Télécharger l’application
23.52% The Hidden God [Tagalog] / Chapter 4: A God Tier

Chapitre 4: A God Tier

GAIA's POV

I woke up early in the morning, it's just 5:30 AM tapos 7 pa ang klase ko. Sinadya ko talagang gumising ng maaga kasi kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko.

Sana naman inilagay ni mama ang kwintas na 'yun. Inayos ko muna ang mga damit ko, bago ko hinalughog ang maleta. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang parihabang itim na kahon. Agad ko iyong binuksan at kinuha ang kwintas sa loob tsaka sinuot. Isang simpleng bilog na itim lang ang pendant 'nun, sabagay hindi naman para gawing palamuti ang kwentas na 'to.

Ngayon mapapanatag na akong lumabas. Pagkatapos kong maayos lahat ng gamit ko ay napagpasyahan ko nang maligo.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakabihis na ako, nakita ko rin si Zeira sa sala at mukhang nanunuod ito ng TV.

Lumapit ako sa kinaroroonan nito pero andoon pa rin ang atensiyon nito sa TV.

"Isang taong may abilidad na naman ang napatay ng vigilanteng grupo na nagngangalang HUNTER. Nakikilala ang grupo dahil sa iniiwang sulat sa papel o ano mang pwedeng lagyan gamit ang dugo ng biktima ng kanilang pangalan."

Ipinakita sa TV ang sinasabing palatandaan, gamit ang dugo ng biktima ay isinusulat nila ang pangalan ng kanilang grupo malapit sa katawan ng biktima. Hindi na bago sa akin ang balitang ito. Tinatarget ng HUNTER, ang 'yung mga may abilidad na tao na tumutulong sa mga tao or so I thought. Usually, the people behind this heroic acts are those in Supreme Tiers.

"Kailan ba sila titigil?!"

Nabalik ang atensiyon ko kay Zeira ng bigla itong umimik at nagulat ako ng makitang naluluha ito habang nasa telebisyon pa rin nakatuon ang mga mata.

"Zeira..."

Pumikit ito at pinunasan ang kaniyang mga luha. Pagkatapos ay ngumiti ito sa akin.

"Pasensya kana Gaia at nadramahan pa kita eh ke' aga aga pa."

Pinipilit nitong pasiglahin ang boses habang kinakausap ako.

"Okay lang Zeira, b-bakit ka umiiyak?"

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magtanong. Napakagat pa ako sa labi ko pagkatapos kong maitanong 'yun.

Ngumiti ito ng walang kasigla sigla sa akin. At pinagsisihan kong itinanong ko 'yun dahil muli itong umiyak at nabigla pa ako dahil yumakap ito sa akin.

"Pinatay ang kuya ko ng grupong iyon. Gusto lang ni kuya na makatulong sa mga nahihirapan at nangangailangan ng tulong. Pero walang awa pa rin siyang pinatay."

Kaya pala ganoon nalang ang reaksiyon niya. Pinakalma ko ang sarili ko kasi nakakaramdam ako ng galit.

"M-maging matatag ka nalang para sa kuya mo Zeira. S-sigurado akong ayaw ka niyang nagkakaganito dahil sa kaniya."

Hinahaplos ko ang likod ni Zeira habang nakayakap pa rin ito sa akin. Umalis naman ito sa pagkakayakap pagkaraan ng ilang minuto.

Sumisinghot pa rin ito pero wala nang luhang lumalabas sa mga mata nito. Binalingan ako nito at nginitian, at totoong ngiti na ang ibinibigay niya ngayon.

"Maraming salamat Gaia, kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik kasi may nasabihan ako ng saloobin ko."

"W-wala 'yun Zeira. Mabuti pa't kumilos na tayo at kakain pa tayo."

Tinanguan naman ako nito at hinintay ko ito ng ilang minuto kasi kailangan niyang mag-ayos muli.

-

Tinatahak na namin ang hallway patungong cafeteria. At kanina pa mahigpit ang kapit ko sa aking damit dahil sa atensiyon na nahahakot ko sa kadahilanang kasama ko si Zeira na mukhang sikat ata dito sa Academy.

Kanina pa ako sinasabihan ni Zeira na 'wag na pansinin ang mga ito. Kaya pinipilit kong isinawalang bahala ang mga tinginan at bulungan ng mga kapwa ko estudyante na nadadaanan o nakakasalubong namin. Nakakasigurado ako na kung wala si Zeira sa tabi ko ay kanina pa ako napasabak sa gulo.

Malapit na sana kami sa cafeteria nang biglang huminto si Zeira kaya napahinto din ako. Tiningnan ko ito at nakita kong nakakuyom ang mga kamao nito. At narinig ko ang usapan ng kung sino, dahilan para mapahinto si Zeira.

"Ay may basurang kasama si Zeira! Hahaha what a good combination! Basura at palaboy!"

Napatingin ako sa babaeng nakatalikod sa amin na may kausap na dalawang babae sa harapan niya. Nakagat ko ang aking labi tsaka tiningnan si Zeira at napaatras ako sa takot ng makitang nakatuon na ang paningin nito doon sa babae na patuloy pa din sa pagsasalita ng kung ano-anu. Pero ang kaharap nitong dalawang babae ay parang nawalan na ng dugo at naging maputla habang nakatingin kay Zeira.

"Ahm L-lily..."

Nauutal na sambit 'nung kasama ng babae na Lily ata ang pangalan.

"Ano? Haha tama naman ako diba? Patay na ang kuya niya at isa na siyang palaboy ngayon kasi wala na siyang kapit haha. Such a p- aackkk..."

Napatakbo ang kasamahan nito at naiwan iyong babae na nakahawak sa dibdib nito. Tiningnan ko si Zeira at umiilaw na ang mga mata nito, tanda na ginagamit nito ang kaniyang abilidad.

"Z-zeira..."

Mahinang tawag ko dito pero parang wala itong narinig at naglakad ito patungo doon sa babae na nakatingin na sa amin at mababakas mo ang takot sa mukha nito.

"Wala kayong karapatan para pag-usapan ang kuya ko! Magtutuos tayo ngayon!"

Napaupo na si Lily sa sahig habang nakahawak sa dibdib nito at humihingal na para bang naghahabol ng hininga.

"P-patawad Z-Zeira! P-pakawalan aaack!"

Napahawak naman ito sa ulo at napadaing. Ano bang abilidad ang meron si Zeira?

"Tawagin niyo ang alin man sa royalties!"

Narinig kong sigaw ng isang estudyante sa isang super speed ability na student.

Napahakbang ako papalapit kay Zeira dahil unti-unti nang nawawalan ng kulay ang mukha ni Lily.

"Z-zeira!"

Tawag ko dito pero galit at poot pa rin ang nakikita ko sa mukha nito. Nang hahawakan ko na sana ang braso nito ay may sumigaw na lalaki.

"Zeira!"

Dumagundong ang boses nito sa hallway na kinaroroonan namin at nagtagumpay naman itong makuha ang atensiyon ni Zeira dahil napaharap ito sa gawi ng lalaki at nawala ang ilaw sa mga mata nito. Tuluyan namang nawalan ng malay si Lily na agad dinaluhan ng ilang estudyante at dinala sa kung saan.

"Zhyke..."

Ang tanging nasambit ni Zeira habang nakatingin sa lalaking papunta sa gawi namin. Bakas ang galit sa mukha nito, at grabe ang pag-igting ng panga nito. Lumapit naman ako kay Zeira ng makitang nawawalan ito ng balanse. Hinawakan ko ang braso nito.

Agad naman akong nataranta ng unti unting umangat si Zeira. Agad kong sinigawan iyong lalaki ng walang pag-aalinlangan at huli na ng mapansin ko ang ilaw na lumalabas sa mga mata nito.

"Ibaba mo siya!"

Nabaling ang umiilaw nitong mga mata sa akin. At gusto kong bawiin ang sinabi ko. Dahil nasa harapan ko lang naman ngayon ang isang makapangyarihang tao. Isang God tier.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous