(Sean POV)
"Master Sean." ngumisi ako sa secretarya ko saka inabot ang tie niya na siyang inayos ko para sa kanya. "Dahil kung may mahalagang bagay na nangyari, ibang tao ang gusto kong magpa-abot. Seryoso ang bagay na yan."
Dumating na ulit ang pangalawang elevator, ng matigilan ako dahil sa scarf na nasa sahig. Pinulot ko… Sa babae ito diba? Bakit ko pinulot? Kaya binitiwan ko ulit. kahit ang mga tauhan ko di aakalain na pupulutin ko. Anong ginagawa mo sa buhay mo Sean!
Tsk!
Pagdating ko sa silid. Agad naman ako iniwan ng mga tauhan ko. Pumasok lamang si Angelo, para ilapag sa mesa yung gamot ko. Saka tinulungan na ako hubarin ang aking suit.
"The exhibition will commence by 8:30 am." paalala ng Secretarya ko, bago tuluyan ako nilisan.