Chapter 2151: Isang Massacre
Mas matindi pa ang reaksiyon ng Lu family kesa sa naging reaksiyon ni Lu Tingxiao.
Kahit si Little Treasure ay kasali.
"Mommy!" Tumakbo palapit si Little Treasure nang makita ang pamilyar ng anyo sa pintuan.
Kadalasan ay yayakap agad ang bata kay Ning Xi. Pero tumigil siya bago pa mapalapit sa kanya dahil iniisip niya ang sanggol sa sinapupunan ng nanay niya. Nakatitig siya sa tiyan ni Ning Xi, "Mommy, nandiyan ba talaga… si baby sister sa loob?"
Natawa si Ning Xi. "Hindi pa natin alam kung sister or brother ito."
"Gusto ka siya basta anak siya ni Mommy!"
Matapos ang ilang sandali, lumabas sina Yan Ruyi, Lu Chongshan at iba pang nakakatanda tulad ng nanay ni Jiang Muye.
"Nakabalik na si Xiao Xi! Pumasok ka, mag-ingat sa paglalakad…"
Nang makapasok si Ning Xi sa bahay, may military Jeep na mabilis na pumarada sa labas ng entrance ng Lu residence.