Télécharger l’application
80% The Obsessions (Tagalog) / Chapter 4: Hands

Chapitre 4: Hands

EMN: binasa ko yung previous stories ko dito ang dami ko palang typo and wrong words na nainput, if I'm not procrastinating I'll fix it. Hahahaha. The key word is IF IM NOT.. Anyways let's roll!!

Warning: lahat po ng pangalan o pagkakatulad ng pangalan o sitwasyon ay di sinasadya ng epal na manunulat, nanghula lang po ako ng pangalan, wala na ko maisip kaya kung anu-ano nalang XD

Lauren Abueva, 18 years old, very intelligent girl, tall, athletic, with a very nice body but with an average look. Sya yung tipo ng babae na masaya kausap at kasama. Yung maganda sa unang tingin pero pag tinititigan plain lang pala ang itsura nya lalo na at matangkad sya pero parang lalaki manamit.

From the outside she looks like a tomboy, she never show interest in any guy. But there is one guy na di nya kayang balewalain, Mr. Howard Santos, the PE teacher and her instructor. For her, his teacher's hands are the only sexy part of his body. Ito lang ang bukod tanging gusto nya sa teacher, ang mga kamay nito. That's why she became obsess.

At first, she will do anything to make him hold her but nothing seems to work. Kahit sinasadya na nyang masaktan at masugatan sa mga training para lang alalayan sya ng teacher. Madalas nitong iutos sa mga schoolmates nya at kateam, na lalo lang syang nasasabik na maramdaman ang kanyang mga kamay, ang kanyang mga haplos.

Laura's POV:

"Ms. Abueva, focus. I know you can do better than this. Ano bang nangyayari sayo bakit ka ba nagkakaganyan? You are my star player." Sabi ni Howard habang paulit ulit iniikot ikot ang ballpen sa kanyang mga kamay.

"Ms. Abueva! Are you listening?" Pasigaw na sabi ni Howard saken kaya nawala ang atensyon ko sa mga kamay nya at napunta sa kanyang mga mata.

"Yes sir. From now I will do my best. I was just.." tumingin ulit ako sa mga kamay nya

"I was just distracted sir. I'm sorry. But it won't happen again." Sagot ko sakanya habang nakatingin sa ballpen. Hinawakan nya ang ballpen na yun kaya kailangan maging saken yun.

"Good. You're dismissed. I don't want this discussion again." Howard said at tumayo na sa kanyang upuan at may kinuha sa dulo ng faculty room. Kaya habang nakatalikod sya agad kong kinuha ang ballpen sa kanyang table at agad na umalis.

Di na ko pumasok sa natitira ko pang classes at agad na umuwi.

"Pa, meron ka po bang natitirang frame dyan?" Tanong ko sa aking ama na busy sa paglilinis ng kanyang mga garapon, ang kanyang mga collections.

"Tumawag ang school at sinabing distracted ka daw sa mga trainings mo. Something wrong anak?" Tanong nya

"Okay na po Pa, medyo fatigue lang lagi sa school. Pero ngayon okay na talaga." Paliwanag ko kay Papa.

"Okay. Patingin nga ako nang ilalagay mo." Sabi ni Papa na di pa din inaalis ang tingin sa kanyang ginagawa.

"Ballpen lang Pa." Maiksi kong sagot

"Ballpen lang. Tsk?! Sayang ka sa frame, meron dun sa cabinet sa tool shed. Bahala ka na mamili." Tumango ako at akmang aalis nang magsalita muli si Papa.

"Laura, I expect great things from you anak. Wag mo sana akong biguin." Sabi ni Papa at tumingin saken ng nakangiti. Alam kong proud na proud saken si Papa. Tinanguan ko sya at ngumiti. Dalawa lang kami ni Papa ang magkasama sa bahay. Namatay na kasi si mama nung 2 years old palang ako.

Nang makahanap ako ng perpektong frame ay agad akong pumasok sa bahay at umakyat sa aking kwarto. Maingat kong inilapag ang ballpen sa loob ng frame. Nilagyan ko nang date sa gilid at ng pangalan ni Howard.

Perfect!

-the next day-

Buong gabi akong gising sa kakatitig sa ballpen na hinawakan ni Howard. Tinatamad akong pumasok pero naiisip ko baka may hawakan ulit si Howard. Kailangan maging saken ulit ang bagay na yun. May pagkaclean freak at germaphobe kasi si Howard kaya di yun basta nahawak kung saan saan at isa pa di naman talaga nararapat magalusan o madumihan man lang ang kanyang walang kasingandang kamay. Naeexcite na kong malaman sa kung anuman ang maaari nyang hawakan. Buti nalang parte ako ng track team kaya excuse ako sa ibang mga classes ko. Kaya wala akong gagawin kundi mag spy kay Howard.

-school-

Matatapos na ang araw kakasunod ko kay Howard pero pawang bag, gadget at libro nya pa lang ang hinahawakan nya. Na mga bagay na hindi ko pa makukuha, sa ngayon. Ultimo doorknob hinahawakan nya gamit ng panyo hanggang sa marinig ko na ang hudyat nang bell na sinasabing tapos na ang araw at uwian na. Nanlulumo ako dahil wala man lang akong naiuwi ngayon araw kaya umuwi ako sa bahay at pilit na iniisip na may bukas pa naman.

-Kinaumagahan-

Maaga akong gumising at pumasok sa eskwelahan susubukan kong pasukin ang faculty room at baka makuha ko yung bag o anuman na alam kong hinahawakan ng kamay ni Howard.

Pasimple akong pumasok sa faculty room upang kunwari ay hanapin si Howard. Pero dahil may apat na teacher na sa loob ng faculty room pasimple na akong lumabas dahil mas pansin ang gagawin ko kung sakaling lalapit ako sa table ni Howard at kukuha ng isang bagay. Nanlulumo nanaman akong lumabas nang makita ko si Andy ang classmate kong alaskador, kaya nagkaideya ako ng dapat kong gawin. Nilapitan ko sya agad.

"Andy may papagawa ako sayo"

"Anong kapalit?" Tanong ni Andy

"Ako gagawa ng project mo para sa English naten"

"Sige deal, sinong bubugbugin?" Natawa naman ako sa sinabi nya at agad na inilahad ang plano ko.

~After class~

Agad akong pumunta sa gym dahil may practice pa at dahil may practice andun si Howard. Nang makita ko si Andy agad na tinanguan ko sya upang ipahiwatig na gawin na nya ang plano.

"Dito" sigaw ni Andy sa kasama nya at agad na pinasa ang bola sa kanya, tinitignan nya muna si Howard at tumakbo sa kinaroonan nito at kunwaring natapilok upang mabangga si Howard. Sakto.

"Aray" sabi ni Howard

"ay sorry sir pasensya na po kayo." Sabi ni Andy at tinapakan ng bahagya ang mga gamit na nahulog ni Howard.

"It's fine just next time look where you're going" at agad na tumayo si Howard ng akmang dadamputin ang gamit ay agad nyang nakita ang sapatos ni Andy na nakaapak sa libro at kanyang panyo. Nagpatay malisya si Andy at dinampot ang ibang gamit na tumilapon.

"I can handle, just go back to your play and remove your foot off my things" sabi ni Howard habang pinipigil ang pagdampot ni Andy sa iba pang gamit.

Nakita ko nang umalis si Andy ay hinawakan ni Howard ang dulo ng panyo na di naapakan ni Andy, tinitigan nya muna ito, nagdadalawang isip siguro kung itatapon nya o lalabhan nalang. Pinunasan nya muna yung parte na naapakan ni Andy na ibang gamit nya and then my prayer works, tinapon nya ito sa pinakamalapit na basurahan.

Wala na akong pakialam kahit na makita ako ni Andy o ang buong basketball team na mukhang tanga. Mas lalong wala akong pakialam kahit na may classes pa ako, agad akong tumakbo at dumiretso sa bahay. Tumakbo ako ng mabilis yung gaya sa marathon na ginagawa ko until I feel na kailangan na ng lungs kong magpahinga but this time, I didn't heed on my lungs request, I keep running and running until I reach my dad's workshop. Out of breath, pinilit ko pa ding magsalita.

"Pa.. haaah.. haaah.. frame" habol hininga kong sabi kay Papa.

"Haha anong nangyari sayo anak?" Sulyap ni Papa saken at bumalik sa ginagawa nya sa mga jars. Malawak ang ngiting lumapit ako kay Papa at pinakita ang panyo.

"Tsk, yan lang pala ang ilalagay mo, kumuha ka ulit dun sa shed" agad akong tumakbo papuntang tool shed at hinanap ang frame, alam ko kasi ugali ni papa, masyado syang OCD, lahat ng sulok nililinis nya kaya nga yung collections nya ng garapon laging malinis dahil di mapapakali si Papa page di nya nakita yun kahit isang araw lang, buy and sell ang pinagkakakitaan ni papa, mula sa mga karne hanggang sa mga antiques.

"Aha!" Masayang sabi ko nang sa wakas nahanap ko din ang frame sa napakalawak na tool shed ni papa na akala mo garahe na para sa dalawang kotse, soundproof din to para wala daw magrereklamo kapag may project si Papa. Narinig kong bumukas ang pinto ng tool shed at sinalubong ako ni papa.

"Anak, you know I expect great things from you, right?" Tumango ako sa tanong ni papa.

"I'm not pressuring you, pero anak I want to see you hang great things sa wall mo hindi yung panyo o ballpen lang. You do understand, right?"

"Opo Papa, I promise I will hang great things on my wall and on our hallway" ngiting sumagot ako ay yumakap kay papa at naramdaman kong hinimas nya ang ulo ko.

"Good, let's get 5 more nang frame para dalhin sa kwarto mo at di ka na mahirapan pang maghanap sa susunod dahil may project kasi ako bukas, alam mo na ayokong may istorbo." Tumango lang ako. Yes! Mas madami na akong frames.

"Then go back to your school,okay?" Tumango lang muli ako kay papa habang yakap ang panyo, iniisip na kamay ni Howard ang nanggaling dun. After looking at my prize possession, I did what my dad told me, I went back to school kahit ang hirap mawalay sa aking bagong collection.

(EMN: fast forward na, nitatamad na magtype sa cp eh.. kung pwede lang itype gamit isip tapos to agad XD)

Weeks passed, madami na din akong frames na nakasabit sa aking kwarto, libro, gloves, uniform ko na hinawakan nya, handle nang doorknob na nagsneek in pa ako sa school nang gabi makuha ko lang, plastic drinking bottle, at marami pang iba pero di pa din sapat.. kulang pa din.. close na din kami ni Andy dahil sya minsan ang katulong ko sa mga plano kong gawin. As long as I make his homework at projects walang problema.

"Anak andito na si Andy." Sigaw ni papa mula sa baba, nakaready nanaman ako maaga palang. Kaya diretso baba na ang ginawa ko.

"Magalmusal muna kayong dalawa bago pumasok at maaga pa naman." Sabi ni papa habang kumakain. Kaya sabay na kaming naupo sa mesa ni Andy. Nag kwekwentuhan sila ni papa tungkol sa basketball kaya di ko na sila pinakinggan pa. Iniisip kung ano naman ang pwede kong makuha at ano ang papaano ko kukunin ang bagay na yun. Nasa kalagitnaan ako ng aking pantasya ng kalabitin ako ni papa at tanungin..

"Earth to Laura" sabi ni Andy. Natawa kami ni papa sa sinabi nya.

"Ano ba kasi yun pa? Nagpapantasya yung tao eh" Kunwari'y inis kong tanong.

"Pinapantasya mo pa ako, andito na ko sa harap mo" sabi ni Andy. Tinawan ko lang sya at may ngiting tagumpay si Papa, alam kong boto si Papa kay Andy, may potential daw kasi ito sa maraming bagay.

"Hindi ah, yung kamay ni Howard ang pinapantasya ko." Mapangasar kong sabi. Na sinagot lang ni Andy ng isang ismid. Natawa si Papa sa pagseselos ni Andy. Umamin na kasi sya saken sa harap ni papa na gusto nya ako.

"Ikaw ba Andy, seryoso ka na sa anak ko?"

"Opo" mabilis na sagot ni Andy.

"Kahit na ano pa sya? O kahit sino pa sya at ako?" Tanong muli ni papa.

"Opo, matagal na po akong may gusto kay Laura, supladang sadya lang po talaga ang anak nyo." Natawa si Papa sa sagot ni Andy.

"Makikita naten kung talagang nababagay ka nga sa anak ko. Mamayang uwian, dumiretso ka dito sa bahay. May papakita ako." Tumango si Andy at tumayo na din kami dahil tapos na kaming kumain.

"Alis na po kami" paalam ni Andy.

"Bye Pa" sabay kami ni Andy pumasok. Sa class na dumiretso si Andy at ako sa gym, humalik muna sya sa pisngi ko bago umalis, madalas nyang gawin yan nang malaman nyang kamay ni Howard ang crush ko at hindi si Howard mismo.

Wala pang tao sa gym dahil mamaya pa naman ang practice, dumaan lang ako dito baka kasi may idagdag ako sa collection ko. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Howard. Umalis ako agad sa gym at tumawa ng malakas. Hindi ko akalain na maisasama ko sa collection ko, ang isang napakagandang bagay.

Sigurado akong matutuwa si papa sa dadalhin at ilalagay ko sa frame. Kaya tinawagan ko sya at humingi ng tulong. Masyadong bulky kasi ito para sa aken.

Excited na akong matapos ang klase. Excited na akong kunin ang bago kong collection at isabit sa pader ng aking kwarto. Ito ang magiging sentro ng mga collection ko.

Matapos ang klase at praktis sa gym pinauna ko na si Andy na umuwi, sabi ko antayin nya na lang ang text ko pag nasa bahay na kami ni papa.

Naghintay pa kami ng isang oras dahil nakita kong pagkaalis ng lahat ng students sa gym hinawakan muli ni Howard ang susunod kong collection.

Nang makalabas si Howard saka naman lumabas ang susunod na obra ni papa, ang susunod na collection ko.

Si ma'am Angela, swimming team ang hawak nya.

Sinundan namen sya ni papa hanggang sa sakayan, nang makita kong nagaabang sya ng taxi agad akong nagpark sa harap ni ma'am Angela.

"Ma'am Angela, sabay na po kayo saken."

"Oh, Laura gabi na, bakit ngayon ka lang uuwi?" Lumapit sya sa bintana at sinilip kung ako lang ang sakay. Di nya nakita si papa sa likod dahil nakatago ito at tinted and bintana ko.

"May dinaanan pa po kasi ako ma'am. Sabay na po kayo saken dahil kina Mariz din po ako papunta ngayon." Isa ito sa mga member ng swimmers na hawak nya, na kapit bahay din nya.

"Naku, wag na, maabala pa kita." Pagtanggi nya, naiinis na ko sa kaartehan nya pero nanatiling malapad ang aking ngiti at..

"Naku ma'am, di ka abala. Sige na po, para tipid sa pamasahe at para may kakwentuhan din po ako sa byahe."

"Sige na nga." Nakangiti nyang sabi at pumasok sa kotse. Dami pang arte, papasok din naman.

Nagkwentuhan kami nang konti at nang ibigay ko kay papa ang sign ay tumayo sya s pagkakayuko at pinaamoy nang pampatulog si ma'am Angela.

Nang makarating sa bahay, iniwanan ko na si papa para sa ritual na ginagawa nya bago ang obra nya, naglinis ako ng katawan at tinext si Andy na kakailangin sya ni papa. Nakatitig ako sa aking mga collection, di na ako mapakali na maisabit ang susunod kong most prize possession. Nagmadali akong bumaba sa tool shed/ workshop ni papa. Nakita ko syang nakangiti saken at sinabing.

"Anak, im so proud of you. I never doubted you alam kong one day you can achieve big things at ala ko, eto (sabay turo sa natutulog na si ma'am Angela) ay umpisa palang"

"Maraming salamat sa laging pagsuporta Pa" at agad akong yumakap sa kanya. Narinig namen ang pagdoorbell ni Andy sa nakakabit na mini intercom sa loob ng toolshed na to kaya agad ko syang pinuntahan at iginaya papasok pero bago pa man sya papasukin sa toolshed ay sinabihan hinarap ko sya.

"Sabi ni Papa you have potential kaya ka nya pinagkakatiwalaan na sumamang gawin ang kanyang obra ngayon. But i doubt you will be trusted with this kind of thing. Alam ko pagkakatiwalaan ka but not with this one. I do hope tama si papa, ayoko kasi mawalan ng kaibigan." at nauna na akong pumasok sa loob ng toolshed ni papa at naramdaman kong nakasunod si Andy sa likod ko.

"Andy, ive been waiting for you. Alam ko this will be the chance para ilabas ang potential mo.'' at iganaya sya ni papa sa likod nang isang divider kung nasan nakahiga si Ma'am Angela na nakatali ang kamay at mga paa, spread like an eagle. May busal sa bibig. Agad akong lumapit kay Ma'am Angela at hinawakan ng dahan dahan ang kanyang buhok pero agad na binawi ito.

"Masarap ba sa pakiramdam ang hawakan ni Howard? Masarap ba sa pakiramdam na gumapang ang kanyang kamay sayo? Saan-saan ka nya hinawakan?" sabi kong may ngiti. Inabot saken ni papa ang scalpel. Kinuha ko ito at tinanggal ang busal sa bibig nya since soundproof naman ang buong toolshed.

"Parang awa mo na Laura. Please parang awa nyo. Wag nyo ko papatayin. Please wag nyo kong sasaktan?!" pag mamakaawa ni Angela sa akin habang pinadadaan ko ang scalpel sa kanyang mukha. May ngiti sa mga labi ang bawat pagsayad ng scalpel kanyang mukha.

"Laura please, hihiwalayan ko na si Howard at lalayuan. Di ako magsusumbong sa pulis. Parang awa nyo na pakawalan nyo na ko" Umiling ako sa kanya tila di nya naiintidihan ang nagaganap.

"Ma'am Angela mukhang di mo nakuha ang tanong ko sayo? Di ko gusto si Howard, kamay nya lang ang gusto ko. Tanging kamay lang nya at dahil dumapo ang kamay nya sa bawat sulok nang katawan mo kailangan maisama ko sa collections ko ang balat mo. Ang bawat sulok kung saan ka nahawakan ni Howard. Andy?" inabot ko kay Andy ang scalpel at nanginginig syang kinuha saken ito. Mukhang natatakot sya sa gagawin nya at mukhang mali si papa sa iniisip nyang may potential si Andy sa ganitong mga bagay. tsk tsk tsk. Mukhang mawawalan ako ng kaibigan ah. Sayang, nagugustuhan ko pa naman sya.

"Son I know you are excited as well as scared but I trust you. You can do this." sabi ni Papa kay Andy at tinapik sa balikat.

"Pa I dont think his excited, more on scared. And I think we need to deal with it later." bulong ko kay Papa

"Trust me." at nilapitan ni Papa si Andy at muling inabot ang scalpel. The cries and plea of Ms. Angela id neither heard or cared anymore.

Then, with trembling hands, kinuha nya ang scalpel while I get to the other side of the room para kunin ang baril, it's sad that I will be using this on him pero masaya ako at sa wakas I can use my favorite toy again and practice. Nang makuha ko sa drawer ang pakay ko agad akong lumapit kina Papa at nagulat dahil I can see Andy, smiling, with a scalpel in his hand and the other hand yung skin nang mukha ni Ms. Angela. His really doing it, so I'm very glad.

Binitawan ko ang baril at yumakap sa likod ni Andy. I'm happy that I have someone, besides my dad, to enjoy things like this. Nilagay ako ni Andy sa harap nya at magkahawak kamay kaming ginagawa ang obra. I am happy and contented.

Natapos na din namin ni Andy ang lahat at nilinis ni Papa ang obra na ilalagay nya sa malaking frame, kaya habang naglilinis si Papa ay umakyat na kami ni Andy sa kwarto para linisin din ang aming sarili.

Pagpasok sa loob nang kwarto, agad kong niyakap at hinalikan si Andy, I can't contain my feelings.

"Easy babe. Maglinis muna tayo. Kailangan pa naten idispatsa ang mga parte ng katawan ni Ms. Angela." Tumango ako. Tama sya kaya kumuha ako ng damit ko at ng damit ni papa na pampalit nya. Sa kwarto ni Papa sya magbibihis at ako dito sa banyo ko. Nang maiabot ko ang damit at akma na syang aalis nang..

"Laura, salamat at tinawagan mo ko. Salamat for trusting me. Saka for giving me this chance." Humalik sya sa aken at agad na umalis.

Matapos makapaglinis ay maingat inilagay ni Papa ang obra, ang center piece nang aking collection. Ang trophy namen ni Papa.

"Napakaganda anak, I'm so proud of you. Kami nang Mama mo." Sabay yakap saken ni Papa at ang garapon, kung nasaan ang synthetic na mata ni Mama, ang unang collection ni Papa.

"Take good care of my daughter, hah, iho." Sabi ni Papa kay Andy, na ngiti at tango naman ang sagot nya. At lumapit saken si Andy, smiling and hugging me.

"I can't wait na madagdagan ang collections mo, babe. And I hope I can find my own collection." I kiss him. I can't wait as well. I can't wait.


L’AVIS DES CRÉATEURS
ImPossible8 ImPossible8

sobrang haba nang one shot na to kasi not included po talaga si Andy sa story, spur of the moment kaya sya naisama, then nung maisama na sya sa story nakaisip ako ng sariling chapter na laan kay Andy na ito ang magiging starting point or chronicles nya. Ganern.

Comment any obsession you can think of na pwede kong gawin story.

next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous