muli ni Kate ang pisngi ni Ding at kinausap ito na tila kumakausap ng isang bata.

Humikab naman si Ding, at tila walang gana. Tumingin ito kay Marvin na parang hindi ito karapat-dapat. "Bakit ko kailangan i-bless ang masamang taong 'to?"

"Ayoko sa kanya."

Malumanay ang boses nito pero matapang ang tono.

Napahiya si Kate. Namula lalo ang mukha nito at sinabing, "Ako ang Master mo, sundin mo ang inuutos ko!"

"Ano? Ayoko sa lahat ang mga ganitong utos na wala namang katuturan!" Galit na lumipad si Ding at idinuro si Marvin at sumigaw, "Patatamaan ko ng kulog at kidlat ang taong 'to!"

"Aurora Lightning!"

Biglang Napuno ng kidlat ang kalangitan!

Nagulat si Marvin!

Isang 3rd circle spell, Aurora Lighting?

Insta cast rin ang paggamit nito! Kung tutunganga siya, maaari siyang mamatay!

Kaya agad na umatras ito, takot na gumulong papalayo!

Pero hindi natapatan ng bilis ni Marvin ang bilis ng Aurora Lighting. Dumalot ang nakakatakot na kuryente sa katawan ni Marvin, nasunod ang kanyang buhok at nangitim ang kanyang mukha!

Pero wala na siyang ibang natamong pinsala bukod rito!

'Eto na 'yong Aurora Lightning? Nakuryente na baa ko?' Takot na tiningnan n Marvin ang log window niya.

Walang nalagas ni isang buhok sa kanya.

'Teka…'

May ilang log window ang lumitaw.

[A Fortune Fairy used a 3rd circle spell on you, Aurora Lightning.]

[Dodge failed…]

[Fortune Fairy exclusive specialty – (Everything Will Be Fine) activated… Modification occurred in the Aurora Lightning…]

[You received Fortune Fairy's blessing – Luck +1 – Duration: Unknown]

...

Agad niyang tiningnan ang kanyang character window at nakita nga niyang may nadagdag sa bandang ibaba – [Luck +1].

'Luck +1? Para saan 'to?'

Wala pang nararanasang ganito si Marvin. Medyo malabo ang stat na tulad ng Luck dahil hindi mo 'to maaaring masubukan.

Si Ding, na nakalutang pa rin sa ere matapos gamitin ang spell, ay biglang nanlumo, "Wuwuwu," umiiyak ito habang bumabagsak.

"Bakit bas a tuwing gusto kong pumatay, nagiging blessing?"

"Masyado talaga akong mabait! Gusto ko ng coconut jelly, gusto kong matulog!"

Walang nasabi si Marvin.

Kinarga na muli ni Kate si Ding, naaawa ito sa fortune fairy. Agad na nahiga si Ding sa mga braso ni Kate at nakatulog.

"Nauubos ang lakas ni Ding kapag nagbibigay siya ng blessing," paliwanag ni Kate.

"Bata pa kasi Siya."

"Sana makatulong ang blessing na'yan kapag nasa panganib ka."

"Kung may oras ka, bumisita ka sa Rocky Mountain."

Pagkatapos sabihin ito, hindi na nagtagal pa si Kate at nagpaalam na kina Marvin at Sean bago mag-isang umalis ng Thousand Leaves Forest.

Pagkatapos mag-advance, kailangan na ring maghiwalay nina Marvin at Sean.

Bumalik ang matanda sa Oak Town para ipagpatuloy ang kanyang buhay.

Ipinagpatuloy naman ni Marvin ang kanyang paglalakbay pa-hilaga, patungo sa dakong hilagang-kanluran.

Dahil bukod sa eternal flower, na mahal na mahal ng mga wood elf, naroon rin sa direksyong 'yon ang isang pahina ng Book of Nalu.

Ipinangako niya kay Hathaway na hahanapin niya ang sira-sirang artifact na 'to.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C94
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk