Télécharger l’application
84.61% THE RUN AWAY WIFE / Chapter 11: Eleven: GIVEN's PLAN (CIP)

Chapitre 11: Eleven: GIVEN's PLAN (CIP)

Walong taon na rin ang matuling lumipas. Marami nang nangyari mula noon, marami na rin ang nagbago sa buhay ni Given.

Maliban lang sa kanyang paghahanap ng isang tunay na pagmamahal ay nanatiling puno pa rin nang kabiguan.

Kaya naisip n'ya, bakit pa ba s'ya maghahanap?

Hindi naman n'ya kailangan ang lalaki sa buhay niya.. Mabubuhay naman s'ya kahit pa wala s'yang lovelife! Ang madalas ikatwiran ng sawi niyang puso.

Dahil sa paglipas ng mga panahon unti-unti na niyang natutunang tanggapin ang lahat ng kabiguang ito sa buhay niya.

Siguro talagang ganito ang buhay lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili. Lagi niyang sinisikap na maging positibo sa lahat.

Sabi nga nila may mga bagay lang talaga na hindi para sayo. Pero sa kabila nito may mga magagandang bagay pa rin na mangyayari sa buhay mo.

Kagaya na lang ng magandang takbo ng nasimulan na nilang negosyo ni Katrina. Kaya kahit pa malas s'ya sa lovelife, swerte naman s'ya sa Business. Isa na lang talaga ang kulang sa buhay niya.

Isang pangarap na matagal na niyang ninanais at pagkakataon na lang ang kailangan.

Konting panahon na lang naman ang kanyang ipaghihintay at matutupad din niya ang lahat ng kanyang mga plano.

Magiging masaya at kuntento na siya sa oras na maisakatuparan niya ang lahat..

Bahagya pa niyang hinawakan ang kanyang puson na tila ba siya lang ang taong naroon. Wala s'yang pakialam sa nakakakita. Ano bang pakialam at malay nila kung masakit lang ang aking tiyan. Walang basagan ng trip katwiran pa ng rebelde n'yang isip.

Hindi n'ya alintana ang nasa paligid. Habang nakasakay siya sa isang pampasaherong jeep ng mga oras na iyon. Pauwi na s'ya sa kanilang apartment.

Dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Mula pa kanina ng manggaling siya sa isang OB'gyne. Para na siyang nakalutang sa saya!

Mukhang umaayon na kasi sa mga plano niya ang lahat. Ang sabi ng Doctor wala naman daw magiging problema.

Basta susundin lang ang proseso okay na. Meron naman na rin naman siyang ipon kahit paano. Kaya kung tungkol sa gastos wala namang problema.

Kaya nga naisip n'yang next year na lang s'ya bibili ng sarili n'yang sasakyan. T'yaga-tyaga muna s'ya sa commute.

Makalipas pa ang ilang saglit nasa apartment na siya.

Pagbaba niya ng sasakyan, saglit muna s'yang huminga. Bago pa niya binuksan ang pinto. Alam kasi n'ya na nasa loob na ang pinsang si Kat at sigurado s'ya na mapapalaban na naman ang kanyang tenga.

"Oh! Given bakit nandito ka na, hindi ba may date ka ngayon? Ang aga pa ah! Huwag mong sabihing iniwan mo na naman ang ka-date mo?" Eksaherado nitong saad.

Sunod-sunod rin ang naging tanong nito ng wala man lang pasakalye. Grabe talaga ang bokador ng babaing ito pagdating sa pagdidiwara sa kanya. Alanganin tuloy s'yang ngumiti.

Ang totoo sinadya n'yang hindi siputin ang lalaking ka-date sana n'ya kanina. Matagal na rin itong umaaligid sa kanya.

Actually hindi lang naman ito ang unang beses na inimbita s'ya nitong lumabas. Ito na ang pangalawang beses, hindi n'ya kasi nagustuhan 'yung una.

Nalaman kasi n'ya na may kayabangan ito at kasamaan ng ugali. Kahit pa gwapo naman ito at mayaman, hindi pa rin nito p'wedeng takpan ang tunay nitong pagkatao.

Kaya kahit hindi n'ya ito gustong saktan. 'I think this is the best for him.' bulong pa n'ya sa isip. Mas mabuting malaman na nitong hindi n'ya ito gusto habang maaga pa...

Kaysa paasahin pa niya ito ng matagal. Sorry na lang siya! Dahil hindi s'ya naniniwala na, pwedeng magmagic ang pag-ibig sa pagitan nilang dalawa..

Kalokohan!! Sigaw ng isip niya.

Bago pa s'ya nagsalita.

"Hindi ah! Pero h'wag kang mag-alala hindi ko siya iniwan. Dahil hindi ko naman siya sinipot. Magkaiba ang iniwan sa hindi sinipot, hindi ba?" Nakangiti pang sagot niya sa pinsan.

"Ano! Bakit mo ginawa 'yun? Luka luka ka talaga!" Sabi nito sa kanya na napapailing.

Madalas nitong sabihin sa kanya na nagiging sobra na daw s'yang choosy pagdating sa boys. Kaya daw nahihirapan na s'yang maghanap ng boyfriend.

Ang totoo hindi n'ya alam kung ano talaga ang kahulugan ng pagiging choosy sa iba. Basta ang alam lang n'ya, ayaw lang n'yang pumulot ng bato na ipupukpok lang n'ya sa sariling ulo.

Kaya hindi naman talaga s'ya masidhing maghanap ng boyfriend. Lalo na kapag nagawa na niya ang mga plano niya sa buhay.

Pero hindi pa rin naman n'ya isinasara ang pintuan ng kanyang puso. Para sa mga makukulit na aplikante. Pero s'yempre nakadepende pa rin ito kung makakasundo niya.

"Kaya kapag hinanap niya ako dito sabihin mo wala ako. Hindi na ako dito nakatira umuwi na ako ng probinsya, okay? Basta bahala ka na! Sabi ko kasi nag-eeLBM ako kaya hindi ako makakarating." Paliwanag niya.

"What?" Gulat na sabi ni Kat.

Magsasalita pa sana s'ya ulit ng bigla na lang may kumatok...

"Tok, Tok!"

Nagkatinginan pa muna sila at saglit ring natigilan. Bago sila nakakilos, pero sa huli nagpasya rin si Kat na buksan na rin ang pinto.

Saglit siyang natahimik at hinintay kung sino ba ang papasok sa pinto. Pero ready to escape pa rin naman ang peg niya...

Dahil ano mang oras handa s'yang magkubli at magtago.

Ngunit nang tuluyang mabuksan ni Kat ang pinto. Nakahinga rin s'ya agad ng maluwag ng mabatid n'yang ang kanyang Tita Adela pala ang dumating.

Ang alam n'ya bukas pa dapat ang uwi nito. Pero narito na agad ang kanyang tiyahin. Umuwi kasi ito ng Bulacan.

"Oh! Ma' bakit nandito na kayo?" Narinig pa n'yang tanong ni Kat.

"Umuwi na ako nakakainip du'n, hindi kasi kayo kasama. Saka namimis ko na kayo."

Nakangiting sabi ng kanyang tita Adela.

"Si Mama talaga tatlong araw pa lang naman kayo doon. Nainip na kayo agad." Sabi ulit ni Kat.

"Hayaan mo na nasabi ko naman na sa kanila ang tungkol sa kasal mo." Sagot nito sabay upo nito sa sopa na marahil napagod rin ito sa mahabang b'yahe.

Malapit na kasing Ikasal ang pinsan niyang si Katrina sa long time boyfriend nito. Si Atty. Allain Peter Braganza. Isa itong Corporate lawyer na nagsisilbi sa ibat ibang kompanya. Nakilala ito ni Kat noon pang nasa Vista de Bay hotel sila.

Matapos ang dalawang taong pamamasukan nila sa Hotel. Umalis na rin sila dito at nagtayo na lang sila ng sariling negosyo.

Mula sa pareho nilang ipon, una silang nagsimula sila sa online trade business. Nagbebenta sila ng ibat-ibang Pastry Products, Cookies, Cupcakes at iba pang mga sweets products. Hanggang sa nakapagtayo sila ng sariling food shop.

Kung saan tumatanggap din sila ng mga catering services, cakes and pastries supply sa ibat ibang okasyon. Ngayon nga kinikilala na rin sila bilang Wedding Planner o Organizer.

Malaki ang naitulong ni Peter sa kanila. Para unti-unti ay makilala sila sa larangang ito. Ito kasi ang madalas nagrerekomenda sa kanila sa mga bigtime client's. Kaya naman gumaganda na, ang takbo ng kanilang negosyo. May ilang kilalang tao at personalidad na rin ang naging kliyente nila.

"Kumusta naman kayo dito. Ano iha nakahanap ka na ba ng boyfriend?" Baling na tanong sa kanya ng kanyang Tita Adela. Habang katabi na n'ya ngayon ito na nakaupo sa sopa.

"Si Tita talaga patawa! Tatlong araw ka lang nawala boyfriend agad!"

Sagot n'yang nakasimangot.

"Oh! Eh' bakit naman wala bang p'wedeng mangyari sa loob ng tatlong araw?" Tanong nito sa kanya.

"Hay! Naku Ma' asa ka pa, paano naman magkaka boyfriend 'yan e. Tinatakbuhan nga ang mga manliligaw niya katunayan nga kanina ng kumatok ka. Akala nga namin ikaw 'yung ka date n'ya." Natatawang kwento pa ni Kat sa ina nito.

"Iha nagkakaidad ka na. Gusto mo bang kung kailan matanda ka na saka ka pa lang mag-aasawa? Mahirap tumandang mag-isa." Sabi ng kanyang Tita Adela.

Matagal na nitong sinasabi sa kanya na huwag daw s'yang magpapaka-tandang dalaga. Alam naman n'yang gusto lang nitong maging masaya siya tulad ng kanyang pinsang si Katrina.

"Tita hindi ako nag-iisa nariyan ka pa oh? At saka magkakaanak pa ako." Sagot niya sa tiyahin.

"Ano at paano ka mag-kakaanak kung wala ka namang asawa? Hindi nanganganak ang virgin iha." Tanong at sagot nito.

"Hindi rin pwedeng mag-ampon ang single pa." Dagdag pa ni Kat.

"Hindi nga ako p'wedeng mag-ampon kaya iba na lang ang naisip kong gawin. May naisip na kasi akong ibang paraan para magkaanak ako." Sabi n'ya at bahagya pang ngumiti upang mas pagaanin ang sitwasyon.

"Anong binabalak mo?" Si Kat na halatang curious at naguguluhan.

"Iha legal ba 'yan, hindi mo naman siguro iniisip na gumawa ng masama di ba?" Ang Tita n'ya na mukhang nag-aalala.

"Tita naman.. Kahit desperado na ako hindi naman ako mag-iisip ng ilegal. Wala naman sigurong masama kung gustuhin kong magkaanak sa kahit anong paraan. Dahil katawan ko naman ito." Tahasan n'yang saad sa mas matatag na salita.

"Anong ibig mong sabihin?" Agad na tanong ni Kat nasa mukha nito ang kagustuhan na malaman na agad ang pakahulugan ng kanyang sinabi.

"Actually, nakapagtanong na ako tungkol sa proseso. Medyo mahal nga lang... Saka nakapag-patingin na rin ako. Ok naman daw ako sabi ng OB ko normal at malusog naman daw ang matris ko at walang problema. Kaya pwedeng pwede pa akong magkaanak..."

Sadyang ibinitin muna niya ang pagsasalita. Then she said..

"Sperm donor na lang daw ang kulang para sa procedure ng child insemination pregnancy."

Dugtong pa niya...

"What?! Sinasabi mo bang... OMG!" Gulat na bulalas ni Kat.

"Wala naman sigurong masama sa gusto kong gawin, hindi ba? Hindi naman ako makakasakit ng iba. Marami naman na ang gumagawa ng ganito. Hindi lang naman ako ang una. Kaya anong nakakagulat du'n! Ako naman ang magbubuntis at magdadala nito sa sarili kong katawan. Masama bang hangarin kong maging ina, kahit wala akong asawa?"

Dahil kahit naman hindi pa s'ya mag-asawa gusto pa rin naman n'ya ang magkaanak.

"Pero Iha, sigurado ka na ba talaga d'yan?" Seryosong tanong ng kanyang tiyahin.

* * *

By: LadyGem25 ❤️


L’AVIS DES CRÉATEURS
LadyGem25 LadyGem25

Hello,

Sana nagustuhan n'yo ang chapter na ito...

Abang-abang lang po sa mga susunod pang chapters!

Pero sana h'wag n'yo pong kalimutang mag...

VOTES, COMMENTS AT SANA LAGYAN N'YO NA RIN PO NG RATES AT REVIEW.

MARAMING SALAMAT!!❤️❤️❤️

next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C11
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous