"Isa siyang manunulat na nahuhumaling sa science fiction," sagot ni Mo Ting na tila may kasalanan.
"Kung ganun panatilihin natin iyon…" sagot ni Tangning. "Yaman din naman na ang manunulat ang pumili ng karera para sa kanya, maaring mayroon itong dahilan. At saka, hindi ba sinabi mo sa akin na tratuhin ang nakaraan bilang isang uri ng karanasan?"
"Sige… hindi ako makikipagtalo sa iyo." Sa katunayan, kahit ang kanyang katauhan isang miyembro ng militar o manunulat, ito ay magiging kawili - wili pa din. Ngunit, ang kahinaan ng isang manunulat ang makapagdadagdag ng pananabik. Ito ay, pagkatapos ng lahat, isang pelikula ukol sa sakuna, kung hindi mararamdaman ng taong nasa bingit na siya, kung gayon ang pelikula ay mabibigo ng nakakaawa.