Télécharger l’application
75% WHERE IS MOMA? / Chapter 6: CHAPTER 5: Don't tell him

Chapitre 6: CHAPTER 5: Don't tell him

Even though Papay Kaloy said that Joseph only goes there every week, Vergel still took chances. He wakes up earlier than they say to wait in front of the house and watch everyone pass by. He waited patiently and relentlessly examined every face of the people he saw coming. It's been a long time since he last saw his friends, they probably look different. But he was sure that his friends would recognize him when he saw their faces again.

"Pangatlong araw na ito ah." Sabi ni Iskang habang tinatanaw nilang mag asawa si Vergel mula sa bintana. Inabot niya sa asawa ang tinimplang kape. Tahimik naman na nakatingin si Papay Kaloy sa kanyang pamangkin.

"Kaloy, bakit hindi mo na lang sabihin kay Verg—" tumingin ang lalaki ng masama sa asawang si Iskang kaya huminto ito sa pagsasalita.

"Para ano? Hindi muna. Wala ka munang sasabihin. Tingnan mo nga, halos hindi na magkandaugaga sa pagaabang kay Joseph. Saka na kapag nagkita na sila ulit. Ang ayoko lang malalaman na sasaktan nila si Vergel." Anito bago uminom ng kape.

" Kawawang bata." Ani Iskang.

" Mamaya ayain ko nalang sa plaza para malibang." Sabi ni Kaloy.

Tumayo si Vergel sa kaniyang pagkakaupo habang nilalaro sa kaniyang kamay ang cellphone. Nagpalinga-linga pa sya sa pag asang makikita na si Joseph.

Bagsak ang balikat niya. Mukhang maghihintay ulit sya bukas.

"Vergel?" May babaeng biglang lumapit sa kaniya na humawak pa sa kaniyang braso. Kulot ang buhok nito na halos pumutok na ang pisngi sa katabaan.

"H..ho?" Tinititigan niya ang mukha ng babaeng ito.

"Hindi mo ba ko matandaan?" Hindi parin sya makasagot.

"Si ate Nida mo 'to! Ano ka ba?!" Sabi nito na bigla pa syang tinapik ng pabiro sa braso.

"Ate Nida? Yung...yung… Suman?" Isang Nida lang kasi ang kilala niya. At yun ay ang Nida na nagtitinda ng Suman na laging binibilhan nila noon nilang magkakaibigan.

"Oo!" Lalong bumilog ang pisngi nito sa tuwa.

"Oyyy! Oo nga! Hahaha! Ate Nida!" Sa sobrang tuwa'y  niyakap niya ang babae.

" H-hindi ko po kayo nakilala ah." Paano ay sobrang payat pa nito noon, kaya hindi niya agad ito namukhaan.

"Kamusta kana? Nakoo. Napaka-gwapo mo talaga." Kinurot pa nito ang pisngi niya. Napatingin ito kina Papay Kaloy na nakatanaw sa kanila.

"Dito ka na ba ulit ?" Tanong nito.

"Ay.. hindi po eh. Nagbakasyon lang po." Nakangiti niyang sagot.

"Ay ganun ba? Pero sakto. Alam mo bang kanina nakasalubong ko si Anielle sa plaza at—"

"Asan na po sya?" Nakaramdam siya ng excitement.

"Ay nako. Kanina pa yon. Malamang umuwi na yon ngayon. Pero wag ka mag-alala, nasabi niya sakin na pupunta daw sya ng Plaza ngayong darating na Pista Ng Gabi." Anito. Bigla niyang naalala na sa ganung buwan din pala ipinagdiriwang ng ng mga tao sa kanila ang Pista Ng Gabi.

"Hindi ko kasi alam na narito ka, edi sana sinabi ko na sa kaniya." Dagdag pa nito.

"Saan na po sya nakatira ngayon?"

"Wala na sila sa dati nilang bahay. Ang alam ko nasa Peace Village na sila." Sagot nito. Medyo nakahinga sya ng maluwag, atleast mayroon pa syang choice. Kung sakali man na hindi nya makita si Joseph ay si Anielle na lamang ang pupuntahan niya.

"Si..Joseph po?" Nagbaka-sakali parin sya.

"Nako, hindi ko alam kung makikita mo yon ngayon, pero linggo na bukas, subukan mo baka ma-tiyempuhan mo sya." Sabi nito.

" Andyan parin po ba yung bahay nila?" Tanong niya.

" Oo. Pero ang nanay nya nalang ang nandyan. Minsan sa plaza yon nagtitinda, gabi na kung umuwi yon." Sabi nito. Bigla itong lumapit sa kaniya.

" Hindi na lumalabas ng bahay si Manay Ellen, hindi na rin yon nakikipag usap sa mga tao dito." Bulong nito patungkol sa ina ni Joseph.

" Oh Nida." Biglang lumapit si Pay Kaloy sa kania. Humakbang palayo si Nida kay Vergel.

"Nakipagkwetuhan lang ako dito kay Vergel." Nakangiting sabi nito.

"Ano tinda mo mamaya?" Tanong nito.

"Bilo-bilo. Gusto mo non?"

"Sige. Bibili kami para matikman ulit ni Vergel yung luto mo." Ani Papay Kaloy.

"Ay sige. Daanan ko kayo mamaya. Uuwi na muna ako. Vergel." Paalam nito.

"S..sige po." Madami pa sana siyang gustong itanong sa babae ngunit napansin niya naman para bang nangingilag si Nida sa lalaki.

"Oo nga pala, pupunta kami mamaya ng tiya Iskang mo sa plaza. Gusto mo ba sumama?" Sabi nito.

"Uhh.. baka hindi na po muna, bigla po kasing nag-message yung katrabaho ko sa office, may gusto daw itanong yung boss namin." Pagdadahilan niya kahit pinaplano niya lang talagang sumadya sa bahay nila Joseph dahil nararamdaman niyang pagbabawalan siya ni Papay Kaloy.

 For some inexplicable reason, Vergel has a strong suspicion that Papay Kaloy is not telling him all  about his friends.

"So, what pano? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Joko matapos marinig ang buong detalye ng kwento ni Vergel. Dumilip si Vergel sa labas ng kwarto, wala namang tao at nag-sara sya ng pinto.

"Hindi. Ayokong umuwi na hindi ko pa alam lahat." Sagot niya sa mababang boses.

"Okay then. But when you know that your situation is precarious, especially your security, go home." Ani Joko mula sa kabilang linya.

" "I will .. But wait, where is James?"

" Hindi pumasok eh. Binisita nya daw mommy nya sa hospital. Pero kung sa lunes wala na kaming gagawin, baka bumiyahe na din kami papunta dyan." Sagot ni Joko.

" Hayy sige."

"  "Just don't do any conflict."

"Yun na nga—" biglang may kumatok. Nagmamadali niyang binuksan ang laptop niya.

"Ha?! Wait lang! Mahina pa kasi yung signal dito. Sabihin mo kay sir, isesend ko na." Sinadya niyang lakasan ang boses niya.

Ano pinagsasabi mo?" Tanong ni Joko na hindi naman nagets ang sinabi ng kaibigan.

" Vergel. " Si Iskang pala ang kumakatok.

" Po? " Pinagbuksan niya ito ng pinto.

" May kaaway ka? " Tanong ng ginang.

" Ah.. eh.. wala po. Yung ka work mate ko po, medyo pinapa-rush po sakin yung naiwan kong trabaho. " Pagdadahilan niya.

Ah ganun ba? Pupunta kami sa plaza, may ipabibili ka ba?" Tanong nito.

"W..wala naman po."

"Sige. Alis muna kami. Tulog naman si Malou." Paalam nito.

"Okay po." Bumalik sya sa sa harapan ng laptop.

" I'll call you back later. Bye." Paalam niya kay Joko.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C6
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous