Télécharger l’application

Chapitre 37: Chapter 36

Unti unti itong lumuwag at agad akong niyakap ni Kuya na siyang ikinagulat ko nang husto.

"A-any problem K-kuya?" Nauutal pa rin na sambit ko at narinig ko pa ang paghikbi nya sa balikat ko na para bang nagsisimula nang umiyak.

"P-patawarin mo ako." Ani Kuya Aldrei na tumunaw naman sa puso ko at niyakap pa ako lalo ng mahigpit.

"Matagal na kitang pinapatawad Kuya." Pilit kong hindi maiyak sa eksena naming ito ngayon ng dahil nasa tapat na kami ng bahay.

"I love you, My Princess."

"I love you too, Kuya."

Hinalikan ako nito sa noo na may malaking tuwa sa kanyang mga labi ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata na aking ipinagtaka.

"K-kuya." Tawag ko sa kanya

"Yes?"

"N-nothing." Pag iling ko agad kahit gusto kong tanungin siya kung bakit parang may kulang pa rin sa kanya. Ngunit hindi ko na magawang itanong dahil hindi ko na kailangan dapat problemahin iyon.

Sabay kaming lumabas ni Kuya sa kanyang sasakyan at naka abang ang mga magulang namin at tuwang tuwa akong niyakap ni Mommy at Daddy dahil sa kanilang panandaliang pagkawala.

"Where's Aiseline, Mom?" Tanong ko na ikinatigil nila ngunit lumapit naman si Ate sa akin.

"May kikitain daw sya sa airport."

"What?" Sabay naming sambit ni Kuya

"Yes My dear Brother and Sister, but don't worry.. babalik naman si Aiseline dito." Pag kindat samin ni Ate Yvonne at nagkibit balikat na lamang ako.

Nang mabilisang matapos kumain ay napag alam na akong aakyat ng kwarto at hinalikan ko pa si Kuya sa kanyang pisngi bago umakyat.

Laking tuwa ako at laking tuwa rin nila nang magka ayos kami kaya naman tinext ko ang kaibigan ko na si Krisha at Chloe na nagkaayos na kami at magkita na lang kami sa Coffee shop bukas dahil wala namang pasok.

'Riinngg."

"Hello? nasaan ka?" Inunahan ko na sya

"Hey what's up, sorry hindi na ako nakapag paalam sayo bhie, dahil may kinitaan lang ako." Kumunot naman ang noo ko doon

"Pinagloloko mo ba ako?!" Asik ko

"No no" She laughed. "I mean ughh fine, kasama ko na si Desiree ngayon." Pagtili nya sa kabilang linya at kamunti muntikan ko nang maihulog ang cp ko at nagtatatalon na rin ako sa kama.

"O m g! Really?!"

"Yeaaa.. hey desiree, come on and talk! Alam kong hindi ka pipe!" Sigaw ni Aiseline na ikinatawa naman naming dalawa.

May narinig pa akong hampas bago ibigay ito kay Desiree.

"Hello?" Napairap na lang ako dahil para bang nagtatanong ito.

"I missed you Desiree!!.." Excited na sambit ko at ikinagat pa ang kuko.

"Ok." Lintikan kana!

"Heyy! otw na kami dyan, abang kana lang sa gate nyo.. bye bye." Agaw ni Aiseline sa phone nya at agad pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako at napasimangot sa lintik na sagot ni Desiree. Parang palaging tamad na magsalita.

Tiningnan ko ang phone ko kung may nag message ba ngunit hindi ako nag tagumpay at kahit anong saya ko pa ay kung meron namang kulang sa akin ay hindi pa rin magiging totoo ang saya ko sa iba.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C37
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous