Kasama pala ni Miss Wan Wan ang batang ito noong natulog siya...
Naisip ni Xu Yi na natapos na ang kalbaryong dinadanas nila. Hindi nila inakala na maririnig nila na tinawag ng bata si Ye Wan Wan na "Mommy"?
Mas malala ito ng daan-daang beses kung ikukumpara sa kaninang iniisip namin na si Ye Wan Wan ay nakipagtalik sa ibang lalaki kagabi!
Paano nagkaroon ng matandang anak na si Miss Wan Wan?
Tinitigan ni Xu Yi ang bata na tinawag na "Mommy" si Miss Wan Wan. Pilit niyang prinoproseso ang lahat ng pangyayari...
Tiningnan ni Nie Tang Xiao ang lalaki na nasa tabi ni Ye Wan Wan, pagkatapos niya siyang tawaging "Mommy."
Ang isa sa kanilang dalawa ay gulat na gulat habang ang isa naman ay para inukit na maliit na jade ang mukha na may malalim na iniisip at banayad ang itsura.
Tiningnan ni Ye Wan Wan ang isang mas nakakatanda at tiningnan niya rin ang bata at bigla siyang napaisip. Anong umiikot sa isip ko na naghikayat sa akin na tulungan si Nameless Nie?
Nanginig ang utak ni Ye Wan Wan nang mag-iba ang itsura sa mukha ni Si Ye Han.
Sa nakamamatay na sitwasyon na kinalalagyan nila, naisip ni Ye Wan Wan na dumeretso kay Tang Tang at binuhat niya ang bata. Dinala niya naman ang batang ito kay Si Ye Han.
Tiningnan ni Si Ye Han ang babae na nasa harapan niya at hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito.
Hindi na nagsalita pa si Ye Wan Wan at pinasa niya ang batang ito sa mga kamay ni Si Ye Han. "Si Ye Han… ito ang… ito ang anak mo!"
Si Yehan: "…"
Nie Tangxiao: "…"
Xu Yi: "…" ???
Anong sinabi ni Miss Wan Wan?
Ang kaninang nanlilisik sa lamig na itsura ni Si Ye Han ay naging magulo. Sa unang pagkakataon, naguluhan siya habang hawak niya sa kanyang mga kamay ang bata.
A… anak ko?
Agad na kinausap ni Ye Wan Wan ang bata na nasa mga kamay ni Si Ye Han: "Tang Tang, ito ang gusto ko sanang sabihin sayo bukas, pero sa ngayon… ipapakilala ko muna siya sayo. Siya ang tatay mo!"
Nanigas rin ang mga kamay ng batang ito, katulad ng mga kamay ni Si Ye Han. Magkaparehas ang emosyon sa kanilang mga mukha.
Bumulong si Nie Tang Xiao, "Daddy…?"
Ye Wan Wan: "Oo! Tama!"
Si Yehan: "…"
Xu Yi: "…"
Pwede ko bang malaman kung anong nangyari...
Ilang minuto pa lamang ang lumilipas at marami nang kaguluhan ang bumabalot sa kanyang isip hanggang sa prinito na ang kanyang utak...
"*Cough* Umuwi na lang muna tayo at mag-usap ng tayo lang. Hindi ito ang lugar para pagusapan ang mga personal na bagay. " Sabi ni Ye Wan Wan sabay niyaya niya ang mga ito. "Tara na…"
Hindi na niya sinubukan pang tingnan sa mata si Si Ye Han pagkatapos niyang magsinungaling dito. Naglakad na lamang siya sa harap at lumisan na parang bula.
Hawak naman ni Si Ye Han ang bata na nasa likod niya. Naiwan na nakatunganga at kumukurap-kurap ang ama at anak.
May sasabihin pa sana si Si Ye Han, ngunit hindi na niya ito nasabi dahil naiwan siyang hawak-hawak ang bata sa kanyang mga kamay.
Ito ang pinaka unang beses sa buhay ni Si Ye Han na nagbuhat siya ng isang bata. Ang awkward ng posisyon ng katawan niya at mukhang hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang kanyang binti at braso.
Kaawa-awa niyang sinundan ang babae na bigla na lamang naglaho. Habang hinahabol niya si Ye Wan Wan, nag-iba ang posisyon ng pagkakahawak niya sa bata upang maging komportable ito sa kanyang paraan ng pagbuhat.
Inoobserbahan naman siya ng bata habang binubuhat niya ito.
Ayaw niyang hinahawakan siya ng ibang tao at hindi siya komportable sa pagkakabuhat ng lalaking ito. Mas komportable pa siya kapag binubuhat siya ng kanyang ina.
Pero… bakit hindi ko ito ikinasusuklam...
Matatag ang paggalaw ni Si Ye Han habang hawak niya ang bata. Sa isang saglit, biglang nagsalita ang bata...