Unduh Aplikasi
16.66% [Draft Book] / Chapter 2: Kabanata I

Bab 2: Kabanata I

Kung magbibigay man ako ng rating sa Unibersidad de la Maharlika ay siguradong 100 out of 10 ang ibibigay ko. Sa interior at exterior design, sa lawak, at sa ka-engrandehan ng eskwelahan na ito ay masasabi kong pang world class ang dating!

Hindi ko naman yata pwedeng maliitin yung mga schools na pinasukan ko dati pero parang 'yon na nga. Basta malayong malayo talaga ang agwat nila.

Biruin mo, meron pa silang pa-chandelier-chandelier sa kisame at kung hindi ako nagkakamali base sa brochure na binigay sa'kin noong nakaraang taon ay hangang sampung palapag pa ito; humigit kumulang three hundred ang classroom dito hindi pa kasama 'yong iba pa tulad ng gym at canteen.

Ang swerte ko!

Kung hindi ako nanalo sa pa raffle nila noong nakaraang taon ay tiyak hangang sa internet ko nalang masisilayan ang ganitong ganda.

"Excuse me miss?" Nabalik ako sa wisyo ng magtanong itong lalaki sa harap ko.

Sa'n galing 'to. Bigla bigla nalang sumosulpot eh

"H-Ha?"

"Are you the transferee?"

Pano niya nalaman?

Masyado ba akong halata na 'di taga dito?

Ay! Oo nga pala wala pa pala akong uniform.

Tumango nalang ako at binigyan siya ng maliit na ngiti.

"Pinapasundo ka sa'kin ng dean. My name is Kevin Yang, I'm the student council president"

"Ona Mella Purton, nice to meet you" inabot ko 'yong kamay ko para kamayan siya. Tiningnan niya muna ito ng nagdadalawang isip bago ako kinamayan ng mabilisan.

Problema nito?

"Likewise, this way miss"

Mahaba-haba din ang nilakad namin ni Kevin bago kami nakapunta sa Dean's office. Tulad ng inaasahan maganda den ang loob ng opisina, meron itong karaniwang kagamitan na makikita mo sa casual na opisina ng guidance counselor. Tulad ng lamesa, upuan, lalagyanan ng ballpen, at meron ding metronome. (Yung ginagamit ng mga psychologist para mapakalma yung pasyente nila)

"Come in" ani ng nasa loob pagkatapos kumatok ni Kevin sa pinto.

"Dean, this is Ona Mella Purton our newest transferee" Pagpapakilala ni Kevin para sa'kin.

"Good morning po"

Nagulat silang dalawa ng agad akong lumapit kay Dean at kinuha ang kanyang kamay para mag mano

"Now this is what i want for our younger generation to take in mind! Ang pagbibigay galang..." Galak niyang sabi na maslalong bumanat sa kanyang mukha dahil sa pagkakangiti.

"Good morning den saiyo iha, my name is Julio Mendoza but you can call me Mr Mendoza or do you prefer Dean? Either way this will be your schedule and Kevin if you can kindly offer your time with Ms Purton. I-tour mo siya para malaman niya kung sa'n yung canteen dito at iba pa" Tinapik niya ako sa balikat siyaka siya bumaling kay Kevin nang sabihin niya yung request na iyon.

"Of course Dean"

"You may go"

"Salamat po Dean" sinuklian niya lang ulit ako ng ngiti siyaka na kami lumabas ni Kevin sa opisina niya.

"Mabait pala ang Dean niyo noh?"

Tumango lang siya "Ano pala section mo?"

"Wait, ahhh... Stem E"

"Same lang pala tayo ng floor. Halika na"

Same nga kami ng floor. Parehas nasa seventh floor. Takte, fourth floor nga sa'min 'di ko na kinaya eh. Seventh floor pa kaya. Halos maghingalo na ako sa kakaakyat ng palapag at tumagiktik na din yung pawis ko sa noo pero nasa fourth floor palang kami.

Jusko po!

"Ayaw ko na... M-Mamatay na ata ako" Para tuloy akong hinika sa hingal.

"Hahahaha... Masanay kana Ms Purton ganito talaga dito"

"Buti ka pa. Ang fresh mo pa din tingnan... Samantalang ako nilusaw na atah" Pagkatapos kong punasan ang pawis ko ay kinuha ko yung tumbler ko sa bag siyaka uminom.

"'Di naman, sanayan lang" Pag papa-humble niya

"Wa-Wala bang elevator dito? Sa ganda at engrandeng University na 'to wag mo sabihing walang elevator dito"

"Meron naman"

"Anak ka ng singkamas. Ba't 'di mo sinabi!" Hahampasin ko na sana siya pero nagpigil lang ako.

Easy lang Ona, tandaan mo student council president 'yan.

Naku!

"Ni-re-repair kasi"

"Eh wala na bang ibang available?"

"Meron.. pero nasa kabila pa kasing side ng building 'yon. Siyaka mas malapit yung hagdanan sa office ni Dean, so you better endure it"

Heh endure daw...

"Halika na. Baka ma-late pa tayo parehas"

At ayon na nga. Pagkatapos kong makipagsagupaan sa pesteng palapag na 'yan ay naka abot naman ako sa first class ko. As usual pinakilala ako ni Kevin sa first sub teacher at mga kaklase ko bago siya umalis. Pa simpleng tango at ngiti lang ako kanina pero 'di nila alam ay kinakain na ako ng hiya. Pano ba naman kasi, kung maka titig sila sa'kin eh para bang may sumulpot na tae sa harapan nila.

Problema nila, ngayon lang ba sila naka kita ng wet look?

H-hindi naman ako amoy tae 'di ba?

Palihim kong inamoy ang sarili ko nang makaupo na ako sa tinurong upuan ni Miss Gamboa.

Hindi naman ah?

"Sinced my bago kayong classmate. Mag papakilala ulit ako sa inyo. I am Miss Tibitha Gamboa, your adviser till the end of year. I will be teaching you the basic Earth Science at inee-expect ko sainyo as a student of the prestigious Unibersidad de la Maharlika ay marunong kayong makinig at rumespeto. Wala kayong pakikingan kundi ako lang at ako lamang. Once na may narinig ako kahit isang bulong-bulongan ay kick out ka na agad sa klase, mag hanap na kayo ng ibang teacher sa Earth Science dahil hindi ko na kayo tatangapin kahit mag padala pa kayo ng isang batalyong magulang with Gucci or Channel man yan na plastic cover. I don't give a damn. Naiintindihan niyo ba?" Ani ni Miss Gamboa habang tatango-tango naman kami.

Akala ko swerte ko na. Malas ko naman sa adviser, mukhang terror eh

Mabilis na natapos ang klase ni Miss Gamboa at dahil second day palang ngayon ay puro pagpapakilala pa lang ng lessons ang ganap sa nakalipas na dalawang subject bago mag lunch. As expected, mag isa atah akong kakain ngayon. Wala pa akong gaanong kilala kundi yung student council president lang at dahil nag promise siya kay Dean na ituturo ako sa mga pasikot sikot na sulok dito sa school ay minabuting hanapin ko siya sa room nila.

"Teh, andiyan ba si Kevin?" Pagtatanong ko sa mga babae sa labas ng room nila.

Isa-isa nila akong pinasadahan ng tingin, at eto naman si ako ay na insecure agad. Ampuputi kasi nila at mukhang anak mayaman pa samantalang ako eh, maralita lang medyo maitim pang tingnan.

"Kevin!" Tawag nung isa sa kanila.

"Bakit?"

"May naghahanap sa'yo"

"Sino..." Agad den namang lumapit si Kevin at nang makita niya ako ay ngumiti siya.

"Miss Purton! Oo nga, i almost forgot. Sunduin muna natin yung pinsan ko sa kabilang section then punta na tayo sa cafeteria" ani niya na itinango ko lang.

Nasa fourth floor yung sinasabing pinsan ni Kevin kaya hindi na hassle sa paglalakad at 'di tulad ng una ay sumakay na kami ng elevator sa kabilang side ng building para 'di masayang yung oras namin sa hagdanan.

Nang maka abot na kami sa floor ng pinsan niya ay napansin ko agad yung mahina pero napakagandang tunog ng flute sa 'di kamalayuan. Para akong inuugoy ng kanta at yung marahang pag bitaw nito ng nota ay nakaramdam ako ng konting antok.

Relaxing...

"Kevin sino yung nagpapatunog ng flute?"

"Saan...?"

"Ayun oh pakingan mo"

"Ahhh baka si Mago 'yan, mahilig sa music 'yang pinsan ko, dati siyang kasama sa banda dito sa University"

"Talaga, marunong din siya mag guitara?"

"Oo lahat ng instruments ay expert siya. Pero ewan ko ba kung bakit mahilig na siya mag flute ngayon. Halos 'di niya na bitawan yung flute eh"

Nakarating agad kami sa classroom ni Mago at tulad ng ibang classroom ay parehas-parehas lang yung pagkaka disenyo. Pero ang mas takaw pansin sa nakita ko ay yung lalaking may hawak ng flute na pinalilibutan ng mga estudyante.

Maamo ang mukha niya at sa bawat galaw ng kanyang mga daliri ay masasabi kong graceful siya kung kumilos. Habang yung mga nanonood naman sakanya ay na estatwa na sa paghanga.

Grabe ganun siya kagaling!

Nang kumatok sa pintuan si Kevin ay nasira den ang kung anong pagkahumaling namin sa kanta ng fluta ni Mago. Bigla nalang nag si-tayuan yung ibang estudyante habang yung iba ay nagpatuloy sa kung anong ginagawa nila kanina. Samantalang ako ay biglang nakaramdam ng hilo.

Putek na virtigo pa atah ako.

Kaka cellphone ko ba kaya 'to o iba na?

"Ms Purton, this is my cousin Emmanuel Mago Contreras"

"Ikaw naman masyado namang pormal. Kahit Ona nalang or Mella your pick" Ani ko sa kanilang dalawa.

Hindi sumagot si Mago at tinitigan lang ako ng mga itim niyang mata na walang bahid ng kung anong emotion.

Blanko, Blankong-blanko talaga.

Awkward...

"Let's go na guys?" Pagbasag ni Kevin sa katahimikan.

...

Pagkatapos naming libutin ang lahat ng pwedeng libutin sa malaking paaralan na ito; habang ngumunguya ng burger na akala mo ay ginto sa presyo. Mabilis ding lumipas ang mga oras at naguwian na din kami.

Saan ko nga ulit na kita yung bus stop?


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk