Unduh Aplikasi
4.48% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 33: Dragon Strength

Bab 33: Dragon Strength

Editor: LiberReverieGroup

Nagkanya-kanya na si Marvin at Lola sa labas ng River Shore City.

Ginusto niyang bigyan ng pagkakataon para magbago si Lola dahil may angking galing din 'to.

Kahit na manggantso siya, kaunting ensayo lang ay maari na siyang mapakinabanagan.

Balang araw, baka hindi na kayanin ni Marvin mag-isa ang lahat. Kakailanganin niya ng mga talentadong tao para tulungan siyang pamahalaan ang kanyang teritoryo. At si Lola, ay may sapat na kakayanan para dito.

Kung itakbo man ni Lola ang pera, maliit na halaga lang naman ang mawawala sa kanya.

At kung bumalik man ito na may magandang impormasyon, papasa siya sa unang pagsubok ni Marvin.

Sa oras na mangyari 'yon, nasa kamay na uli ni Marvin ang White River Valley.

'Wag mo kong bibiguin.'

Pinanuod ni Marvin ang babae hanggang sa maglaho na ito sa kagubatan. Saka niya tinanggal ang maskara at naglakad papasok sa siyudad.

Tila walang pinagbago at payapa pa rin ang River Shore City.

Pero sa panlabas lang ang kapayapaang 'to. Kitang-kita ni Marvin ang takot at pag-aalala sa mga mata ng mga tao habang naglalakad siya sa kalsada.

Mas marami ang mga sundalong rumoronda. Mas marami katanungan ang mga bantay sa mga papasok sa siyudad kumpara dati.

Lalo pa at umabot na ang balita ng pagkamatay ng legendary wizard na si Anthony sa buong East Coast.

Sa lakas ng tao na 'to, pinanatili niya ang kapayapaan sa buong East Coast. Hindi pa man tapos ipagluksa ng mga tao ang pagkawala niya, may ginawa na agad na kahindik-hindik ang mga miyembro ng Twin Snakes Cult.

Ginawa nilang alay ang isang maliit na bayan.

Kababaihan, matatanda, mga bata.. Lahat sila'y binalatan ng buhay para gawing saranggola at isabit sa labas ng kanilang bayan.

Takot na takot pa rin ang mga tao kahit na sa bandang Sail Boat City 'to nangyari at malayo sa Jewel Bay.

Matapos ang ilang taong pagpipigil, hindi na napigilan ng Twin Snakes Cult ang mga ambisyon.

Ang masama pa rito, may kumakalat na balitang nagsisimula ng mawalan ng magic ang mga wizard habang hindi na makagamit ng magic ang mga diviners.

Isang pruweba dito ay kahit na usap-usapan ng buong siyudad ang pagpatay sa pamilya ni Miller, hindi pa rin nalulutas ang kaso.

Matagal na ring hindi nagpapakita ang City Lord pati na ang chief ng wizard regiment. Walang ibang magawa ang munisipyo kundi magpadala ng mg karagdagang patrol.

Magsisilbi 'tong pampalubag-loob sa mga tao 'to sa ngayon.

Pero hindi pa rin nagagawang pigilan ng mga 'to ang mga Twin Snakes at ang mga evil followers.

Magulo ang kalagayan ng River Shore City pati na ng buong East Coast. Maraming anino ng mga Thief ang makikitang pakalat-kalat sa pangunahing kalsada.

Isa na itong babala sa napipintong pagbagsak ng mundong 'to…

Naglalakad si Marvin sa kalasada kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Ginaw na ginaw siya habang naglakad.

Sa Ranger Guild.

Isang lalaking nabablot ng abo at naka-maskara ang pumasok.

Tiningnan lang siya ng ilang empleyado pero hindi pinansin.

Mukhang isa lang 'tong 1st rank na ranger kaya hindi naman siguro mahalagang bagay ang dahilan ng pagpunta nito.

Ngunit kagulat-gulat na lumapit 'to sa unahan at kinatok ang mesa.

"Kailangan ko ng appraiser," ika ni Marvin.

Humikab ang babaeng nakaupo sa mesa at sinabing, "Ano bang papatingnan mo? Appraiser ako, at mabilis kong naabot ang advanced appraiser na level."

"Hindi mo kakayanin." Umiling lang si Marvin, "Kailangan ko ng master level na appraiser."

"Ano?" Gulat na sabi ng babae.

'Isang Master level? Ano ba ang papatingnan mon a kailangan pa ng isang master level na appraiser?'

Tiningnan niya ng may pagdududa si Marvin, "Sigurado ka ba? Kaya ko naman tumingin ng ilang mga bagay."

Dineretso n ani Marvin ang babae at sinabing, "May kinalaman 'to sa makasaysayang goblin knowledge at compound potion knowledge."

Natigilan ang babae.

Hindi pa niya natutunan ang dalawang klase ng knowledge na 'to.

Isang master level na appraiser lang ang may alam patungko sa mga bagay na 'yon.

"Pakihintay na lang po. Isa lang po ang Master level appraiser sa guild naming." Nahihiyang dagdag pa nito, "Pero tulog pa po siya sa ngayon.."

"Walang problema, makapaghihintay naman ako." Naupo si Marvin at naghintay.

Hindi mapigilang magtanong ng babae, "Alam niyo po ba kung magkano ang bayad para sa isang master level na appraiser?"

Tumango si Marvin, "500 na pilak."

"Mayroon kang ganoong kalaking pera?!"

Biglang tumaas ang respeto ng babae kay Marvin. Ang tila payat at mahinang lalaking 'to na walang kahit anong dala ay may ganun karaming pera.

Tiningnan ni Marvin ang babae at tinanong, "Apprentice ka palang?"

Tumango ang babae, "Isa po akong tagasunod ni Master Cole."

"Mukhang hindi lang ikaw ang tagasunod ni Master Cole." Sagot ni Marvin.

Matalas ang paningin ni Marvin. Sensitibo siya pagdating sa usapin ng pera. Payak ang pananamit nito at sa isang tingin lang malalaman mong medyo hirap ang kanilang pamilya sa pera. Pero mukha naman siyang matalino.

Hindi naman siya mabibigyan ng trabaho ni Master Cole kung hindi siya importante.

Malaking halaga ang gagastusin ng isang tao bago niya maabot ang advanced level na appraiser. Kaya nakakamangha lalo pa at galing siya sa isang mahirap na pamilya. 

Naging tapat ang babae at tumango.

"Ako po si Hathaway, ang ika-dalawamput-pitong tagasunod ni Master Cole."

"Gaano katagal ka na niyang apprentice?" deretsahang tanong ni Marvin.

"Hmm. Humigit kumulang 3 buwan po siguro." Seryosong sagot ni Hathaway kay Marvin.

"May kumuha na ba sayo?" Hindi na mahalaga kung kailan para kay Marvin, sinusubukan niya lang makuha lahat ng impormasyon pwede niyang makuha.

Hindi inakala ni Marvin na sasagutin ni Hathaway ang tanong, "Malupit po ang mundong 'to, sir. Inalok akong maging appraiser sa Sail Boat City ng taong namamahala sa chamber ng Komersyo doon."

"Pero namatay po siya habang naglalakbay. Binalatan po sila ng isang miyembro ng Twin Snakes followers." Halata ang takot sa mga mat ani Hathaway, "Sino pa ba ang maglalakas-loob na lumabas ngayon? Mas gugustuhin ko na lang maging isang clerk sa River Shore City kesa makasalubong ng isang miyembro ng mga 'yon."

"Nakikiramay ako." Pinakalma ni Marvin ang babae, "Magiging maayos din ang lahat."

Tumango lang si Hathaway sa narinig at inisip na lang na nagmamagandang loob lang si Marvin.

Pero ang katunayan, binabalak ni Marvin na kunin siya bilang isang appraiser. Kahit advanced level pa lang ito, pwede naman niya itong matulungang hasain ang kakayanan niya.

Kahit na hindi pa niya nababawi ang White River Valley, nag-iisip na agad si Marvin ng mga gagawin niya kapag nabawi ito.

Sa mundong 'to mayroong mga makapangyarihang nilalang pero mahirap pasunirin. At eto ang mga adventurer.

Kung gusto ni Marvin na palakasin ang White River Valley, kailangan niya ang mga 'to. Kaya siya nagsisikap ngayon. Hindi rin maaring walang appraiser sa kanyang teritoryo.

Patuloy lang siyang nakipag-usap kay Hathaway.

Wala pang isang oras, lumabas na si Master Cole.

Sa VIP lounge ng ranger guild.

Nakaupo si Marvin sa dulo ng lamesa habang nakatayo lang sa gilid si Hathaway.

"Deepwater gem." Ibinaba ni Master Cole ang kanyang lente at kinusot ang mga mata at sinabing, "Maswerte ka. Mapanganib ang bagay na 'to sa kamay ng isang wizard smith. Isa ito sa pangunahing bagay na ginagamit sa pagbuo ng mechanical ghost statue. Kapag wala ang deepwater gem, hihina ang dexterity ng mechanical ghost statue."

"Ang ganito kadalisay na deepwater gem ay maaring hatiin para gumawa ng walong 8 sub-gems na pwedeng gamitin sa paggawa ng mechanical ghost statue. Mayroon naman sigurong blueprint ang South Wizard Alliance para dito. Pwede mo 'tong mabenta ng malaki!"

Mahinahong tumango si Marvin at itinago na ang gem.

Alam naman niyang maibebenta niya ng mahal ang gem pero hindi niya alam na ganoon pala kalaki ang possible niyang makuha para dito. Kung deepwater gem nga 'to, malaki ang ibabayad ng mga wizard, na gumagawa ng clay transmutation, para dito.

Dahil bukod sa paggawa ng mechanical ghost statue, nagagamit din ito sa pagpapalakas ng spellcasting.

Halos walang nakakaalam sa impormasyon na'to dahil kaunti lang ang magagaling na wizard ang nakadiskubre nito.

Pero sa kasalukuyan, tanging mga wizard lang ang nakaka-alam tungkol sa mga bagay na patungkol sa mga wizard. Habang wala naman alam sa ganitong mga bagay ang mga appraiser at iba pa.

Kasama na dito si Marvin.

May isa pa siyang bagay na inilabas para patingnan.

At 'yon ang potion bottle na nakuha niya sa crimson monastery.

Tanging umaasa lang siya sa karanasan niya para masabi niyang isa itong compound potion.

Hindi niya rin alam kung masasagot ng appraiser ang katanungan niya.

Hindi maipinta ang mukha ni Cole nang kuhanin nito ang potion.

"5 na ginto ng wizard," ika ni Cole. "Ayun talaga ang presyo nito. Kailangan ko kasing itanong pa sa kaibigan kong magaling sa mga potion dahil isa siyang wizard apprentice."

Agad naman pumayag si Marvin at sinabing, "Walang problema."

Pagkalipas ng dalawang oras, gabi na ng makalabas ng ranger guild si Marvin.

Gumastos siya ng 5500 na pilak para sa appraisal pero hindi naman niya 'to pinagsisisihan.

Mayroon naman siyang deepwater gem.

At ang potion, na isa pa lang [Dragon¹ Strength]!

____________

T/N: 1 – Mayroong dalawang uri ng dragon, ang eastern dragon na walang pakpak na may mahaba at payat na katawan na parang ahas, at ang western dragon naman na mayroong pakpak. Sa pagkakataong'to, western dragon ang tinutukoy.


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C33
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk