Unduh Aplikasi
27.05% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 79: Chapter 79

Bab 79: Chapter 79

Editor: LiberReverieGroup

"Lady" mga nakakalat sa daan ang mga sibilyan na takot na takot sa mga kabayo na pabalik balik. Nabalutan ito ng sariwang dugo at walang sino man ang nakikilala ang orihinal na kulay ng damit ni AhJing.

"Ang prinsepe ay tumatakas sa Zi Jin place, patungo sa West Gate. Sumunod kayo at magmadali!"

Tahimik na tumango si Chu Qiao. Isinantabi niya ang problema at sumunod sa likod ni AhJing.

Makabagbaging damdamin ang mga iyak na maririnig sa buong pasilyo. Sa kabilang banda sa Zi Wei Square ay ang makikita lang rito ay isang Iron Eagle War Flag ng Yan Bei na wumagayway sa kalangitan na may katiting na kulay crimson. Iilan-lang ang tumayo na sundalo sa pasilyo aling sa Zi Wei Square at ang nagkikintabang patalim na handang ipatama. Ang lalaking naka itim na roba ay buong hangang nakasakay sa kabayo habang nakatingin sa unahan. Ang mukha nito ay parang porsilena kay puti at ang mata nito ay pinahihiwatig ang lakas ng loob. Ang kagwapuhan at elegante nito ay parang isang kalalabas na patalim, kay ganda ngunit nag lalabas na nag uumapaw sa nakakamatay na layunin.

Nagulat si Chu Qiao at napatigil sa kinaroroon niya na ani mo'y isang istranghero. Nagulat siya at pinahalaan ni AhJing, "Binibini, bakit hindi ka tumuloy?"

"Oh,wala lang iyon." Sagot niya sa maliit na boses sa ilalim ng kagulahan sa gabing iyon kahit hindi narinig ang tinig na iyon. Sa bandang iyon may isang lalaki sa isang daang milya ang layo ang biglang nag taas ng kilay at lumingon sa paligid. Na parang isang matulis na patalim na masama ang titig sa dalaga. Ang Mabangis na ekspresyon nito ay parang ambon na nag laho na pinalitan ng pag ngisi. Itigil ni Yan Xun ang kanyang kabayo patungo sa kanya at malakas ang sabing, "AhChu!"

Walong taon rin ang nakalipas nang makita muli ni Chu Qiao ang maaliwalas na ngiti ng lalaki. Isinantabi niya ang kaguluhan sa isip niya at huminga ng malalalim. Kahit na may nakakalat sa daan patungo sa katawan, kahit na merong panganib sa daan at kahirapan at nagagawan parin nila ng sulisyon na mag kasama. Sa pangyayaring ito, paano niya maiipopokus ang maliit na detalye? Habang nasa paligid niya ito, habang nasa maayos ito, habang nakaka sulyap pa sila sa isa't-isa na may ngiti sa mga labi, lahat ng bagay ay nasa tama.

Minaobra ng dalaga ang kabayo pabalik at ang kanyang mukha ay makikitaang ang paguumapaw sa tuwa. Pagkatapos ay isang alingawngaw ang maririnig galing sa Zi Jin Gates. Parehas nagulat si Chu Qiao at Yan Xun. Sa ngayon, meron pa bang lumalabas sa palasyo?

"Brother Xun!" Isang dalagita ang matingkad ang kulay pulang damit pangkasal ang bumaba sa kabayo at humarang sa daraanan ni Yan Xun. Namamaga ang mga mata nito at ang anyo nito ay namumutla. "Hindi, Wag mong gawin! Hindi ka na papakasalan ni Chun'er, hindi ka na pipilitin ni Chun'er, tumakas kana! Apatayin ka ni ama! Ay sandali, humingi ka na lang ng kapatawaran kay ama! Hindi mo kasalanan, ako ang may kasalanan! Kasalanan ko!" Nauutak na sabi nito.

Napataas ng kaunti ang kilay ni Yan Xun at napatingin na naguguluhan kay Chu Qiao. Lumubog ang puso ni Chu Qiao at tumingin na lamang kay Zhao Chun'er na naaawa. Ang buhok ni Chun'er ay magulo at ang mukha ay napaka putla na parang papel. Umalis si Chu Qiao sa hindi niya gustong makita si Chun'er na walang bakas ang pag alis. Itong tanga na babae, hindi parin ba niya na iintindihan?

"Brother Xun, wag kang gagawa ng hindi maganda!" Nag umpisa ng pumalahaw ng iyak ang dalagita at pabagsak na umupo sa sahig at tinatakapan ng dalawang kamay ang mukha. Ngayon gabi, marami na siya na danas. Ang malalaking patak ng luha ang tumulo sa kamay nito patungo sa pulang kasuotan nito.

"Yan Xun! Ikaw na baliw, sinusubukan mong mag rebelde? Inisip ko pa naman na kaibigan kita sa mga panahon iyon, tingnan mo ang ginawa mo!"

At may isa pang kabayo ang dumating. Naka kulay berdeng roba si Zhao Song at nag mamadaling bumalik. Tinuon niya ang tingin kay Chun'er at ang ekspresyon niya ay biglang nagalit, "Chun'er, bakit na rito ka pa? Itong lalaking ito ay nag babalak mag rebelde , at sinusundan mo pa rin siya?" Sigaw nito.

Natarantang napatayo si Zhao Chun'er at lumingon kay Zhao Song. Kahit na tatakot siya ay nag bigay siya ng nakakagulantang na bagay. Dahan dahan ibinika nito ang mahinang braso niya at tumayo siya sa harap ng matitipunong sundalo at nag mamatigas na umiling, "Thirteenth Brother,Ito ay tulad nito. Umayaw siya sa kasal namin at gusto niyang mag protesta laban sa Ama natin…"

"Bobo!" Sigaw ni Zhao Song. "Ginagawa niya ito para mapamahalaan ang sundalo! Isa kang bobo kapatid!"

Napasimangot si Zhao Chun'er at mukha nito ay maputla. "Mapamahalaan… ang sundalo?"

"Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo siya!"

Parang isang papet si Zhao Chun'er na dahan dahang binaba ang mga braso. Lumingon siya sa paligid at lumaki ang mga mata ng hindi makapaniwala at malamyang nag tanong, "Brother Xun, nag sisinungaling siya diba, hindi mo naman sinusubukang mag rebelde, tama ako diba? Gusto mo lang naman makausap ang ama na itigil na, tama ako diba?"

Nakatayo sa malamig na hangin, ang maliit na anyon ng dalaga ay napakahina, na ang mukha niya ay naubusan ng dugo. Pagtingin nito kay Yan Xun na parang huling bakas na nang pagasa ang buhay nito.

Napataas ng kaunti ang kilay ni Yan Xun at tumingin ng kaunting pagkainip. Sa wakas nag salita siya, "Matagal na rin na panahon na gusto kong mag rebelde at walang kaugnayan yun sayo. At tsaka hindi ko naisip na mag pakasal sayo."

"Isang walang utang na loob na hayop! Sinusubok kitang ulitin mo ang sinabi mo!" Isang mabilis na kilos ang ginawa ni Zhao Song sa paglabas ng kanyang espada. Ang robang berde nito ay wumagayway sa kalamigang gabi ng hangin, parang isang galit na agila na pumagaspas ang pakpak. Karaniwan ay mabait at maawain siya tumingin ngunti nag iba naging mabangis at walang awa, ang ekspresyon niya ay nag bibigay ng nakakamatay na aura. Parang ang kaluluwa ng royal na si Xia ay biglang sumanib sa kanya.

At si Yan Xun ay wala sa kanyang kalagayang mapayapa. Nandidilim ang paningin niya kay Zhao Song. Sa likuran niya ay madilim ang kalangitan. Sa ilalim ng mga sundalo niya at sa buong royal na kapitolyo ay nanginginig at naririnig niya ang pag kaguho ng palasyo. Dahan dahan umaangat ang gilid ng labi nito at hanggang ngayong ay matalim parin ang boses na parang patalim, "walang utang na loob? Yan Bei at ang Xia Empire, ano dapat ang magiging utang na loob?" Sagot niya.

Napasinghal si Zhao Song at matigas na nag salita. "Pinalaki ka ng Ama ko mula sampong taon at tinuring na sariling anak. Hindi lang sa pag galang bilang hari ng Yan Bei kundi ipinakakasal niya ang Chun'er niya sayo. Ang laking pabor naman! Ngunit ang sinukli mo ay ang pag tataksil at pag patay sa nakakarang sibilyan rito sa kapitolyo. Yan Xun ang puso mo ay isang uri ng hayop, karapatdapat kang mamatay!"

Ang roba niyang wumagayway sa malamig na hangin, napa ngisi ang lalaki, "Pinalaki ako halos sampong taon at tinuring na sariling anak? Ang mga boto ay nasa labanan pa at ang dugo ay patuloy na umaagos galing sa nakatayong pag bitay. Zhao Song, ito ba ang nag uumapaw na pabor galing sa royal na pamilya na tinutukoy mo?"

Napa urong pabalik ng ilang segundo si Zhao Song at mabilis ding nakabalik sa pagtigil. "Ang hari ng Yan Bei ay gumawa ng himagsikan sa kaguluhan at ang mga Army ay itinakda sa tunay na kilusan…" pag pHayag nito.

"Tama na!" Malakas na sigaw ni Yan Xun, ang mukha nito ay puno ng pag ka irita. Malamig ang pagpahayag niya, "Hindi mo na kailangan mag aksaya ng salita.

Ang kasaysayan ang naka sulat lanang sa mga nagtagumpay. Lahat ng mga ito tama man o mali ay sa huli ang mga nakakaalam lang ay ang mga apo apuhan natin. Hindi na dapat tayo nag dedebate rito. Zhao Song, alang alang sa pagiging magkaibigan natin sa mahabang panahon. Hahayaan kitang mabuhay ngunit ang kapalit ay ang iyong ama, ako si Yan Xun ay isang rebelde."

Pag katapos nito ay ang tindahan ng paputok sa kanluran ay handang isunog ng kung sinuman at dahil sa malaking pagsabog ang paputok ay sumabog sa kalangitan nag liliwanag ito sa kalangitan na kulay pulang Crimson. Pagkatapos ng liwanag na iyon, ang mga mata ni Yan Xun ay pinapakita ang nagliliwanag na senaryo sa gabing iyon na parang isang maliwanag na bituin, buong buhay at matatag na bundok.

Sa walong taon na pag paplano nito. Napakalaking pag titis ba ng Xia Empire tulad ng kaguluhang ito?

"Ikaw!"

"Zhao Song!" Isang malinis na boses ng babae ang biglang narinig. Chu Qiao ay nagdala ng kabayo pabalik at magipit, "Bumalik kana."

"AhChu? May balak karing bang tumayo bilang kalaban ko?" Rumehistro ang sakit sa mukha nito at napasimangot si Zhao Song.

Tumingin sa mukha si Chu Qiao kay Zhao Song. Bukod sa mga bakal ang mga dugo ng mga sundalo at Ng nasa likuran niya ang kapitolyo nalulunod sa impyerno. Parang lahat ng bagay ay panandaliang panaginip sa mabilis na oras ang lumilipas. Naaalala niya noong mga taong sa harden na may isang prinsepeng arogante na sumisigaw sa kanya, "ikaw nanaman! Oo, ikaw ang tinutukoy ko!"

Sa isang kurap lang ng mata ay sobrang daming dugo ang lumipas na taon. Itinaas niya ang kanyang mata at matatag na tumitig sa isang lalaking nakaupo sa kabilang kabayo, "Hindi ko gustong maging kaaway ka. Acealong taon na nasa tabi kita ay hindi ko makakalimutan iyon." Sagot niya.

Napahinga ng maluwag si Zhao Song katulad ng lumambot ang ekspresyon niya at mabilis na tinuloy ang pagsasalita, "Kung ganon ay okay lang tayo AhChu. BumLik ka sa kanya. Wag mo siyang iiwan. Ipapaliwanag ko lang…"

"Ngunit ako ay magiging kaaway ng Xia Empire," walang iniwang kasunduan, ang dalaga ay matatag na nagdeklara Zhao Song ay nabigla. Isa lamang ang nakikita niya na tinungo ng kabayo sa tabi ni Yan Xun si Chu Qiao. "Sana aynaiintindihan mo ang pananaw ko. Hindi ko ito binago noong umpisa pa lang."

"Napakahusay, parang na bulok yata ang mata ko." Paos na sagot ni Zhao Song at tumawa ng miserable at ang matang namumula. Saclakas ng sagitsit, nilabas ni Zhao Song ang espada niya naiwan ang bakas na puti sa gawang marmol na sahig ng pasilyo. Ang mukha nito ay seryoso na may paninindigan. "Simula ngayon, ako si Zhao Song ay tatapusin ang nag uugnay at relasyon sa inyong dalawa! Kung tayo ay mag tatagpo ulit sa labanan na ito ay wala na tayong ugnayan kung hindi ay mag kalaban na tayo! Chun'er, sumama ka sakin!"

Ang mga mata ni Zhao Chun'er ay walang buhay at walang tugon na parang walang buhay na manika. Sa narinig na boses ni Zhao Song napataas nag ulo nito at ang mata ay naglabo pa rin. Inaabot ng kamay nito at gustong hawakan ang sapatos ni Yan Xun. Napakunot ang lalaking nakasakay sa kabayo at sinadyang tabigin para hindi maabot. Ang maputlang braso ay naka abot parin at merong bakas na kulay pulang guhit rito. Ang guhit na dugong ito ay galing sa mensahero na pinatay. Ito ay unang pangyayari na pumatay siya sa tanang buhay niya.

Biglang lumuhod si Zhao Chun'er at nag umpisang mag suka. Ang mga nasuka niya ay natalsikan ang magandang damit nito, narumihan ang pares na mandaring pato na nag sisimbolo ng walang hanggang katapatan.

"Bakit nangyayari ito?" Isang dalagang mapayat ang mukha, na kasing tulad na miserableng walang balahibong aso sa tag lamig. Ang luha nito ay parang bukas na tarangkahan na kapag lumaha ito. Ang boses nito ay makikitaan ng pag kanginig ngunit makikitaan mo ng awa. Na parang lahat nang nabubuhay ay hindi niya nararamdaman, nag sasalita siya sa sarili nito. "Nasa akin lahat, kasalanan ko ang lahat...Yan Xun, bakit wala sa tabi mo ang Chun'er noong pinatay ng ama ko lahat ng tao sa pamilyang Yan Bei?"

"Sa lahat ng taon ito , lagi akong nag sisisi. Kung naroon lamang ako, kahit na hindi ko na ipag tanggol si Yan Master pero sana na protektahan kita sa pang aaliposta sayo. Pero bata pa noon si Chun'er. Ikinulong ako ni ina sa palasyo at hindi alintana ang pag mamaktol ko ay hindi parin siya pumayag na lumabas ako. Tinulungan ako ni Xiao Tao na mag ayos ng damit para lang maka labas at mabuksan ang bubong, para makatakas galing sa itaas, ngunit dahil hindi ako nag ingat nahulog ako at nahuli ako ng ina."

Nag umpisang humikbi si Chun'er at ang boses nito ay nag umpisang manginig. Ang mga liha nito ay mas lalong dumami. "Tapos… pag katapos si Xiao Tao ay pinatay sa bugbog ng alipin ni ina. Nakita… nakita ng sariling mata ko ang pag kabali ng tadyang at ang pag labas ng dugo galing sa bibig niya, umagos… umagos hanggang sa pabasa ang sapatos ko. Pakiramdam ko ay mainit na parang galing sa apoy."

"Yan Xun, napaka walang kwenta ko talaga, hindi parin ako makatakas ulit. Kahit na sa unang dalawang taon ay pagkatapos non ay hindi ko na sinubok na hanapin ka sa bahay niyo. Takot na takot ako, nahihiya atlagi akong nag kakakroon ng masamang panaginip. Napa panaginip ko si Xiao Tao na nalulunod ako sa dugo niya, tinatakapan tung leeg ko yung bibig ko at pati mata ko."

Niyakap ng mahigpit ni Chun'er ang sarili at nanginginig na parang lulunurin siya ng dugo. Kinagat niya ang sariling labi at tumunghay ang ulo. Ang luha ay patuloy na tumulo galing sa mga mata niya ngunit ang malamyos na boses niya ay naipadala sa kabila nang kaguluhan sa gabing iyon ay rinig at klaro. "Pero, mangyaring Yan Xun wag ka mag rebelde pa? Papatayin ka ni ama. Walang gustong makuha si Chun'er, at hindi ka pupwersahing mag pakasal sa akin. Habang ipinag papatuloy mong mabuhay, kahit sa malayong lugar pa iyan na hindi kita makikita, habang ipinag papatuloy mong mabuhay ng masaya, yun lang ang gusto ko para sayo."


Load failed, please RETRY

Hadiah

Hadiah -- Hadiah diterima

    Status Power Mingguan

    Rank -- Peringkat Power
    Stone -- Power stone

    Membuka kunci kumpulan bab

    Indeks

    Opsi Tampilan

    Latar Belakang

    Font

    Ukuran

    Komentar pada bab

    Tulis ulasan Status Membaca: C79
    Gagal mengirim. Silakan coba lagi
    • Kualitas Terjemahan
    • Stabilitas Pembaruan
    • Pengembangan Cerita
    • Desain Karakter
    • Latar Belakang Dunia

    Skor total 0.0

    Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
    Pilih Power Stone
    Rank NO.-- Peringkat Power
    Stone -- Batu Daya
    Laporkan konten yang tidak pantas
    Tip kesalahan

    Laporkan penyalahgunaan

    Komentar paragraf

    Masuk