"Miss Karina, I suggest we go back to the hotel. Gumagabi na po at kanina pa ninyo pinauwi ang lahat."
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kawalan sa kabila nang sinabi ni Celeste. Ilang oras na rin kaming nakaupo lang sa labas ng mansiyon ni Cholo at nakasandal sa nakasaradong dambuhalang pinto ng mansiyon.
Nagulat na lang ako nang pagkatapos kong magbanyo ay hindi ko na makita ang mga bagahe. Iyon pala ay ipinalabas uli iyon ni Cholo. Hindi pa siya nakontento at pati ako ay ipinakaladkad niya palabas kasama ang iba pang natitirang mga gamit ko.
I'm not surprised by his actions at all. In fact, even before coming home, I know that I'll be having my biggest problem in dealing with him. And I also know that once I got my hands wrapped around him, everything will be smooth sailing from then on.
"Celeste, do you think it will rain?"
Nilinga nito ang langit na tinititigan ko.
"Mukha nga po. May namumuo pong madilim na ulap."
Inayos ko ang pagkakasandig sa likod nang nakasarang pinto ng mansiyon.
"You're right. And the bones in my knee ache. That means it will rain. Umalis ka na bago pa umulan. Use my car."
"I will not leave you alone here, Ms. Karina. Kung aalis man po ako, kailangang kasama po kita."
I chuckled. "Silly girl. Do you think I will shrink away just because of this? I'm not that kind of woman, Celeste."
Naglabas ito ng isang panyo at inilagak sa semento. Inalalayan niya akong umupo rito.
"Hindi po, Ms. Karina. Matagal ko na pong alam na napalakas niyo pong babae. Kung hindi ay baka hindi niyo po natagalan ang Chairman."
Napangiti ako sa alaala ng taong binanggit nito.
"Oh, that beast of a man. He knows how to crush a man's spirit."
Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Malapit nang mag-alas singko pero hindi pa rin umuuwi si Cholo. Bago ito umalis kaninang palayasin niya ako, he made sure to drill into my head that I should be gone when he comes back.
As if I am that easy to get rid of.
"Celeste."
Agad itong tumayo at inilabas ang cellphone.
"I'm hungry and bored. I need you to get me a buffet here with all the caterer and all the other stuff. And I also need some lounge chairs and a generator to fuel this all up. Maybe add some band. Yeah! I like that and wines! Lots of wines. I need some good drink for today."
Habang i-ni-enumerate ko ang mga gustong mangyari ay isa-isa nang tinatawagan ni Celeste ang mga taong dapat tawagan. The way she works is admirable. The very reason why I wanted her.
"And don't forget the clowns, darling. The scarier they are, the better!"
"Copy, Ms. Karina."
Isang oras lang ang lumipas ay dumating na ang banda kasunod ang buong staff ng sikat na catering service ng lugar. Sumunod ang generator, ang aking upuan, at panghuli ang mga clowns na naka-black lahat.
In a matter of minutes ay nag-transform ang harapan ng mansiyon ni Cholo sa isang munting kakaibang party. Nagsimulang tumugtog ang banda habang nakahiga ako sa lounge chair at umiinom ng paborito kong alak.
Pinatigil ko ang mga staff at clowns sa kanilang ginagawa at inutusan kong makisabay sa munti kong kasiyahan. Nag-atubili pa ang karamihan sa kanila pero tinakot ko kaya wala silang ginawa kundi uminom at makinood sa banda.
Nag-request ako nang panibagong kanta saka tumayo sa ibabaw ng mesa na may mga ulam at nagsimulang sumayaw.
Si Celeste na nasa gilid ay panay na ang pakiusap at pinapababa ako pero hindi ko siya pinakinggan.
Suddenly, a car parked violently on the driveway and out came Cholo who was raging in anger based on the color of his face and the clenching of his jaws.
Mas lumapad ang ngisi ko sa mga labi nang batuhin niya ako nang matalim na tingin bago inilibot ang tingin sa paligid.
"Everyone! Let me introduce to you my husband, Cholo Gastrell. Come on, hubby. Let's dance." Itinaas ko ang baso sa ere saka inubos sa isang inuman.
Naghiyawan ang lahat at inuudyukan pa nila si Cholo na sabayan ako pero marahan itong ngumiti at umiling. Naglakad ito palapit sa mesa na kinatatayuan ko at inilahad ang palad sa akin.
"I want to talk to you," ani nito sa boses na nagpipigil ng galit.
"Why? I'm still having fun. Do you like my party? It's colorful. See that black clown there? That's the most colorful clown I've ever seen in my entire life."
Huminga nang malalim si Cholo at namewang. Kitang-kita ko na ang frustration at galit sa mukha nito kaya naman nagdiriwang talaga ang bawat himaymay ng katawan ko.
"Karina, are you enjoying this?" tanong nito maya-maya.
Umupo ako sa mesa at nilaro sa kamay ang hawak na baso.
"Of course. The party is great. Ikaw ba? Nag-e-enjoy ka ba? Come on husband. Indulge your wife. Have fun with us! Tingnan mo silang lahat, oh. Ang saya-saya. Come on!"
Walang babalang pinasan ako ni Cholo pababa sa mesa at tuluy-tuloy na ipinasok ako sa pinto ng mansiyon na binuksan ng isang unipormadong katulong.
Naghiyawan naman ang mga tao na ipinagkamali pa yata ang nakitang eksena. Itinaas ko ang kamay sa kanila at kumaway.
Ipinasok ako ni Cholo sa sala ng mansiyon at patapon na binitawan ako sa sofa. Nabasag ang baso na hawak ko nang mabitawan ko ito dahil sa ginawa ni Cholo sa akin.
"You wasted my good glass," nanghihinayang na saad ko habang nakatitig sa mga bubog sa sahig.
"To hell with that glass! What were you doing?! Ang sabi ko umalis ka hindi magpa-party!" sigaw nito.
"Bakit? Pumayag ba akong umalis? Bakuran mo na nga lang ang hiniram ko, ipagdadamot mo pa. I'm your wife, remember?"
Inilang-hakbang ni Cholo ang pagitan namin at hinawakan ako sa mga balikat para sapilitang itayo.
"I'm not joking, Karina. Get your ass off my house and out of my life. Don't make me repeat my words. I'm not a patient man, Karina."
Sinalubong ko ang nagbabagang mga mata nito. Hindi nga ito nagbibiro dahil kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito.
"I can see that you're not joking. Kitang-kita ko ngayon so why can't you see that I'm also serious with getting back with you, Cholo. Don't make me also repeat my words. I. Want. You. Back. Got it, hubby? Hmm?"
Nginitian ko siya bago ako kumawala sa hawak niya. Pinakawalan naman niya ako.
"Why are you doing this, Karina? Bakit ba ang hilig mong manggulo ng mga buhay?"
Umupo ako sa sofa at dumekwatro.
"Manggulo? Kailan pa panggugulo ang pagtira sa bahay ng sarili mong asawa? Tell me, Cholo."
Tinitigan niya ako mula sa kinatatayuan nito bago ito mapait na ngumisi at umiling.
"You will never get my money, woman."
Ngumisi rin ako nang mapait. "I don't need your money, Cholo. I only wanted to live in this house with you. Masama ba iyon? Asawa mo ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit itinataboy mo ako."
Tumawa si Cholo nang nakakaloko sa akin. I was caught off guard for a moment while staring at him to tell to myself that he really looks so good despite the years. In fact, he aged like a fine wine. He looks more mature now, his eyes are no longer that of a rebellious bad boy but a confident stalwart man of power.
His jet black long hair reminds me of the time when I would cling to it while he lapped me ferociously. And then after I'm done, he'll look at me hungrily like a lion to his innocent prey. I still remembered how his gray eyes look like dead stars under that dim light. I watched him then with astonishment and put him in the pedestal of my dreams.
"I don't want you in my life at all. Expect the papers tomorrow for the annulment. And I want the people outside out in a minute or else..."
"Or else what?" hamon ko rito. "You'll drag me away in front of them? Can you really do that, Cholo? You can't even publicly humiliate me dahil kalat na sa buong Cerro Roca na nagbabalik na ako, ang asawa mo. You can't afford to taint your reputation now lalo na at tatakbo sa election ang pinsan mo." Humalukipkip ako. "And I don't like what you did with my luggages. They're precious to me! You do that again and I'll make a scandal. Yung kanina? Sample lang iyon. I'm just giving you a glimpse of what I can do, Cholo. I could do more atrocious things than that. So, you better treat your wife better this time."
Tumayo ako at nginitian ito na madilim pa rin ang bukas ng mukha.
"For crying out loud, will you please get rid of that grim on your face?" ani ko rito.
Cholo's face got darker. He crossed his arms and leaned on the sofa.
"You must have forgotten, woman, the dirt you left behind. And need I say more who you are talking to now? I can always turn that up against you," banta nito.
Sandali akong natigilan sa talim ng boses nito na para bang nasaktan talaga ito sa kung anumang ginawa ko noon.
"Cholo, you must be forgetting that you are talking to a new Karina in front of you. Don't make unintelligible remarks."
Ibinigay ko ang pinakamalapad na ngiti ko sa kaniya pero ni hindi ito natinag.
"Then it's time to dig it up again, woman. You're right. My hands are tied because of the situation but a scandal is a scandal. Hindi ko kailangang humukay nang ganoon kalalim para may makuha ako. I'm quite sure you also have skeletons in your closet in the last years."
"Well, I say keep digging diligently but just a precautionary measure, guard your heart. You really wanna go there? Baka kapag nalaman mo, umiyak ka lang."
Nagpalakad-lakad ako sa harapan niya habang inililibot ang tingin sa napakalaking sala.
"My, my, my. This house badly needs a touch and warmth of a woman. Good thing I'm here."
Pinagtuturo ko ang mga muwebles na sa tingin ko ay hindi bagay sa ambiance na naiisip ko para sa bahay.
"Your furniture looks old and the drapings! Seriously? Your interior designer needs to be fired immediately!"
Nagpatuloy lang ako sa panlalait at pagbubunganga sa kung anumang makitang kapintasan ng mata ko habang kita ko sa peripheral vision na sinusundan ako ng tingin ni Cholo.
Narinig ko ang paghugot nito nang malalim na hininga bago ito nagsalita.
"Ano ba talaga ang kailangan mo, Karina? May dahilan ka kung bakit ka bumalik. What do you really want?"
Tumigil ako sa paglilibot ng tingin sa paligid at nagkibit ng balikat.
"Can you really give me what I wanted?"
Hindi kumibo si Cholo.
"I want you nga uli. I want to be your wife again," nakalabi kong tugon.
"I don't believe you. Dati pa man ay may kakaiba na sa iyo. Malas ko nga lang at ako ang unang lalaking nahulog sa patibong mo. I will find out soon why, Karina."
Tumayo ito at naglakad patungo sa hagdanan.
"One more thing. Wala kang gagalawin ni isang bagay sa pamamahay ko. Si Elizabeth lang ang binigyan ko ng karapatan na baguhin ang anuman sa bahay na ito."
Nag-iinit ang mukhang napakurap ako sa sinabi nito. Nakaramdam ako nang kaunting sakit pero hindi ko ito ipinahalata. Sa halip ay lumaban ako ng titigan kay Cholo at itinaas ang mga kamay.
"Correction, Cholo. Our house. And Elizabeth will have nothing to change in this house because she will never be your wife because I'm not letting you go. Never in your wildest dreams. Let her wait in vain because you are the last thing I wanted to lose in this lifetime."
Ngumisi ito at namulsa. Pinasadahan niya muna ako nang nanunuyang tingin bago ito nagsalita.
"Said the woman who broke our marriage first."
Tuluy-tuloy na inakyat nito ang hagdan habang naiwan akong natitilihan at gulung-gulo sa huling mga salitang binitawan nito.
"No one broke our marriage, Cholo. It was already broken to begin with," bulong ko habang kagat ang labing nakatitig sa kawalan.