Télécharger l’application
53.24% There is US not You and I / Chapter 82: Bakit Ayaw Pa Nyang Umalis?

Chapitre 82: Bakit Ayaw Pa Nyang Umalis?

Kumikislot kislot si Mel. Para itong isda na tinanggal mo sa tubig, pumapalagpag.

"Anong nangyayari sa kanya?"

Tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam?"

'Nasobrahan ko ba ng lagay o kulang pa?'

Nalilito si James.

Agad na tiningnan ni Vicky ang pasyente at si James .... muling kumuha ng likido at inilagay ulit sa swero.

Samantala sa labas...

"Kate MyLabs, gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?"

Naramdaman ni Kate ang haplos ni Mel na paulit ulit nyang ginagawa.

"Mmmm..."

Ganito rin ang ginagawa ni Mel sa kanya dati pag naglalambing sya. Humihiga ito at ginagawang unan ang hita ng asawa.

Pero this time hindi sya sa hita ni Mel nakaunan kundi sa Mommy nya.

Naalala nya bigla ang boses ni Mel na kinakanta ang paborito nitong kanta, 'Ako ay may lobo.'

"Pagtyagaan mo lang ang boses ko ha..."

"Ako ay may lobo

Lumipad sa langit ...."

Nangingiti si Kate habang nararamdaman nya ang presensya ni Mel pero nababagabag pa rin ang puso nito.

'Bakit ba ayaw pa nyang umalis? Kailangan na sya ng katawan nya!'

'Pinipilit ko namang maging okey eh!'

Kinuha ni Kate ang cellphone at pinatugtog nito ang paborito nilang kanta.

Napansin ito ni Mel.

"Oh, nagsawa ka na agad sa boses ko?"

"Okey lang basta ma relax ka, My beautiful WifeyLabs!"

"Mukhang kailangan ko ng magaral ng bagong kanta para kakantahin ko sa'yo pag nagkita ulit tayo!"

At dumaloy ang musika sa gitna ng katahimikan.

"Sabi nila balang araw darating

ang iyong tanging hinihiling ....

At nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli...

Ang pagasang nahanap ko

sa 'yong mga mata

At ang takot sakali mang ika'y mawawala...

Hindi pa natatapos ang kanta nakatulog na si Kate.

"Mukhang na rerelax na ang WifeyLabs ko, nakatulog na ata!"

"Oras na siguro para umalis."

Hinalikan nito di Kate sa pinsgi.

"Kayo na pong bahala sa kanya Mommy Pretty."

***

Sa loob ng OR

"James ano ba?"

Suway ni Vicky kay James na patuloy pa rin sa pag lagay ng likido sa dextrose.

Hindi sya pinakikinggan nito hangggang sa kumalma si Mel.

"Tingnan mo ang heartbeat nya!"

Sumunod si Vicky kahit na flatline pa rin ang nakikita sa monitor.

Natataranta na ang paligid. Nagpapalitan na lang ng mga tingin.

'Ano bang pinaggagawa ng dalawang 'to?'

'Malay ko!'

'Naglalaro ba sila?'

'Nakakabaliw na sila!'

Patuloy lang sa pakikinig sa stethoscope si Vicky na parang may hinahanap o hinuhuli.

Napansin din nitong nawala na ng bleeding sa ilalim ng puso ng pasyente.

"May nadinig ako, pero mahina! Pahapyaw lang!"

Nangiti si James at napakunot naman ang mga mata ng mga nasa paligid nila.

"Huh?"

"Ano daw?"

'Anong pinagsasabi ni Dr. Vicky eh naka flatline na nga!'

"Diba zero a rin yung nasa monitor ....?"

Maya maya biglang may isang linya na umangat tapos flat line ulit

"T-T-Teka, nakita nyo ba yun?"

"Oo! May tumalon na linya!"

'James...'

Muli itong nag flatline nalungkot si James.

"Oh? Ano naman ang nangyayari?"

"Ewan ko, diba dapat masaya dahil may tumalon na linya, ibig sabihin may pag asa pa si Chief?"

Umiling lang si Vicky.

Flatline pa rin kasi.

Napaluhod sa isang tuhod si James. Marahil dahil sa sobrang pagod at pati na rin ang sobrang sama ng loob.

'Bakit sa Prinsipe gumana ng ginawa ko 'to?'

'Anong mukhang ihaharap ko kay Kate?'

'Hindi kaya dapat sa bibig ko padaanin?'

Muli syang tumayo at kinuha ang natitirang likido at dahan dahan itong ipinainom kay Mel.

"James?!"

'Jusmiyo itong taong ito, hindi pa ba tapos sa pag eexperimento nya?'

"James ano ba? Tumigil ka na?"

"Hindi pwede! Hindi ako pwedeng tumigil!"

"Pero James, kahit na mabuhay si Mel, may posibilidad na maparalyze ang buong katawan nya dahil tinamaan ang spinal cord nya!"

"I don't care basta buhay sya!"

Singhal ni James

Inis man si Vicky pero wala syang magawa. Batid nya ang dahilan kaya ito nagkakaganito.

"Haaay naku! Bakit ba kayo nagbabangayan dyan? Para kayong aso't pusa!"

Sabi ni Mel ng makita sila.

"Jusmiyo! Anong ginawa ninyo sa katawan ko?!"

Dalawang capsule na ang naubos ipainom ni James kay Mel, pangatlo na ang hawak nya.

Dahan dahan kung ilagay ito ni James, sinisuguro na maiinom ni Mel.

Maya maya....

TUT.....

Sabay sabay napatingin ang lahat.

TUT.... TUT....

"Ayun! Nadinig ko na ulit ang tuttut!"

At hindi lang isa parami na sya ng parami!"

"Hahahaha!"

Doc. bumabalik na po sa normal ang vitals ni Chief!"

*****

Sa Luntian Forest.

Kanina pa sila paikot ikot sa west side ng forest kung saan naroon si Arik at nagtatago pero hindi pa rin nila makita.

"Elly, sigurado ka bang narito ang taong yun?"

Naiirita ng tanong ni Gen. Malvar.

"Yes Sir, may nakakita po sa kanya na pumasok sa lugar na 'to pero ...."

"Pero nasaan? Kanina pa tayo paikot ikot sa lugar na 'to! Wala ka na bang ibang paraan para mahanap sya?"

"Meron Sir, pwede nating hanapin sa CCTV!"

"Pero professional ito, alam nya kung paano iiwasan ang mga ganitong uri ng security!"

Kinuha ni Elly ang dalang tablet at hinanap ang Surveillance camera ng lugar.

"Papaano ka nakakakonek eh wala naman signal dito?"

Nagtatakang tanong ni Gen. Malvar.

'Ito si General daming tanong?'

"Sir, si BigBoss na lang po ang tanungin nyo sya po kasi ang nag program ng security dito."

Napataas ang kilay ni Gen. Malvar.

'Na cu-curious na ko sa BigBoss na yan!'

Ipinakita ni Elly ang kuha ng CCTV.

Nakita ngang pumasok si Arik dito pero pagkatapos nun ay nawala na ito, hindi alam kung saan napunta.

"Anak ng teteng! Hindi ba multo yang sinusundan nyo?"

Bulalas ni Gen. Malvar.

Napalunok si Elly

'Mukhang kailangan ko ng puntahan si BigBoss!'

'Kailangan kong maireport sa kanya agad ito!'

*****

Samantala.

Nakarating na sa Arritaou si Prince Tobias.

"Finally your home!"

Sabi ng father nya ang hari ng Arritaou.

Tuwang tuwa ito at naiiyak pa ng makita ang anak na may malay na at naglalakad na.

Inakap nya ito.

"Father, we need to help my friends, they are in danger!"

"Don't worry I'll already talk to their president and he told me what we should do."

"But ... "

"Don't worry too much my son! You just need to rest and never ever tell anyone where you came from or they will be in more danger. Understand?"

"Yes Father!"

At bago nga sumikat ang araw may inilabas nga na statement mula sa gobyerno ng Arritaou na nagsasabi na may malay na si Prince Tobias at nagpapagaling ito sa isa sa mga isla ng Arritaou na rest house ng Royal family.

Pinabubulaanan din nila ang kumakalat na balita na umalis ito ng bansa at nagpunta sa Pilipinas.

"The Crown Prince's condition doesn't allow him to travel that far."

Napuno ng ingay ang socmend. Nagkalat kasi ang balita na may kasama pang pictures ng Prinsipe.


L’AVIS DES CRÉATEURS
trimshake trimshake

The lyrics is from the song "Ikaw at Ako" by Ms. Moira dela Torre

thank you!

next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C82
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous