"Kung sasang ayon ako, igagarantiya mo ba sa akin na ibabalik mo ang aking anak na babae at kailanman ay hindi magpapakita sa harapan naming muli?" Tanong ni Lu Che.
"Maaari tayong magpirmahan ng kasunduan."
"Hindi, gusto kong tapusin na natin ang ating relasyon bilang mag ina," wika ni Lu Che. "Bukas ng alas 9 ng umaga, magkita tayo sa harapan ng hospital. Dahil mo ang aking anak na babae. Simula bukas pasulong, hindi na kita ina. Pakiusap umalis ka na ngayon."
Kailanman ay hindi inaasahan ni Mother Lu na ang kanyang anak ay magdedesisyon ng ganon ka lubha.
Gayunpaman, sa palagay niya ay wala ng anumang bagay na karapat dapat pang panghawakan, kaya mayabang na tumalikod ito at umalis.
Nang makitang ang kanyang bahay ay magulo, hindi kaagad na pumunta si Lu Che sa silid upang aluhin ang kanyang asawa. Sa halip, nilinis muna niya ang buong lugar bago siya kumatok sa pinto at tinawag ang pangalan nito, "Xiao Man."