ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama.
Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan.
Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran.
At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan.
***
Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania.
Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan.
Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan.
"Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? "
-
Ulila at lumaki sa ampunan si Seraphiel Yriel, kahit na siya ay walang magulang ay punong-puno ng kabaitan at pagmamahal ang kaniyang puso. Masipag din siya dahil handang-handa siyang sumuong sa kahit anong trabaho upang siya ay mabuhay.
Maayos siyang namumuhay kahit nasasalat man, ngunit-
May kakaiba na hindi niya masasabing normal! May isa siyang munting kakayahan na halos ikamatay niya na dahil sa takot na siyang gugulo sa kaniyang tahimik na pamumuhay.
At ang pagdating isang trabahong pinataw sa kaniya ng tadhana na hindi niya inaasahan at maaring makapagbigyang linaw sa kaniyang pagkatao...