Chapter 3
Madilim ang buong lugar kung saan ako na ka-upo, tahimik rin ang buong lugar nang malalakas na tawa ang namayani sa buong lugar. Malalakas ang tawa nang mga kalalakihan na nag pakilabot sa buong balahibo ko sa katawan.
Marahas na hinila ko ang kamay ko mula sa likod ng isang mahapding bagay ang agad na pumunit sa balat ko, doon ko napansin na mahigpit na nakatali ang aking kamay at paa, mag-isa lamang ako sa kwarto at ang mga ingay ay na sa labas.
"tulong! Tulungan niyo ako!" takot kong sigaw at pinipilit na kuma-wala sa tali, pero kahit anong pag pupumiglas ko ay wala akong magawa.
"Gising na ang prensesa!" sigaw ng bagong pasok na lalaki, malaki ang kanyang katawan at may mahabang bigote sa kanyang mukha.
"Sino kayo?" kabado pero pinipilit kong lakasan ang aking boses.
"Gusto mo talaga kaming kilalanin?" sabay hagikgik nito. Isa-isang nag pasukan ang ibang mga lalaki sa loob ng kwarto at inalis ang pagkaka-tali sa kamay at paa ko habang ang lahat sa kanila ay may ngisi sa mga mukha.
"Wag! Please, wag po!" mabilis na sambit ko ng hawakan ng isang lalaki ang aking dibdib.
"Masa-sarapan ka naman ditto sigurado ako hahaha" mabilis na hinablot nito ang damit ko at sa lakas ay mabilis na napunit ang damit.
Wala akong magawa kundi ang umiyak habang yakap ang sarili na wala ng pang itaas na damit.
"Paraang-awa niyo na wag po!" umiiyak kong sambit ng isang malakas na boses ang tumawag sa akin.
"PREETS! WAKE-UP LOVE!" mabilis na na-imulat ko ang aking mga mata at isang nag-aalalang mukha ang agad na bumungad sa akin.
"Binabangungot ka na naman love, uminom ka muna ng tubig." Mabilis kong kinuha ang baso na nasa kamay nya at ininom ito ng diretso.
Paulit-ulit na naman ang masamang panaginip ang umaatake sa akin, simula bata palang ako ay ganito na lagi ang scenario sa tuwing magigising ako, laging may mga luha sa mata at sumisigaw ng saklolo sa nanay. Hindi mawala sa isip ko ang itsura ng lalaki, malinaw ang lahat at kung ikaw ang makaka-kita akala mo ay totoo ang lahat.
"Anong oras na?" tanong k okay kurt na ngayon ay umaalalay pa rin sa likod ko.
"8:30 Love, why?"
"Aalis kami ni Raven ngayon para pasukatan siya, remember siya ang gagawin ko made of honor." Tumango naman ito bago nilapag sa table ang dala pala nitong pag kain.
"Ako ang nag luto niyan, kumain ka muna bago umalis. Sasamahan na ko na kayo ni Raven." Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.
Marahan kong kinain ang pag-kain na nakahain habang sya ay naliligo, nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga bagay sa mga panaginip ko. Wala pa ni isa sa mga 'yon ang naging totoo at iyon ang laking pinag-papasalamat ko sa lahat.
Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni mama na sa tuwing mananaginip ako ng masama ay ipikit lang ng madiin ang aking mga mata at sabayan ng dasal sa panginoon. Hindi ko mapigilan ang panunubig ng mga mata ko, kung nandito at buhay pa sana ang pamilya ko ay sana may kasama akong mag diwang at may mag hahatid sa akin papunta sa altar.
"Love?" mabilis na pinunasan ko ang mga luha na lumandas sa aking pisngi bago hinarap si Kurt na ang tangin takip sa katawan ay tuwalya.
"Ayos ka lang ba? Sigurado ka na kaya mo gunalaw ngayong araw?" nag-aalala niyang tanong sabay hawi sa buhok na nakatabong sa mukha ko.
"Oo naman, ayos lang ako. Naalala ko lang sila mama at papa. Sigurado akong masaya na sila para sa akin ngayon. Masayang-masaya na ako sayo Kurt, salamat sa pag buo at pag-tanggap ng buong pag k-tao ko sa kabila ng inperfections ko sa buhay." Sabay halik sa kanya.
Hinding-hindi ako mag sasawa na mag pa-salamat sa kanya sa buong buhay ko. Siya ang nag-iisang tao na umintindi sa lahat ng ugali ko, sa lahat ng problema ko at tumanggap sa buong pagka-tao ko. Aamin ko nan g una ay nahiya ako sa kanya pati na rin sa pamilya niya dahil sino nga ba ako para mahalin ng isang Kurt Martias.
"Lulutuan na kita every morning ng breakfast para lagi mo akong lambingin haha." Pabiro niyang sabi kaya naman mabilis kong kinurot ang tagiliran niya na mas lalo niyang kinatawa sabay yakap sakin mula sa loob.
"Maraming humusga sa atin, marami tayong pinag-daanan na ayaw sa relasyon natin pero Preets. Love, hanggang nabubuhay ako at humihinga sa mundong 'to gagawin ko ang lahat para mapa-saya ka sa bawat oras na mag kasama tayo. Sigurado rin ako na masaya na ang tita at tito para sa ating dalawa. Promise, bubusugin natin nang pag-mamahal ang magiging anak natin at no favouritism para walang inggitan." Mahaba niyang bulong sa tenga ko.
Malaki ang ngiti na hinarap ko siya muli at hinalikan sa labi, ang swerte ko para mahalin ng isang Kurt Martias.
"Bawal din mag spoiled, okay?" tumango naman siya bago hinalikan ako sa noo.
His promises. Naniniwala ako sa lahat ng pangako niya dahil kahit gaano kahirap ay ginagawa niya ang lahat para masunod lang 'yon.
"Maliligo na ako, hintayin mo ako sa baba. Text mo na rin si Raven na sasama ka samin. I love you."
"I love you too."
Mabilis akong nag-ayos ng sarili para hindi na rin ma-traffic at pag hintayin si Raven sa kitaan naming, pag baba ko ay nakita ko si Kurt na nasa sala at seryosong nanunuod ng balita.
Ilang araw na akong nag stay dito sa condo niya, hindi naman umangal ang mga magulang nito at natuwa pa sa naging desisyon ko. Hindi na ako pinayagan ni Kurt na bumalik sa dati kong tinitirhan dahil sa nangyari at ang balita ko ay pinag-iinitan na rin ako ng mga chismosa ngayon dahil sa nangyari kay Mang Berting.
Hindi naging mabilis ang byahe katulad ng inaasahan ko, may traffic at ang iba naman ay nag-aaway na sa daan dahil hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Isang oras mahigit ay naka-punta na kami at wala pa si Raven non habang si Kurt ay busy sa pag kalikot sa Cellphone niya.
"Sorry im late!" giit ni Raven pag dating niya sa table, tumango nalang ako.
Nag kamay naman ang dalawa at nag ngitian pero halatang ilang si Kurt sa kanya, siguro ay dahil sa nangyari dati. Hindi ko rin masisi si Kurt kung galit siya dahil naging malaking epekto ang ginawa nila Raven sa akin during College days.
"Ayo slang, kakarating lang rin naming tsaka sobrang traffic ngayong araw. Tara na?"
"Tara!" masayang sang-ayon ni Raven.
Kita ko naman ang pananahimik ni Kurt simula ng dumating kami rito, kaka-usapin ko nalang mamaya.