"Hoy, anong ginagawa mo dito sa lamesang ito? Hindi ba duon kita pinaupo, bakit andito ka? Hindi mo ba nakikitang naka reserve ang mesang ito?"
Galit na singhal ni Lara kay Mel.
Natapunan bahagya ng kape si Mel sa ginawang pagbalibag ng waiter sa dala nitong tray.
Napalingon lahat sa direksyon nila ang mga customer na nasa malapit na nakarinig kay Lara.
Kinuha ni Mel ang panyo nyang dala at marahan pinahiran ang brasong natapunan ng kape.
'Ano na naman bang problema ng taong ito at ang ingay na naman?"
Nagtataka ang mga kasamahan nitong waiter kung bakit nakasinghal na naman si Lara.
Ganito talaga sya palagi. Galit at aburido at hindi nila maintindihan kung bakit.
Gusto mang lumapit ng ibang kasamahan nya dahil naawa ang mga ito sa customer, pero mas minabuti nilang huwag makialam para hindi sila madamay.
'Hmp! Bahala sya dyan!"
Napatingin na lang sila kay Mel.
'Tyak na hindi ito makakaligtas at gagawan na naman ng kwento ni Lara para magmukhang sya ang biktima!'
'Kawawang customer!'
Pero kahit hindi nila pansinin ang bugnuting si Lara, napapansin naman sya ng mga naiinis na customer sa ingay nito at kawalang modo. Nawawalan sila ng gana.
Kaya agad na nilapitan ng isang waiter nilang si Raymond para ipaalam ang sitwasyon at baka magsialis ang mga customer hindi pa magsibayad.
"Sir Raymond nagrereklamo na po ang mga ibang customer dun gusto ng umalis ng iba!"
"Bakit ano bang meron dun?"
"Dipo namin alam!"
"Eh, bakit hindi ninyo inalam?"
"Ayaw po namin madamay!"
Agad na umalis ang waiter na nagsumbong kay Raymond na ikinainis nito.
'Haaay mga baguhan na ito laging pinaiinit nag ulo ko!'
Paglapit ni Raymond, nadining nya agad si Lara na sinininghalan ito.
"Mister, mabuti pa bayaran mo na itong inorder mo at umalis ka na! Nakakasagabal ka na sa mga ibang customer!"
Napailing na lang ang mga nasa kalapit table. Hindi man nila alam ang buong kwento pero kanina pa tahimik itong customer habang yung waiter ay patuloy sa katatalak kaya duon sila naiinis sa waiter. Nakakatulilig na sa tenga ang boses.
"Ehem! Ano bang nangyayari dito Lara?"
"Eh kasi po Sir Raymond ito po kasing customer na ito gusto akong takasan, ang kulit pa po! Sinabi ko ng naka reserve itong table dito pa rin nagpumilit maupo, ang hirap pong paliwanagan....."
Tuloy tuloy ang salita ni Lara habang si Raymond ay nanlaki naman ang mga mata na parang luluwa na ng makita kung sino ang tinutukoy nitong customer.
"Jusmiyo! Sir...."
Hindi alam ni Raymond kung papaano magpapaliwanag.
"Hi Raymond!"
Kinuha ni Mel ang saklay at saka tumayo.
"Oy, Mister saan ka pupunta? Magbayad ka muna bago ka umalis!"
"Shhhh... Shhhh! Tumigil ka na Lara!"
"Pero Sir ... "
"Shhhh... Shhhh! Tahimik!"
"Raymond, mabuti pa bigyan mo ng 50% discount ang lahat ng narito, bilang compensation. Then, itong si Ms ....."
"Lara po! Sya po si Lara, Sir!"
Sabay turo sa itaas na bahagi ng uniporme nito kung saan dapat naroon ang name tag.
"Bakit hindi mo suot ang name tag mo?"
Nagulat si Lara, nakalimutan nyang isuot ang nametag nya.
Ang totoo nyan, hindi nya gustong ilagay ang nametag nya at baka may makakilala sa kanya. Isa kasi syang talent na may ambisyon magartista at marami na rin syang nasalihan na extra kaya nahihiya syang may makakilala sa kanya at malamang dito sya nagtatrabaho.
"S-Sir, nakalimutan ko lang po!"
Pero hindi ito nakaligtas kay Mel. Malaki na ang pinagbago nito mas matalas na nyang nakikita kung totoo ang isang tao o hindi.
Alam nyang nagdadahilan lang ang waiter na si Lara kung kaya ...
"Miss, mas makakabuti siguro kung lilipat ka na ng pinagtatrabahuhan. Sa tingin hindi nababagay sa'yo ang magtrabaho sa ganitong klaseng restaurant lamang!"
Nagulat si Lara.
'Naku, mukhang nakikilala nya ako?'
'Eto na nga ba ang sinasabi ko ang may makakilala sa akin!'
'Pero hindi ako basta pwedeng umalis, kailangan ko ng pera at mahirap maghanap ng trabaho ngayon!'
Pero mas nagulat si Lara sa susunod na sinabi ng customer.
"Raymond, mas mabuti pang ibigay mo na sa kanya ang huling sahod nya."
At saka tumalikod si Mel.
"Hoy anong huling sahod ang sinasabi mo dyan? Sino ka para magutos ng ganyan?"
Singhal ni Lara kay Mel pero hindi sya pinansin ni Mel umalis na ito para magtungo na sa opisina nya.
Nagulat ang karamihan na naroon, mga dating waiter at mga regular customer na nakakakilala sa kanya at kay Kate.
Nagpalakpakan ang ibang customer habang dumaraan si Mel.
"Yes! Thank you po Sir Mel!"
At buong galang naman syang binati ng mga staff duon.
"Magandang araw po Sir Mel!"
"Magandang araw sa inyo! Sige ipagpatuloy nyo na nag ginagawa nyo!"
"Sir Raymond s-sino po ba yung lalaking yun?"
Tanong ng nagtatakang si Lara.
"Yun? Si Sir Mel ang may ari ng restaurant na ito!"
"Ha? Akala po ba si Sir AJ ang mayari ng restaurant na ito?"
"Silang dalawa! At ikaw, kunin mo na ang sahod mo at umalis ka na!"
"Pero Sir, wala po akong kasalanan, hindi ko naman po alam na mayari din pala sya, si Sir AJ lang po ang alam ko!"
Nakakaawa ang itsura ni Lara habang sinasabi nya ito, kaya naman si Raymond awang awa at hindi alam ang gagawin.
Nagaaral ng acting lesson si Lara at madalas nyang pagpraktisan ay si Raymond na madali nyang napapaniwala kaya madalas nyang natataksan ang mga mali nya.
Pero hindi naisip ni Lara, paano sya maililigtas ni Raymond kung mismong mayari na ang nagsalita?
"Okey Lara kakausapin ko si Sir Mel, mabait naman yun eh! Pero mas makakabuting duon ka muna sa loob ng locker room at huwag lumabas, okey?"
"Okey po Sir, salamat po!"
Buong ngiting sabi ni Lara na parang isang napaka among tupa.
'Haaay eto na naman si Sir Raymond ang daling mapaikot sa mga drama ni Lara!'
Pag akyat ni Mel sa taas hindi na nya napigilan ang mga luha nya na pumatak.
Bumalik sa alaala nya ang lahat ng kulitan nila dito ni Kate.
"Miss na miss na kita WifeyLabs! Miss na miss na kita!"
Umiiyak syang naupo sa upuan nya at duon nya nakita ang isang post it paper sa table nya.
Sulat kamay ni Kate.
`Hubbylabs, I'm here!`
(heart)(heart)(heart)
"Bago 'to ah! Nagpunta ba dito si Kate?"
Tok! Tok! Tok!
"Pasok!"
Si Raymond, may dalang tray.
"Sir Mel, eto na po ang kape nyo at blueberry cheesecake!"
"Raymond, nagpunta ba dito si WifeyLabs ko?"
Napaisip si Raymond.
'Wifeylabs? Mukhang si Mam Kate ang tinutukoy nya!'
"Yes po Sir, nung pong bago sya ....."
Hindi maituloy ni Raymond ang sasabihin at kita nito ang lungkot sa mga mata ni Mel.
"... pero saglit lang po sya.
Ay may bilin po sya, meron syang iniwan na gift nya dyan po ata nilagay ni Sir AJ sa loob ng cabinet!"
"Gift?"
Nagtungo si Raymond sa cabinet at kinuha ang sinasabi nyang gift.
"Eto po Sir!"
Agad na binuksan ni Mel ang kahon na naglalaman ng ultrasound ng baby nila.
Inilihim ito sa kanya ni Kate at iniwan dito, pero bakit?
Nakita nya ang note sa ibaba.
`Just in case na makalimutan kong sabihin sayo! (Smiley face)`
Hindi na napigilan ni Mel ng mapahagulgol.
Awang awa naman si Raymond kay Mel.
'Jusko naman paano ko sasabihin sa kanya ang pakay ko? Haaay!'
Wala syang nagawa kundi iwan ang nanangis na si Mel.
Dinig ng lahat sa baba ang pananangis na iyon at maging sila ay nalungkot din at ang iba ay naiyak pa.
"Jusko naman nakakaawa naman sya!"
*****
Pero hindi lang sila ang nalungkot sa panaghoy na iyon.
Sa isang maliit na isla malayo sa Maynila ay may isang babaeng matagal ng nakahiga sa kama. Nakapikit ito at wala pa ring malay.
Makikita sa gilid ng mata nito ang mga luhang tumutulo na tila nadinig din nya ang pananangis ni Mel.