NhicoDivelton

NhicoDivelton

male LV 2

"Huwag mong piliting maging sila. Kailangan mong maging ikaw." — Nhico Divelton

2019-04-06 Joint Philippines
Activité
Œuvres originales
Badges 5

Moments 1
NhicoDivelton
NhicoDivelton
4 years ago
Replied to Daoist5Q7lYG

Puwede po ninyong i-search sa browser 'yong wattpad.com o 'di po kaya'y mag-download ka po ng apps. Make sure po na kapag na-search mo na sa browser 'yong wattpad, naka-tagalog language po. Search n'yo po 'yong 32 in Calendar o 'di po kaya ay unvividstar. Mababasa po ninyo nang buo roon ang 32IC at marami pa po akong story roon. Salamat po.

  • Borrow For Love original

    Borrow For Love

    Urban

    Hindi kagustuhan ni Mari Casa na sumanib sa katawan ng asawa ng lalaking mahal niya. Gusto niya itong makasama ngunit hindi sa ganoong paraan dahil alam niyang patay na siya. Wala na siyang pagpipilian kundi magpanggap na siya ang asawa nito. Ang hindi niya alam ay magkaibang-magkaiba ang ugali niya at ng babaeng nagmamay-ari ng katawan na gamit niya. Ang dating maldita at maarteng si Roxanne ay bigla na lang naging mabait at galawgaw. Malalaman kaya na nasa loob siya ng katawan ng babaeng kinaiinisan ng marami?

    1 Chs 1 Collections

  • 32 in Calendar original

    32 in Calendar

    Urban ROMANCE TAGALOG KILIG

    4.31

    Hindi makapaniwala si Sarah na mahal din siya ng matalik na kaibigang si Ethan na hinahangaan ng maraming kababaihan dahil sa taglay nitong kabutihan at kaguwapuhan. Akala nga rin niya, suntok sa buwan na magiging nobyo niya ito ngunit nagkamali siya. Kaya nga nang ligawan siya nito ay agad niya itong sinagot sa takot na magbago pa ang desisyon nito kung patatagalin pa niya bago ito sagutin. Naging masaya ang relasyon ni Sarah at Ethan ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Sinira nito ang mga pangarap nilang dalawa. Mapagbibigyan pa kaya sila ng tadhana upang sa unang pagkakataon ay magkasama nilang maipagdiwang ang araw ng kanilang anibersaryo kahit pa wala ito sa kalendaryo? Tunghayan ang nakaaantig na istoryang magpapasibol sa panibagong petsa sa kalendaryo...

    2 Chs 1.3k Collections

  • The Sleeping Chaka original

    The Sleeping Chaka

    Fantasy ROMANCE COMEDY PRINCESS TAGALOG

    4.6

    Sa isang lugar na malayo sa makabagong buhay matatagpuan ang palasyo ng Maganlahi. Naninirahan dito ang isang prinsesa na bukod tangi, bukod tanging pangit sa palasyo, walang iba kung hindi si Prinsesa Impa. Dahil sa taglay na kapangitan, uhaw siya sa pagmamahal ng isang lalaki at sa kaligayahan. Gusto na niyang makakita sa personal ng isang malaking ibon na dala-dala ang dalawang itlog nito. Gusto na rin niyang magawa ang mga posisyon na sa isip lang niya nangyayari. Kaya naman labis ang kasiyahan niya nang bigyan siya ng sumpa na makakatulog siya at ang makapagpapagising sa kaniya ay ang halik ng guwapong lalaki. Hindi lang iyon, kung sino ang humalik sa kaniya at siya ay magising, iyon ang lalaking mapapangasawa niya. May hahalik kaya kay Prinsesa Impa? Makikilala na kaya niya ang kaniyang mapapangasawa sa kabila ng itsura niya? Kilalanin si Impa, ang gaga at loka-lokang prinsesa. Siya ay tatawaging, "The Sleeping Chaka"

    4 Chs 759 Collections

  • Imprisoned Flower original

    Imprisoned Flower

    Urban ROMANCE R18

    Parang isang sex slave si Maya kung itrato siya ng kaniyang asawa. Madalas din siyang pagbuhatan ng kamay at ang masakit para sa kaniya, ikinahihiya siya nito bilang asawa. Tiniis niya ang lahat ng hirap at sakit alang-alang sa anak niya dahil umaasa siyang magbabago rin ito. Dumating ang araw na pinapangarap niya ngunit dumating naman sa buhay nila ang babaeng sisira sa pamilyang ayaw niyang masira. Mawawala lang ito sa kanilang buhay kung susundin niya ang kondisyon nito. Handa kayang ibaba ni Maya ang pagkatao niya upang mawala sa buhay ng kaniyang asawa ang babaeng mas magpapahirap sa kaniya? Ang istoryang ito ay naglalaman ng maseselang Tema, Lingguwahe, Karahasan at Sekswal na naaangkop lang sa edad 18 pataas.

    4 Chs 5 Collections

  • My Beloved's Sin original

    My Beloved's Sin

    Urban ROMANCE TAGALOG KILIG

    Namatay ang asawa at anak ni Sabel dahil sa aksidente. Labis ang galit niya sa sakay ng kotseng pumatay sa kaniyang mag-ama. Gusto niyang pagbayarin ito sa kasalanan ngunit hindi makilala ng mga pulis kung sino ang sakay ng kotse. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para ibigay ang hustisya sa kaniyang mag-ama. Namatay ang mag-ina ni Rafael dahil sa aksidente. Ginawa niya ang lahat para mahuli ang sakay ng sasakyang nakabunggo sa sinasakyan nila ng kaniyang mag-ina. Sa kabila niyon ay hindi pa rin nakilala o nahuli ang may kasalanan. Pinangako niya na pagbabayarin niya ang pumatay sa kaniyang mag-ina. Paano kung ang taong hinahanap nina Sabel at Rafael ay ang taong minamahal nila nang wagas? Makakamit ba nila ang hustisya para sa namatay nilang mga mahal sa buhay?

    6 Chs 691 Collections