Nabitiwan ko yung sulat at sandaling tumigil ang mundo ko nang mabasa ko ang sulat. Para akong nilason dahil sa mabigat na damdamin na nararamdaman ko. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ba ang kahon na nasa aking harapan. Nangangatog na sa kaba na baka isa sa parte ni Rogue ang laman ng kahon.
Isa-dalawa-tatlo at tsaka binuksan ang takip ng kahon.
Isang card. Naluwagan naman ako sa paghinga nang malaman na hindi si Rogue ang laman ng kahon.tinanggal ang ribbon na nakatali sa card at binasa ang sulat.
'We're happy to invite you to our wedding on the month of august 19th this year in Sochi, Russia.' signed by Rogue Ivankov and Alexei Babkin.
Nanluha ang mata ko at hindi ko mapigilang umiyak.Doon ko na naramdaman na hindi na pala ako makahinga ng maayos at may dugo nang lumalabas sa aking ilong.' Doc! Emergency po sa room 514.tumigil po yung breathing nang pasyente!' yan na lang ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan