AN: Hindi ako magaling na author, paalala ko lang. Maaaring marami kayong mapansin na mga mali sa aking gawa, pagpasensiyah niyo baguhan palang ako.
____________________________________________________
Jessy P.O.V
"Jess! Lights nga riyan," sabi ni Mang Kanor.
Mabilis na lumapit ako habang nakahinto ang jeep niya sa gitna ng kalsada.
"Boss, oh!" mabilis na abot ko ng isang stick ng Malboro lights, sabay sindi ko sa lighter na hawak ko.
"Salamat!" sagot nito matapos kong masindihan ang sigarilyo niya.
Muli akong bumalik sa gilid na pinagtatambayan ko dito sa waiting shed, kung saan ay maraming pasahero ang nag-aabang. Napatingala ako sa langit na tirik na tirik ang araw.
Nakasuot ako ng isang kupasin na pantalon. Kulay puting t-shirt na mahaba na may patong na maong na jacket, na halos mawala na ang kulay nito dahil sa tagal ng panahon kong ginagamit. Naka-sumbrero rin ako, mainit man o hindi lagi ko itong suot at tinernuhan ko ito ng halos matuklap na ang kulay na itim na rubber. Ganito lagi ang ayos ko dito sa kalsada pitong taon na ang lumipas.
Nakaramdam na ako ng gutom dahil sa lagpas tanghalian na pala. Isang daan palang ang kinikita ko ng silipin ko ang bulsa dito sa suot ko na jacket. Naglakad ako papunta sa may karinderia malapit dito sa puwesto ko.
"Oh, Jess ikaw pala. Ganun ba ulit?" bungad agad sa akin ni Marimar na taga-probinsiya. Alam na nila lagi ang order ko kapag kumakain ako dito.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa may gilid. Pag-upo ko agad kong nakita ang itsura ko sa salamin dahil may malaking salamin dito sa harapan ko. Nasunog na ang balat ko simula ng maglako ako sa ng sigarilyo sa kalsada, ang mata ko na akala mo may sakit dahil sa laging nanga-ngalumata. Marusing ang mukha at nanlalagkit na pisngi dahil sa pawis.
"Oh, Jess oh! Haay... bakit kasi ayaw mong dagdagan ko 'yang pagkain mo? Paano ka magkaka-muscle niyan kung puro sabaw lang at kanin ang kinakain mo. Tapos kalahating order pa ng kanin," wika ni Marimar habang hinihimas pa ang braso ko.
"Marimar, ayos na ako dito importante lang naman makakain ako," ngiting sagot ko dito, alam ko naman na noon palang may gusto na siya sa akin. Halatang-halata naman sa kanya.
"Haay.. Bahala ka na nga! Sayang naman kasi kahit ganyan ang ayos mo ang gwapo mo pa naman," kinikilig na sambit nito naiiling na lang ako sa kanya.
Matapos kong kumain bumalik ako ulit sa pwesto ko. Palakad-lakad ako habang kinakatok ko ang kahoy na kahon na pinaglalagyan ng iba't-ibang klase ng sigarilyo.
Nang mapagod na ako sa takbo dito, takbo doon. Habol dito, habol doon. Naupo muna ako sandali medyo nagdidilim na 'rin. Marami pa ring tao sa kalsada, pinagmamasdan ko lang ang mga taong palakad-lakad pati ang mga jeep na halos malanghap ko na sa araw-araw ang usok, mabuti nga at hindi ako nagkakasakit.
"Jess, sama ka mamaya may inuman sa tambayan natin," nagulat naman ako 'kay Mon sa pagtapik n'ya sa balikat ko.
"Hindi na muna, Mon. Wala kasi ako sa mood uminom ngayon," mahinang sagot ko habang malayo ang tinatanaw ko.
"Bakit naman? Tara na ikaw lang wala doon, nandun lahat ng mga tropa natin." muling pangungulit sa akin ni Mon.
Pero tumanggi talaga ako, iniwan naman ako ni Mon. Marahil na-badtrip siya.
Naisipan ko na lang umuwi na dahil alas-syete na pala ng gabi. Wala rin naman gaanong bumibili kasi nga marami rin kaming mga nagtitinda ng sigarilyo sa kalasada, minsan nagkakaagawan pa at kung minsan naman nag-aaway pa sila, pero ako hindi ako nakikisali hangga't maaari ayokong madawit sa gulo mahirap ng mahuli ng mga pulis.
Habang naglalakad ako sa may looban na kung saan maraming natutulog na mga palaboy na kagaya ko. Papasok na sana ako sa eskinita pero bigla akong nagtago dahil may napansin ako'ng dalawang lalaki at isa pa na lalaki. Nagtago ako sa gilid ng pader at sinilip ko ito ng paunti-unti, nakita ng isa kong mata na may ini-abot na briefcase dito sa lalaki na naka-sandong itim at maraming tattoo sa braso.
Hindi ko masyadong naririnig ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo pa ako at isa pa mukha mahina lang ang pag-uusap nila, nanlaki na lang mata ko nang buksan nang lalaki ang briefcase. Nakita ko na maraming naka-plastik sa loob nito at ang laman 'ay kulay puti, tinusok nitong naka-sandong lalaki gamit ang kutsilyo na hinugot sa likuran niya ang isang plastik at dinala sa bibig nito. Ngumiti naman ito nang malasahan niya at may inabot na bag na kulay itim dito sa dalawang lalaki.
Alam kong shabu yun. Hindi naman ako tanga para hindi ko 'yun malaman, nakakita na ako 'nun pero 'yung mga naka-repacked lang sa maliit na plastik. Hindi yung ganun karami bigla akong kinabahan.
Balak ko na sanang umalis dahil baka makita nila ako, ngunit bigla nalang parang may kumagat sa binti ko.
"Aray!" hindi man ganun kalakas ang boses ko pero sapat na para mapalingon sila sa akin. Hindi ko na pinagkaabalahan na tingnan pa kung ano 'yung kumagat sa binti ko.
"SINO YAN! HOY! TARANTADO TARA SUNDAN NATIN!" Narinig ko na sigaw nung isa.
Mabilis na tumakbo ako at hindi ko malaman kung saan ako pupunta o dadaan, dahil sobrang lakas ng kaba ko.
Paglingon ko sa likod nakita ko 'yung dalawang lalaki, napayuko ako ng biglang magpapatok ang isa sa kanila. Kaya nagtago ako dito sa may pader, nagpaikot-ikot ang mata ko kung saan ako tatakbo dahil papalapit na sila. May nakita akong eskinita kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at ginawa kong pangharang sa mukha ko ang lagayan ng mga sigarilyo ko.
Mabilis na tumakbo ako sa kabilang eskinita, namataan ko pa 'yung dalawa tinuro pa ako ng isa. Kaya mabilis na tumakbo ako at wala na akong pakialam kung marami ako'ng mabunggo na mga tao, kailangan kong makalayo at makatakas sa kanila.
Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa wala ng tao ang napuntahan ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa isipin na ako lang ang nandito ngayon. Lingon ako ng lingon sa likod ko dahil baka mamaya nasa likod ko sila. Huminto muna ako saglit dahil pakiramdam ko mauubusan na ako ng hangin sa katawan. Tagaktak ang pawis ko dahil sa kakatakbo ko pati ang dibdib ko sobrang lakas ng tibok.
"PUTANG INA MO KA! PINAGOD MO PA KAMING TARANTADO KA!" Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang lumabas 'yung dalawang lalaki dito sa isang eskinita malapit sa kinatatayuan ko.
Nakakutok ngayon pareho sa akin ang hawak nilang pareho na baril.
"Boss! Maawa kayo sa akin. Hindi naman ako magsusumbong, huwag niyo akong papatayin," nagma-makaawa ako sa kanila. Nginisahan lang nila ako.
"Pasensiya ka na bata, wala kaming awa," ngising demonyo na salita nito.
"B-boss, maawa naman kayo sa akin, hindi naman ako magsasalita sa mga nakita ko, wala akung pagsasabihan makakaasa kayo," nangangatog ang boses na pagmamakaawa ko ulit.
"Gago! Huwag mong bilugin ulo namin, magdasal kana!" Sabay tawa nila.
Napapikit naman ako dahil ito na siguro talaga ang katapusan ko.
"Tangina! May parak!" Sigaw nitong isa.
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang sinabi nila pati ang tunog ng wang-wang. Akala ko iiwanan na nila ako pero hinatak ako nang isa, nalaglag ang lagayan ko ng mga sigarilyo at nagkalat ito sa simento.
"Lumakad ka lang ng maayos, dahil baka ma-high blood ako sayo i-pumutok ito sa tagiliran mo," natatawang wika nitong may hawak sa akin.
Naramdaman ko ang matigas na bagay na nakatutok sa tagiliran ko. Normal na naglakad kami, nang lumagpas ang sasakyan nang pulis. Hinatak pa ng husto ang damit ko nitong isa.
"Fred, kunin mo sasakyan natin isasama natin to! Para may paglaruan tayo," ngisi nitong may hawak sa akin.
Kinabahan naman ako sa gagawin nila sa akin o kung saan nila ako dadalhin. Sakay nang kotse nila katabi ko itong isang lalaki habang ang baril nito nakatutok sa akin. Hindi nagtagal huminto kami sa isang liblib na lugar, sinipa ako palabas ng kotse kaya bumagsak ako sa lupa.
"Pare, sinampolan mo na agad ah," narinig kong salita nitong isa habang nagtatawanan sila.
"HOY! BILISAN MO NG TUMAYO DIYAN, GUTOM KA BA? PAKAKAININ KITA NG BALA KO O KAYA NAMAN NG BURA* KO!" Nakakalokong salita nito.
Nanindig naman ang balahibo ko dahil sa sinabi nang isa, pahatak na kinaladkad ako nila papasok sa isang bahay.
"Sir, maawa na kayo, pakawalan niyo na ako," muling pagmamakaawa ko nang maipasok nila ako sa loob. Nagitla ako dahil ang daming lalaki sa loob, at amoy usok ng sigarilyo dito. May nagsu-sugal sa gilid at may nag-iinoman sa gitna.
"Meron tayong laruan ngayon," salita nitong Fred at napalingon ang lahat sa amin.
"Babae ba 'yan Pare?" Sagot naman nang matabang lalaki na kita ang kalahating katawan dahil sa wala itong suot na pang-itaas.
Inayos ko naman ang suot kong sumbrero upang maitago ang mukha ko sa kanila.
"Lalaki, pero nagbibinata palang puwede na to!" Nakangising sagot nitong katabi ko.
"Masarap 'yan, tara dito dalhin nayan." masayang wika nitong isang may hawak na baraha.
Naghihiyawan na sila, ako naman gusto ko ng tumakbo palabas ngunit hindi ko magawa. Aatras na sana ako nang hawakan ako nitong isa. Nagpupumiglas ako dahil gusto kong makatakas dito, tinatawanan naman nila ako. Sa kakahatak ko sa sarili ko nasira ang suot kong jacket pababa. Natigilan ang lahat pati ang lalaki na nakahawak sa balikat ko.
Nagkatinginan silang lahat pati na rin sa akin, lalo na sa dibdib ko. Nagulat na lang ako nang biglang dakmain nitong isa ang dalawang dibdib ko.
"PUTANGINA! BABAE SIYA PARE!" Umiling-iling ako at tinabig ko ang kamay niya sa dito sa ibabaw ng dibdib ko.
"Ang swerte pala natin," hiyawan nila.
Takot na takot na ako at nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.
+++++++++
🔫Black_Moon301